Chapter 19

186 9 1
                                    

We are in the cafeteria now and eating. We didn’t have a class because of the upcoming festival.

"Mahalagang paalala, kapag kasama ang tropa. Walang jowa-jowa!" pagpaparinig ni Perse kay Brionny at Thor. Kung maglingkisan kasi ay daig pa ang mga linta amputa.

"Tss, ang rupok rupok! Hindi man lang pinatagal! Ilang minuto ka niyan niligawan?" ngumuso sila dahil sa aking sinabi.

"Palibhasa kasi wala kang gusto kaya 'di mo alam feeling!" Thor spatted.

"Ha! Wow naman! May gusto kaya ako, 'no! Gwapo! Mas gwapo pa---"

"Mas gwapo sa akin?" singit ni Adriel. Nakaakbay sa upuan ko ang braso niya.

Simula ng 'ligawan' niya ako ay naging sobrang clingy na siya sa akin. Hindi pa siya nahihiya na may makakita sa kaniya.

Ayos lang naman sa akin para alam ng mahaharot na babae dito na akin siya. Territorial ako, bakit ba.

"Hoy!"

"Ano?!" inis kong tanong kay Perse.

"Tulaley ka diyan?"

"Nag-iisip ako, okay?"

"Sino naman?"

"Sino agad? Hindi pwedeng ano muna?"

"Pa-choosy pa siya, oh!" pumilantik pa ang kaniyang mga daliri.

"Baklang-bakla ka, bhie." he rolled his eyes at saka nagseryoso.

"Do you want me to kiss---" may lumipad na tissue sa mukha niya at tatawa- tawang tinanggal naman niya 'yon.

"Gago, bro, ginaya lang naman kita!" sabi niya kay Adriel.

"Naaalala nyo nung first day? Di'ba sinabihan din siya ni Donna ng bakla?! Tapos sabi niya pa "Do you want me to kiss---" aysus! Gusto lang palang man-tyansing!" natawa kami habang namumula ang mukha ni Adriel.

"Shut the fuck up."

"As if! Tapos heto pa, noong nagpunta tayo sa bahay nila Donna! Hinali---"

"Kain ng kain, Persiano." sabi ko pagtapos magsalpak ng tinapay sa bibig niya. Ang daming kwento.

"Oh, Mom's coming here!" Ate blurted out.

"Bakit daw?" napatingin sila sa akin dahil sa tanong ko. Hindi pa ba nila alam?

"Hindi nyo pa sinabi?" kunot-noong baling ko sa kapatid.

"I already told Kuya to tell them!"

"I forgot." kamot ulong ani ni Kuya.

"Ano ba 'yon?" Thor asked.

Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa mesa at pinagsiklop ito.

"Kailangan niyo ng matinding pag-intindi sa sasabihin ko." seryosong usal ko. Rinig ko ang tawa ni Adriel at ng mga kapatid ko habang abang na abang naman sila sa pasabog kong balita.

I stood up.

"Me and my siblings, woah! Magkapatid kami, magkapatid kami, woah!" sinamahan ko pa ito ng sayaw na nakita ko sa tiktok.

Namumula ang mga mukha nila at halatang pinipigilan nila tumawa. Tss, bilib na naman kayo!

"Gets niyo na?"

"Bwahahahahaha. Nakuhanan niyo ba?" tumatawang tanong ni Zyren. Bigla namang naglabasan ang mga cellphone nila mula sa ilalim ng lamesa. Gago 'tong mga 'to!

"You know how to dance pala, Donna! So cute!" nakangiting sabi ni Brionny habang nakatitig sa cellphone niya.

"Parang mg tanga 'to! Naintindihan niyo ba ang sinabi ko?!" ang init na ng pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan. Masama talaga ang dulot ng tiktok sa akin.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now