Chapter 7

235 8 1
                                    

Hindi pa rin ako gumagalaw habang nakatingin sa kanila. Paano sila nakapasok dito? Diba girls dormitory 'to? 'E bakit may boys? Sino yung babaeng kasama nung lima? Bakit parang close sila? Aish. Ano bang pakialam ko sa kanila.

"Meron akong pakialam kasi kwarto ko 'to!" sagot ko sa aking sarili.

"Huh? What are you talking about?" bumalik ako sa ulirat ng tanungin ako ni Aiden.

"H-huh? Wala, wala. Kausap ko sarili ko." their forehead creased.

"You're talking to yourself? Why?" tanong pa din ni Aiden. Pasimpleng chismoso din ito 'e.

"E, s-sakin na lang 'yon! Chismoso mo naman. Pero teka nga, bakit kayo nandito? At talagang join forces pa kayong lahat with back up pang isa." inirapan ako ni Sinto at dahil hindi ako papatalo sa kabaliwan niya ay inirapan ko din siya ng dalawang beses. Hah!

"Childish."

"Baliw ka naman." hindi naman na siya sumagot kaya bumaling na lang ako sa babae na sinalubong naman ako ng matamis na ngiti.

"Hi, I'm Genevieve and I'm also your roommate. I guess you already knew this guy's so..." she shrugged then walked towards her bed.

"Ah, I'm Donnatella Caden Vilasco but you can call me Donna na lang." I offered my hand but instead of  holding my it she stood up and hugged me tightly. I was confused at first but seconds later I found myself hugging her back.

"I'm so happy to finally meet you, Donna." she whispered before letting me go. Finally? What does that mean?

Imbis na magtanong ay ngumiti na lang ako.

"Nagugutom ka na ba, Donna?" Aiden asked.

"Hindi naman." ngumiti ako sa kaniya.

"So, ano nga? Why are you all here? " tanong ko ulit.

"Um, they're my friends and I invited them h-here. Are you kinda uncomfortable?" ani ni Genevieve.

"Friends? 'E bakit dito mo pa pinapunta? May cafeteria naman? O kaya sa labas ng dormitory? Baka mapagalitan kayo---"

"We just want to check on you, that's all." sakin?

"Huh? Anong kinalaman ko sa inyo? Di naman tayo close, 'no." I frankly said.

"Babe kasi ganito 'yon---" binato ko ng unan si Zyren.

"Okay, okay. Ganito kasi, DONNATELLA. We waited for you outside your classroom but you weren't there. Then Aiden as a stupid dumbshit didn't even bother to tell us that he saw you leaving the building! After that he left us hanging there outside your goddamn classroom! We really looked like stupid waiting for no one, right?" he smirked without humor. Hindi naman halatang galit siya 'no?

"Oh, 'e, bakit parang kasalanan ko? "

"Tsaka, bakit nyo ko hinihintay? FC kayo masyado ah."

"Gusto lang kitang makita. Si Perse naman nandoon na din kasi classmates kayo. Si Aiden ewan ko dahilan niyan pero dude walang talo-talo ah---"

"Don't flirt with her, motherfvcker." seryosong untag ni Aiden.

"Don't include her with your  game." segunda pa ni Genevieve.

"What's wrong with you, guys? And for fuck sake I'm not playing with her! And for all your damn information, she already rejected me." he rolled his eyes.

"A-ano, huwag kayo dito mag-away. Baka may makarinig isumbong pa na may lalaki dito. Tsaka nagbibiro lang naman 'yan si Zyren, diba?" tumingin ako kay Zyren.

Hindi siya sumagot kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya saka tumayo.

"Bathroom lang ako." kumuha muna ako ng damit sa aking maleta. Tss, dapat pala inayos ko muna 'to bago ako natulog. Paano ako kukuha ng underwear kung may mga lalaki dito?

"Pwede talikod muna kayo?" saad ko habang nakatalikod pa rin sa kanila. I felt their gazes shifted to me.

"Why?" Thor asked. Prente siyang nakaupo sa single sofa habang nakataas pa ang mga kamay niyang ginawa niyang unan sa likod ng kaniyang ulo.

"Sige na. 'Wag na kayo magtanong." hinarap ko sila at kahit nagtataka man ay tumalikod sila kahit si Genevieve.

Dali-dali akong kumuha ng panty at bra sa aking maleta bago umayos ng tayo. Isiniksik kong maigi sa aking kamay ang underwear ko.

Nag-angat ako ng tingin para lang makasalubong ang nang-aasar na tingin ni Perse. Bakit nakaharap 'to?!

"Punyeta ka talaga!!!" irit ko bago tumakbo papuntang banyo. Narinig ko pang tinanong nila ang isa't isa kung anong nangyari pero tanging tawa lang ang isinagot ni Perse.

I walked out from the bathroom with a frown. Bwisit! Nakakabwisit talaga! Kung pwede lang talaga manaksak kanina pa nakabulagta itong Persiano na 'to!

Wala akong pinansin kahit na alam kong nakasunod sa akin ang mga tingin nila. I go straight to my suitcase to organize my belongings. No one dared to talk. Kaunti na lang talaga ay makakarinig na kami ng kuliglig dito sa sobrang tahimik.

Habang naliligo ay naisip ko bakit laging sumusulpot ang mga lalaking ito sa paligid ko. At kung umasta sila parang long lost friend nila ako. Ang weird nila lalo na ni Aiden at Genevieve. Kasi everytime na titignan ko sila nakikita ko talaga sa mga mata nilang nag-aalala sila sa akin. Well, except kila Perse, Adriel at Thor. Alam kong makulit lang talaga si Perse kaya kami nakakapag-usap. Si Adriel naman halatang napipilitan lang sumama sa kanila, 'ganun din siguro ang dahilan ni Thor.

"Ah, Donna, bababa na kami sa cafeteria. S-sasama ka ba?" Aiden hesitantly asked.

"Sige, una na kayo. Tapusin ko lang 'to." ngumiti ako bago bumalik sa aking ginagawa.

"Hindi. Hintayin ka na lang namin."

"Huwag na, baka matagalan pa ako dito. Alam ko naman na kung saan papunta ang cafeteria. I can handle myself."

"Oh, okay. So, we will go ahead now." tumayo na sila Thor at Adriel saka sabay na lumabas sa pinto. Nagpaalam na rin si Zyren na kumindat pa sa kin. Tsk.

"Bye, underwear!" Perse shouted then run towards the door.

"Bwisit ka!"

"What is he shouting about?" takang tanong ni Genevieve. Umiling na lang ako, walang balak sabihin. Nakakahiya kaya 'no!

"Kuya, dito na lang ako. Sasamahan ko na lang si Donna dito then we will go to the cafeteria after." Kuya?!

"Magkapatid kayo?!" they both nodded.

"Yeah, sige dito ka na lang muna, Gen. Bumaba kayo pagkatapos nyo dito para makapag-dinner kayo agad. Donna, bilisan mo na diyan." ani niya bago lumabas.

"Makapag-utos naman 'yon parang Kuya ko siya 'e ikaw lang naman kapatid niya!" I whinned like a kid. Genevieve chuckled.

"Kuya mo nam---" she suddenly stopped talking so I looked at her.

"Kuya? Sino?"

"N-nothing. Um, how can I help you ba? So you can finish there right away." alok niya bago umupo sa sahig sa tabi ko.







Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now