Chapter 20

195 8 2
                                    

Tawa ng tawa si Ate ng marinig niya ang nangyari kanina. Ang inaasahan ko pa naman ay maiinis siya pero tinawanan pa ako ng gaga.

"Sorry, omygosh. I can't hold my laugh. I mean, you really said that? Feisty, huh? But that runs in our blood and I'm so proud of you! Except the part that you let her tweak your hair." I frowned.

"Hindi naman ako napatol sa 'ganun, 'no! That's so inappropriate specially we're in school."

"That's fine, Gen. We slapped her twice naman, 'e." ani Brionny habang sinisipat ang kaniyang kuko.

"Tss, bakit ba nandito pa kayo? Bumalik na nga kayo sa mga kwarto niyo!" lahat kasi sila ay nagsiksikan sa kwarto namin.

"Kasama kami sa dinner nyo, remember?" sarkastikong untag ni Thor. Inirapan ko siya. Porque nagkajowa ginaganyan na ako.

"Are you alright?" bulong na naman ni Adriel.

"Oo nga! Ilang beses mo na tinanong 'yan!" naiinis na usal ko. He pouted. Tangina, walang ganyanan.

"Tigil mo nga 'yan!" mahina kong nilamukos ang bibig niya. Ang cute cute kasi.

"Hindi ka ba nahihirapan sa paghinga?" lumamlam ang mata ko habang nakatitig sa kaniya.

"Sana all concern." tinusok ko ang pisngi niya pero nagulat ako ng kuhanin niya ang daliri ko at sinalpak bigla sa bibig niya.

"U-uy, ano bang ginagawa mo?" namumulang tanong ko.

Sinubukan kong hilahin ang daliri mula sa bibig niya at dahan-dahan naman niya itong niluwa.

Nang-aakit ba siya? Hindi pa ako ready sa mature content!

"Lasang adobo." biglang sabi niya na ikinabusangot ko.

"Hindi ako kumain ng adobo!" he chuckled and hugged my waist.

May biglang tumikhim kaya napatingin kami sa gawi nila.

"Kayo na ba?" seryosong tanong ni Kuya.

"Hindi pa."

"E, bakit daig niyo pa kami? Kung magyakapan akala mo may label." ungot ni Thor.

"Thor, gusto mo malaman anong pinagkaiba niyo sa amin?" tanong ko at napangiwi naman siya.

"Ano naman 'yon?"

"Hindi ako pinupuntahan ni Adi---"

"Diyan ka nagkakamali!" awat niya sa akin habang nanlalaki pa ang mga mata.

"Oh, bakit? Totoo naman ah?" hamon ko sa kaniya pero ngumisi lamang siya at saka sinulyapan si Adriel na nakasiksik sa bewang ko.

"Noong hindi ka pumasok! Alam namin na pinuntahan ka niyan! At ano ang malupit? Hindi umuwi! Akala niyo ha." Adi groaned. Hindi siya umuwi? 'E wala na siya paggising ko ah?

"Hindi ka pala umuwi? Saan ka natulog?" tanong ko.

"Beside you." mahinang bulong niya na kami lang ang makakarinig. My eyes widened.

"S-sa t-tabi ko?" I felt him nod against my waist.

"Oh, ano? Tsaka anong ginawa niyo---" naputol ang sasabihin ni Thor ng tumayo ako bigla dahilan para mahulog si Adi sa kama.

"Tara na. Nandoon na siguro sila Mommy." ani ko at saka lumabas.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at kamalas-malasang naiwan ko sa loob ang aking inhaler.

Pumasok muli ako at nakitang nakatayo na sila at handa ng umalis.

"Bakit ka pumasok ulit?" tanong ni Kuya.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now