Chapter 12

193 9 4
                                    

Ang kaninang maingay na kusina ay biglang tumahimik ng pumasok kami. Mukhang hindi alam nila Zyren na dadating sila dahil sa kunot nilang noo.

"Oh, you're here agad?" ani ni Genevieve. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit kay Adriel para humalik sa pisngi nito. 'Ganun din naman ang ginawa niya kay Perse pero bakit kailangan si Adriel ang mauna? 'E bakit hindi ba pwedeng mauna siya? Pwede naman pero dapat---pakialam ko ba.

"Umupo na kayo."  napatingin sila sa akin dahil sa tono ko. Kahit ako ay nagulat, 'e.

"Are you mad, sis?" umiling ako kay Genevieve saka pilit na ngumiti.

"H-hindi ah, bakit naman ako magagalit?" ani ko bago umupo. Buti na lang at mahaba ang aming lamesa at nagkasya kami rito.

Napapagitnaan ako nila Adriel at Thor. Bale sa side namin si Genevieve at si Aiden at nasa harapan naman namin sila Zyren kasama yung mga kapatid ko.

Napalingon ako kay Thor ng sipain niya ang paa ko sa ilalim ng mesa. Sasamaan ko sana siya ng tingin ng senyasan niya akong lumapit sa kaniya.

"Bakit?" mahinang tanong ko. Halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin pero hindi ako nakakaramdam ng kahit anong malisya. Kapatid lang ang turing ko sa kaniya at 'ganun din naman siya sa akin.

"Pucha, hahaha." kumunot ang noo ko sa kaniya. Sinenyasan niya pa akong lumapit na agad ko namang ginawa. Baka sikretong malupit 'to.

"Kunwari may binulong ako sayo tapos tawa ka." nakangising bulong niya.

"Para saan?"

"Basta gawin mo na lang." umiling ako na ikinasimangot niya. "Hindi na kita ili-libre."

"Hehehehe, oo, natatandaan ko nga, h-hahaha!" sayang yung libre, 'e.

"Oo, 'diba? Ang sarap nga---"

"Anong masarap?!" napalayo kami sa isa't isa ng sumigaw si Zyren.

"Siya." nanlaki ang mata namin sa isinagot ni Thor. Nagtayuan silang mga lalake para sana sugudin na si Thor ng tumawa ito ng malakas.

"Tangina. I should've record your reaction! Priceless!" natatawang ani niya pa na kulang na lang ay maglumpasay siya sa sahig.

"And what do you mean by 'masarap siya' ?" hindi ko namalayan na nasa likod ko na si Adriel. Malamig ang boses niya na parang ilang segundo na lang ay manununtok na siya.

"Dude, you guys are so green minded. What I mean is masarap siyang kasama."

"When did you hang out with her then?" I'm not used to this side of Adriel. Oo, cold siya madalas pero bakit kailangan niyang magtanong? Bakit siya nagagalit?

"What's the fuss? Wala kayong lahat kahapon so sinamahan ko siya.  And since we're best of friends, that's my duty, right? To always be with her." natouch naman ako pero paano kami naging mag-bestfriends 'e kahapon nga lang kami nagkasama. Assuming din, 'e.

"Wait, wait. How the hell did you become her best friend if I'm the 'best friend" ?!" ungot ni Perse.

"I pity y'all 'coz I'm the real best friend. I'm the one who talked to her first, right?" I sighed. I thought this lunch would be great but...

"I am her roommate so that means that I'm her best friend." singit pa ni Genevieve.

"Pati ba naman ikaw?" nanlulumo kong tanong. 'Di hamak na mas matanda silang lahat sa akin pero bakit ganito mga utak nito?

"Well, I guess I'm the boy-" pinutol ko ang sasabihin dapat ni Adriel. Makikisali pa talaga, jusmiyo marimar.

"Tama na, punyeta! Oo, lahat na kayo best friend ko! Tumigil na kayo kasi para sa kaalaman nyo tapos na kumain mga kapatid ko kaya nakatayo pa riyan!" totoo naman 'yon dahil patapos na talaga kumain sila Mara.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now