Chapter 48

140 7 2
                                    

Isang linggo na.

Isang linggo na ang nakalipas ngunit ganito pa rin ang ginagawa nila. Bibisitahin ako kahit na hindi ko naman sila pinagbubuksan. Syempre, si Adriel ang pinakamasugid sa kanila sa pagbisita. Siya lang rin ang nakakapasok sa aking bakuran dahil na rin sa kahilingan ng aking mga anak. Hindi ko naman sila matanggihan kaya kahit sa bakuran ang kondisyon ko ay walang pag-aalinlangan na tumango siya.

Iyon ang huling interaksyon namin. At hindi na ako hihiling pang malapit sa kaniya. Hindi na ulit...

Naipaliwanag na niya siguro kina Aria at Brighton ang mga pangyayari. Nagulat na lamang ako na inopen ng kambal ang topic na iyon habang naghahapunan kami. Kauuwi lang ng kanilang ama ng panahong iyon kaya nasa akin naman ang atensyon nila.

"She's Willow Aria Viglianco. I thought it's Hernandez, Mommy?" Brighton asked innocently.

"That's our father surname! He said that he'll change your name to Will Brighton Viglianco, right?" tumango-tango si Aria sa kambal.

"But I'm Hernandez. How can he change that? Mommy said that... the mother and the father should wed first so that their child can bear the father's surname."

"Then, Mommy! You should marry Daddy so that my twin can finally use our surname, Viglianco!" ngiting-ngiting baling sa akin ni Aria. Napangiwi ako dahil alam ko na hindi ko kayang ibigay 'yon.

"Brighton is a Hernandez, honey...we can't change that." nawala ang ngiti nito at saka bumaling sa kapatid.

"Daddy will be so upset, Brighton. We failed convincing Mommy," kumunot ang noo ko sa sinabi nito lalo na ng lumaki ang mata ni Brighton at tinakpan ang bibig ng kambal.

"What's that?" umiling sila ng umiling. Well...I heard it clearly but I don't want to entertain that. It's just too impossible that Adi would asked his children to convince me like...duh.

Nagfile ako ng one month leave sa trabaho para matutukan ang mga anak ko at para na rin makapagisip-isip ngunit parang mas lalo lang akong nastress!

Hindi ako nakaligtaan bisitahin ng mga...k-kaibigan. Dumagdag pa na sina Mommy at Mama. Todo sorry sila sa akin ngunit hindi ko naman sila masagot na ayos lang dahil hindi ayos sa akin 'yon!

Mas lalo lang akong nagalit dahil pati pala sila na mga magulang ko...tss.

Didn't they thought what would I feel? They're my parents at sa lahat ng tao, sila dapat ang unang makakaintindi sa akin. Sana sinabi nila. E'di sana hindi ako nagpakatanga at naniwala na wala na ang anak ko. Sana, hindi ko sila kinamumuhian ngayon. Kung sana ay sinabi agad nila ay hindi lalaking walang ina si Aria. Sana...

sana inayos na lang namin ni Adriel kahit para na lang sa mga bata... hindi na para sa nararamdaman namin.

Handa akong magpakabulag ulit para lang sa mga anak ko. Pero sa sitwasyon namin ngayon?

Malabo na...

Hindi na maiibalik pa iyong tiwala at pagmamahal na nalamatan na.

"S-sana...sana sinabi mo sa akin, George. A-akala ko ba magkaibigan tayo? Kayo lang ni Mishta ang pinaglalabasan ko ng sama ng loob, alam mo naman 'yon, di'ba? Pero...bakit kailangan pati kayo...bakit pati kayo kailangan akong bigyan ng sama ng loob?!" umagos ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"I'm really sorry, Donna. I really want to say that to you but... Adriel's my cousin, too." tanging hikbi lang ni George ang umalingawngaw sa kabilang linya.

She's currently in New York now for her photoshoot. Nang nalaman niya ang nangyari dito ay agad niya akong tinawagan upang huminga ng dispensa. Ilang beses kong inignora ang tawag nila at ngayon lang ako nagkalakas ng loob para kausapin siya.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now