Chapter 9

222 6 0
                                    

"Baliw kasi 'to si Zyren, 'e."

"I didn't know that she has asthma, okay?" 

"Huwag na kayo magsisihan."

"Paano kapag hindi na sya nagising?"

"OA mo, Persing! Asthma lang sakit niya hindi brain cancer! Hahaha---"

"Shut the fuck up, Thor. Hindi mo alam ang hirap na dinadanas ng may mga sakit na 'ganon. "

"Woah, I was just joking!"

"Cancer is not a joke!" then I heard the door slammed.

" You're so insensitive."

"I was just joking, okay?!"

Unti-unti kong binuksan ang aking mata. Agad akong napatakip dito dahil sa sobrang liwanag ng paligid.

"She's awake!" dinaluhan ako ni Genevieve saka hinaplos ang aking noo. Nakaramdam ako ng kakaiba sa haplos na iyon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang aking naramdaman saka ngumiti sa kanila.

"Nasaan ako?" paos kong tanong.

"School clinic. We brought you here immediately when we saw you lying on the ground. The nurse said you had an asthma attack and she also told us not to let you feel intense emotions because that is what will trigger your asthma. Isa na din yung pagod kaya hindi ka pwedeng mapagod ng sobra." Aiden explained.

"Sorry, Donna. Nagulat yata kita kanina kaya ka nagkaganyan." guilt is all over Zyren's face.

"Huh? Hindi naman ako nagulat sayo kanina. Nainis lang ako ng kaunti pero hindi ako nagulat." mahinahong saad ko. "Pwede ba makahingi ng tubig? Nanunuyot na yung lalamunan ko, 'e." suyo ko kay Aiden. Bago pa siya makalayo ay may nag-abot na sa akin ng bottled mineral water.

Nag-angat ako ng tingin at nakasalubong ang nag-aalalang mga mata ni Adriel. Agad din nawala iyon kaya naisip ko na baka guni-guni ko lang 'yon.

"T-thank you." tumango lang siya saka bumalik sa kaniyang pagkakaupo.

"So, back to our topic earlier. You said na hindi naman yung panggugulat ni Zyren yung reason bakit ka inatake. Bakit ka nga ba inatake? Napagod ka ba? Ako ba yung dahilan? Baka kasi napagod yung brain mo kakadaldal ko?" natawa ako kay Gen 'ganun din ang iba. Sinulyapan ko si Adriel sa aking gilid at napansin ang paninitig niya kay Genevieve. May munting ngiti sa kaniyang labi.

Bigla ko na namang naaalala ang binulong niya sa akin kanina. Is it possible that because of that  my asthma kick in?

Mabilis pa kay Flash na umiwas ako ng tingin ng mapunta sa akin ang mata niya.

"O-oo!" wala sa sariling sambit ko.

"I-i am? Why didn't you tell me na naiingayan ka sa akin---"

"A-ah, hindi hindi! That's not what I meant, sorry. M-maybe I was just tired." nakahinga siya ng maluwag saka hinawakan ang kamay ko.

"You know, I am so damn worried about you kanina. Akala ko mawawala ka na naman sa amin." she really look so sad. But, what did she said?

"Na naman? " takang tanong ko. Bigla niyang binitawan ang kamay ko saka umiwas ng tingin. Si Aiden naman ay parang binabasa ang mga reaksyon ko.

"Uh, kanina kasi h-hinanap ka niya 'nung nawala ka bigla sa cafeteria. Oo iyon nga." pagsisinungaling ni Aiden. Tss, halata naman na hindi totoo sinasabi niya. Mas muka pa ngang kinukumbinsi niya sarili niya kaysa sa akin.

"Ah, 'ganun ba?" tumango siya saka umiwas ng tingin.

"Pwede na ba akong lumabas dito? Maayos naman na paghinga ko."

"Hinihintay ka lang talaga namin magising kasi pahinga lang naman daw kailangan mo sabi 'nung nurse." dahil sa narinig ko ay agad akong tumayo. Inalalayan pa nila ako na para akong imbaldado. Tss.

