Chapter 18

185 9 0
                                    

Ginawa nga ni Adriel ang sinabi niya. Parati siyang nakasunod sa akin at lagi niya din ako sinasama sa kung saan-saan. Nagsisimula na din silang mag-practice para sa performance nila sa festival next week.

Pinili ko na lang sa decoration team tutal ay nandoon din naman sila Elena at Brionny.

Kuya Aiden and Ate Genevieve and I haven't talked properly yet. They said that's what I should call them. Kuya also told me that he would give me time to be with my family because by the time o-our parents found out that they had found me...maybe they'll stop me from going to Laguna? I really don't know what will happen.

Until now, they still don't know that we're siblings. Only Adriel. I don't call them brother or sister when they're with us. Okay lang naman sa kanila 'yon.

I was walking in the field when a middle aged woman approached me.

"Hija, I'm sorry to disturb you but may I ask if you know Genevieve Hernandez?"

"Yes, Ma'am. Why?" hindi ko alam anong tawag sa nararamdaman ko pero parang sobrang gaan ng loob sa kaniya.

"Oh, are you close to each other?" nagulat ako ng bigla itong lumingkis sa braso ko.

"Uh, k-kinda?"

"Pwede mo ba akong samahan sa kaniya? Ang tagal ko ng hindi nakikita ang mga anak kong iyon! Si Aiden? Kilala mo ba siya?"

Anak...

Napatitig ako sa kaniya at napansin ko nga ang pagkakahawig nila ni Ate Genevieve.

"Why are you crying?" she gently caressed my cheeks to wipe my tears.

Tinatak ko sa aking isipan noon na hindi ko sila pamilya pero ano itong nararamdaman ko? Pangungulila? Bakit? Kuntento ako kila Mama!

"Mommy? Mom!" nadinig ko ang boses ni Ate pero napako ang mata ko sa kaharap.

Hindi niya ba ako nakilala? Ano yung sinasabi nilang lukso ng dugo? Bakit ako lang ang nakakaramdam?!

"My, what are you doing here?" mas lalong sumikip ang dibdib ko ng makitang sumilay muli ang ngiti niya 'pag harap kay Ate Genevieve. Wala siyang pakialam sa akin.

"I'm visiting you and your brother. I asked this girl but she suddenly cried."

This girl...

Ayokong mag-isip ng masama pero sa ipinapakita niya ngayon ay parang wala siyang nawawalang anak.

"D-donna... don't cry, 'lil sis. Ate's here." niyakap ako ni Ate Genevieve pero hindi nawala ang tingin ko sa ginang sa aking harap.

"Ate? 'Lil sis?"

"Do you want to tell her now?" bulong ni Ate habang hinihimas ang aking likod. Umiling ako pero hinigpitan niya ang kaniyang yakap.

"We need to, Donna." inayos niya ang aking tayo at ang buhok ko.

The students passing by were already looking at us so we decided to just go to our room.

_____

Hagulgol lamang namin ang maririnig sa apat na sulok ng aming kwarto. Hindi makapaniwala ang nanay ni Genevieve sa narinig. Sinisi niya pa ang magkapatid dahil hindi agad sinabi sa kanila.

Wala akong maramdaman kahit nakikita ko siyang umiyak. Hindi mawala sa isip ko ang mga ngiti niya kanina. Tila wala siyang anak na nawala. Maaari siguro na tanggap na nila na wala na ako? At sila ate lang ang nagpatuloy na hanapin ako? Pero bakit pa nila ako hinanap?

Kingina, ang gulo ko.

"W-why? How could you not tell us?!"

"My, nakiusap ang mama niya." nakita ko ang dumaang sakit sa mata ng ginang.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now