Chapter 52

156 7 8
                                    

"What?" tanong ko nang mapansin ang paninitig nila sa akin.

We were outside Adriel's room. Ito na ang huling beses ng chemotherapy niya bago siya isalang sa surgery.

"Nagkausap na kayo ni Adriel?" Ate Genevieve asked.

"Of course. Bakit naman kami hindi magkakausap?" kunot-noong tanong ko.

"And... what's the real score between the two of you?"

"What are you talking about-"

"Sila na ulit..." Persephone interrupt.

"For real?" nanlaki ang mga mata nila.

"Why...?" tanong ko dahil sa pagtataka sa kanilang mga reaksyon.

"So, hindi ka na rin galit sa amin?" nilingon ko si Perse.

"I'm busy kaya hindi ko nasabi sa kanila na okay na tayo-"

"And here we thought she's still mad!" ungot ni Brionny saka lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss hanging out with you!" she said. Sunod na lumapit sa akin si Elena at niyakap din ako.

"OA," bulong ni Perse kaya agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Ate.

Magsasalita pa sana si Brionny nang lumabas si Thor sa kwarto ni Adriel.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga tinginan nila. Napansin ni Brionny ang paninimbang ko sa kanilang mga reaksyon kaya nag-iwas siya ng tingin.

Nang maghiwalay sila noon ay umiwas sa amin si Thor. Naging mas busy siya sa trabaho and he became... lonely. Not that he doesn't any friends other than us. Sila Perse naman talaga ang mga kaibigan niya noon pa man.

At least, may kasama siya na mapagsasabihan niya ng kaniyang mga problema. Gano'n din si Brionny...

"Adriel wants you in," imporma ni Thor. Tumango ako at agad pumasok sa loob.

"Hey..." lumapit ako sa gilid ng kaniyang kama at saka hinaplos ang lubog niyang pisngi.

"Ang sakit ng ulo ko," saad niya. Agad akong naalarma ngunit bago pa ako makagawa ng anuman ay narinig ko na ang hikbi niya.

"Will you get mad if...if I say that I'm getting tired of all this shits?" my tears instantly pooled.

"W-what are you saying?" kunwari akong natawa kaakibat ng pagtulo ng aking luha.

Hindi niya ako sinagot ngunit naririnig ko pa rin ang kaniyang hikbi.

"A-akala ko napag-usapan na natin 'to?" mahinahong sabi ko.

"I know...but I am the one who feels the changes in my body," my brows furrowed.

"Huh?"

"I just want to have peace-"

"You're so selfish." putol ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang namumula niyang mga mata.

"Gusto...gusto mong sumuko na lang? Eh, paano kami?" umagos ang aking luha pababa sa aking pisngi.

"Nahihirapan na ako-"

"Kami ba hindi? Iyong makita ka bang nahihirapan...tingin mo hindi masakit para sa amin? Alam mo ang dami naming naniniwala na kakayanin mo tapos ikaw itong binababa ang iyong sarili!" yumuko siya at yinakap ako.

"I-If my love is not enough for you to fight, isipin mo na lang ang mga anak nating maiiwan mo..." kinalas ko ang yakap niya sa aking bewang at tinalikuran siya.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDDär berättelser lever. Upptäck nu