Chapter 5

261 10 0
                                    

I told Zyren how did I get to this point at kahit siya nawi-weirduhan din sa mga pangyayari. Sino ba naman ang hindi?

"Mas maganda ang edukasyon doon kaysa dito kaya huwag ka ng magreklamo, anak." mahinahong saad ni Mama.

"Pero Ma, hindi ako tatagal 'don. Dito na ang nakasanayan ko tsaka ayos lang sa akin kung---"

"Maayos na ang lahat, anak. Nandoon na ang mga gamit mo sa inyong dormitoryo. "

"Dormitory?! E'di hindi ako uuwi?! Hindi naman pwede 'yun, Ma." Nakakainis. Bakit hindi man lang nila hiningi ang opinyon ko patungkol sa ganitong bagay?

"Kaya nga hindi na agad namin sayo sinabi kasi alam namin na ganyan ang magiging reaksyon mo."  tinignan ko si Papa para humingi ng tulong pero nag-iwas lang sya ng tingin sa akin.

"Ano po ba ang pinagka-iba? Iisa pa rin ang magiging reaksyon ko at ito 'yun! Ma, napakamahal ng tuition 'don. Hindi na nga kayo magkandaugaga sa trabaho tapos doon pa ako sa Maynila mag-aaral? Pamasahe pa! Tapos iyong magiging pagkain ko 'don. Syempre, maraming mga miscellaneous fees 'don! Ano na mangyayari sa balat ng tinalupan?" napailing sila sa aking huling sinabi.

"Ikaw talagang bata ka,oo. Hayaan mo na't para naman iyon sa kinabukasan mo. At least 'don ay makukuha mo ang kursong gusto mo. " wala naman na akong magagawa 'e. Nandoon na nga ang gamit ko.

"Teka, bakit po nandoon agad ang gamit ko? Ayaw nyo na ba talaga sa akin at pinauna nyo na pati 'yun para umalis ako?" ma-dramang  saad ko.

Niyakap ako ni Mama ganun din si Papa.

"Sorry, anak." I was shocked when I saw their faces. Their tears are flowing down and that hurts me. Ayaw kong nakikita silang umiiyak kaya dali-daling pinunasan ko ito saka sila mahigpit na niyakap.

Bago ako umalis sa aming bahay ay may ibinigay pa sa akin si Mama. Credit card. Sabi niya'y mag- withdraw raw ako ng pera 'don panggastos ko. Hindi ko alam saan galing at magkano ang laman. Siguro matagal na nilang pinag-ipunan 'yon.

"That's weird." komento ni Zyren. Kasama pa rin namin yung apat at nandito kami ngayon sa school cafeteria.

"Told yah." halos kami lang talaga ang nag-uusap dahil may kani-kaniyang ginagawa din yung barkada niya. At wala din akong pakialam kahit hindi nila ako kausapin 'no. 'Diko naman kawalan.

"Bakit ba nandito pa ang mga 'yan?" nakakaurat na kasi sila. Okay lang sana kung sila yung tinitignan ng masama nung mga babae dito kaso AKO! Wala naman akong ginagawa na nagpapakita ng kalandian pero kung makatingin akala ko naman may session kami dito.

"Hahaha. Hayaan mo na sila. Mga walang magawa lang 'yan."

"E bakit dito pa sila tumambay? Nakikita mo ba ang mga matang nag-aalab habang nakatingin sa akin ngayon? Sabi ko na nga ba't hindi magandang kasama kita 'e!" mahinang bulong ko sa kanya.

"Well, for your information. This is OUR table. That only means na IKAW ang nakikiupo sa amin." Adriel hissed. Narinig niya pa 'yun? Mga tsismoso nga naman.

"Wow naman, bakit parang kasalanan ko pa? Tss! Makaalis na nga kasi may SINTO dito na anak ng kadiliman na akala mo gwapo mukha naman inidoro!" I rolled my eyes to him.

Tumayo ako pero tumayo din yung apat. Tinignan ko lang sila saka ako nagpatiuna sa paglalakad.

"Why are you guys always following her?" inis na sambit ng sinto-sinto sa likod ko. Oo! Nakasunod na naman sila sa akin!!!

"I have my reason." ani ni Zyren na itinaas pa ang kaniyang kamay.

"And what in a damn is that?"

"Well, she's my friend and friends always tag along, right?" Zyren briefly answered with a smirk plastered in his face.  "E kayo?Bakit kayo sumusunod?" natatawang dagdag niya pa.

"Friends? That's bullshit. Hindi natin 'yan kaibigan." Ouch. Syempre charot lang.

"Tanga nito. Sabi niya SIYA, so hindi kayo kasama! " hindi ko na napigilang hindi magsalita. Siraulo din 'tong si Adriel. Pilit isinasali ang sarili kahit hindi naman belong.

"Bahala nga kayo magtalo diyan! Tanghaling tapat nakakainit kayo ng ulo! Hoy, Zyren! Huwag ka na lumapit sa akin at nagseselos yata 'yang si Adriel! De puta!" singhal ko bago  dumeretso sa aming classroom. 'Don na lang ako papalipas ng oras habang wala pang klase.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now