Nagpaalam lang sila saglit sa nurse at sabay-sabay kaming lumabas ng clinic.

"Buti naman gising kana." biglang sulpot si Perse sa harap namin. Agad siyang binatukan ni Gen dahil akala siguro nila nagulat na naman ako.

"Aray! Bakit?!" inis na untag niya habang hinihimas ang kaniyang ulo.

"She has asthma, remember?!" mataray na ani ni Genevieve.

"Okay lang, ano ba kayo. Hindi naman ako 'ganun kagugulatin sadyang nakakatakot lang talaga mukha ni Zyren." biro ko. Agad akong nilapitan ni Zyren saka kinurot ang aking pisngi.

"Pasalamat ka, crush kita." hindi ko na sineryoso ang sinabi niya at nakipag-kwentuhan na lang sa kanila.

Hinatid nila kami hanggang sa labas ng dormitory at 'don sila nagpaalam. Nasabi na din nila sa akin na umuna na sila Brionny at Elena sa kanilang mga kwarto dahil may mga gagawin pa daw ito. Hindi naman big deal sa akin.

Pagdating sa aming kwarto ay agad akong dumeretso sa banyo para maglinis ng katawan.

Busy si Genevieve sa kaniyang cellphone ng lumabas ako. Inilabas ko na lang ang mga homework na kailangan bukas at inumpisahan ito.

"Genevieve." tawag ko sa kaniya ng may maalala.

"Hmm?" sagot niya na tutok pa rin sa kaniyang cellphone.

"Bakit sabi nila Brionny hindi ka daw pumapayag na magkaron ng roommate dati?"

"I just don't want to."

"Buti pinayagan ka ng Dean?"

"Naki-usap lang si Daddy. Kahit malaki ang share niya dito sa school hindi kami tinuturing na special. Napapagalitan kami, pwedeng bumagsak, para lang din kaming normal na estudyante maliban na nga lang na napagbigyan ako sa gusto kong mapag-isa sa kwarto." mahabang litanya niya.

"E, bakit pumayag ka na ngayon?"

"Kasi ikaw yung makakasama ko."

"Ang swerte ko naman pala,haha." tuluyan niya na akong hinarap at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

"We'll start again, sis." kumunot ang noo ko sa kaniya.

"That's my call sign for you, okay? I treat you like my sister so you should treat me as your sister too, hmm?"

"Ang creepy mo naman!" kunwaring takot kong saad. Tumawa siya sa reaksyon ko bago lumapit at umupo sa aking kama.

"Alam mo ba na tatlo talaga kaming magkakapatid? Kaso nawala siya 'nung bata pa kami hanggang ngayon hindi pa din namin siya mahanap. Siya ang bunso namin. Tumigil pa kami ni kuya sa pag-aaral para lang hintayin ang pagbabalik niya. I must be in 3rd year in college now but because of her lost, we stopped. Kaya gusto kitang ituring na kapatid ko kasi nakikita ko siya sayo." agad ko siyang niyakap. Grabe 'yung pagmamahal nila sa kapatid nila. 'Ganun din naman ako sa mga kapatid ko. Lahat ay gagawin ko para sa kanila.

"Sorry, namimiss ko lang talaga siya." naramdaman ko ang pagsinghot niya kaya hinagod ko ang kaniyang likod para patahanin siya.

Nakatulog si Gen sa pag-iyak kaya sa kama ko na lang siya pinatulog. Tinapos ko ang aking homework at saka tumabi sa kaniya.

Kanina pa ako nakatingin sa kisame pero hindi pa rin ako makatulog. Hatinggabi na at nabilang ko na lahat ng tupa sa utak ko pero mulat pa rin ako. Siguro dahil nakatulog ako kanina sa clinic? 'E wala pa atang isang oras 'yon?

"Aish." inis kong ginulo ang aking buhok. Bwisit kasing Adriel na 'yun, 'e! Kung ano-ano kasing binubulong!

Pumikit ako at pinilit makatulog kahit sobrang hirap.







Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now