Chapter 11

193 8 2
                                    

Gaya nga ng napag-usapan namin ni Thor ay sumama sya sa akin. Niyaya ko din naman sila Brionny at Elena pero may mga family dinner raw sila. Yung mga kaibigan naman ni Thor ay hindi ko nakita kahapon kahit si Genevieve hindi ko naabutan.  Nakatulog na ako ng dumating siya kagabi tapos wala siya kaninang umaga paggising ko.

"Donna, nahihilo na ako." bulong na naman ni Thor habang nasa jeep kami. Hindi kasi sinabi ng tukmol na 'to na hindi pa sya nakakasakay ng jeep kahit kailan.

"Sira ka kasi! Ang yabang yabang mo sumakay kanina! Sana sinabi mo para sana nabilhan man lang kita ng candy." mahinang asik ko sa kanya.

"Candy? What for?" sinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Ginalaw ko ito para sana alisin ang pagkakasandal niya pero ibinabalik niya rin kaya hinayaan ko na.

"Iyon kasi ang ginagawa ni mama 'pag nahihilo ako. Candy lang tapos wala na." kanina pa kami pinagtitinginan sa jeep o mas tamang sabihin na si Thor ang tinitignan nila?

"Alisin mo nga ulo mo. Baka machismis akong buntis na kakaganyan mo." bulong ko kay Thor.

Natawa siya at mas lalong dumikit sa akin. Hindi naman ako naiilang dahil parang wala lang din naman para kay Thor. Nang-aasar lang.

Kinalabit ko si Thor ng huminto na ang jeep sa village namin.

"Ang daming puno dito." puna niya bago ilibot ang kaniyang tingin.

"Dito na lang din ako titira. Ang ganda dito!" parang batang saad niya.

"Hindi naman ako magyayaya kung mukhang basurahan ang lugar namin, 'no."

Maglalakad na sana kami papasok sa gate ng may humintong kotse sa harapan namin.

Hihilahin ko na dapat si Thor para makatakbo ng bumaba ang bintana ng kotse. Bumungad ang mukha ni Zyren na nakangisi sa amin. Paano 'to nakarating dito?

"Gago ka! Akala ko kidnapper!" sinubukan ko pa siyang hampasin ng bag ko.

"Ang gwapo ko namang kidnapper 'nun? Baka sila pa mismo sumakay---"

"Ang dami mong dada 'e bakit ka nandito, aber?" nakapameywang kong sabi.

"Kami. Hindi lang ako." kumunot ang noo ko pero agad din na nawala iyon ng bumukas ang bintana sa backseat. Dumungaw sila Aiden at Genevieve mula doon. Kumaway pa sila sa akin na parang matagal kaming hindi nagkita.

"Hi, Donna girl!" Genevieve exclaimed. Hilaw akong ngumiti dahil sa pagkabigla.

"Ano, ako nagsabi sa kanila. Nakita ko kasi sila kagabi sabi mo naman yayain ko sila. Hindi ko lang inexpect na sasama talaga sila." nakangiwing paliwanag ni Thor.

"Wala naman problema! Mas masaya nga 'yon! Tara na!" bigla akong naexcite dahil nga hindi ko sila nakasama kahapon. Namiss ko din naman sila kahit papaano.

Hinintay namin sila makababa bago kami sabay-sabay na naglakad papasok. Agad bumungad sa amin ang mga batang naglalaro, mga dalaga at binatang nakatambay sa mga tindahan at syempre mawawala ba ang mga chisimosang pinagtitinginan kami ngayon?

"Sikat ka pala dito, ang daming nakatingin." sabi ni Zyren.

"Tanga, sa inyo 'yan nakatingin. Bago kayo sa mata nila, 'e." bagong pagtsi-tsismisan.

Nakarating kami sa harap ng bahay namin ng ligtas. Buti hindi sila dinumog ng mga hitad dito.

"Bakla!!!" irit ng matinis na boses mula sa likod namin. Agad akong humarap para salubungin  ng yakap si...

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now