Chapter 6

246 9 0
                                    

Bago magsimula ang klase namin ngayong hapon ay nagpakilala muna ako sa aming prof ngayon. Pinaalala niya din sa akin na huwag ko raw kalimutan ang mag-uniform sa susunod na linggo. Hindi pa kasi naibibigay sa aming mga transferee ang mga uniform at buti na lang talaga may isang linggo pa ako para mag-ipon ng kapal ng mukha para magsuot ng ganoong kaikling damit.

Akala ko kaninang umaga ay napadaan lang si Perse dito at saktong nakita niya ang pag-aaway namin nung George ba 'yon? Oo 'yun nga. At akala ko din ay nagmamagandang-loob siya kanina pero niyabangan lang ako! Tapos ngayon kaklase ko pala siya?! Jusmiyo marimar.

Kahit anong kalabit at pagsitsit niya sa akin ay hindi ko siya pinansin. Ang sama na nga ng tingin sa kaniya ni prof pero parang baliwala lamang sa kaniya iyon.

"Donna."

"Donnatella."

"Donnatella Caden."

"Donnatella Caden Vilasco."

Huwag mong pansinin. Huwag mong pansinin. Huwag mong pansi---

"Donn---

"Ano ba?! Makinig ka na nga lang!" I hissed silently. He pout then sit properly.

"So, as I was saying, Math is just a pattern. Kailangan nyo lang tandaan ang mga formulas para hindi kayo mahirapan sa solving. Alam kong may iba sa inyong nahihirapan pero sana ay huwag kayong mahiyang lumapit sa akin dahil obligation naming mga guro ang may matutunan kayo. " tama nga naman si Prof Trinidad. Kahit ako, ayoko sa Math. Hindi naman ako bobo sa subject na ito sadyang ayaw ko lang sa numbers.

"So, for the first semester. We will talk about algebra. I know that you have knowledge about this topic since paulit-ulit nyo na ito pinag-aaralan. I want you give me some of your knowledge regarding this,so, anyone?"

No one raised their hands even me. I have knowledge about this but I'm still shy to recite.

Tumagal ng ilang minuto pero napatahimik pa rin namin.

"None?! " our Prof is starting to get pissed.

"2nd year in college na kayo tapos nakakalimutan nyo pa rin?! Santos!"

"S-sir?" one of my classmates stood.

"Any idea about algebra?!"

"I d-dont know,sir." nakayukong saad nito. Prof. Marasigan tsked then called somebody else but they all have the same answer. I don't know, sir.

"Hindi mo ba alam?" pabulong na tanong ko kay Perse. Umiling siya saka ngumiti. Ngiting nakakaloko.

"Prof, Donna know the answer daw po!" nagulat ako ng bigla niyang isigaw 'yon habang nakataas pa ang kamay. Lumingon sila sa akin kaya I have no choice but to stand up.

"Yes,Miss Vilasco?"

"Um, algebra is a branch of mathematics dealing with symbols and the rules for manipulating those symbols. In elementary algebra, those symbols  represent quantities without fixed values, known as variables po?"

"Can you give me an example?"

"Uh...2x²+5x-12=0?"

"Okay, you may now sitdown." nakangiting ani nito. Lumingon ako kay Perse na pangiti-ngiti lang.

Pasalamat talaga itong lalaki na 'to dahil alam ko ang pwedeng maisagot.

Lumipas ang oras hanggang sa hindi ko namalayan na tapos na ang klase.

Nang lumabas ang huling nagturo sa amin ay lumapit sa akin si Brionny. Siya yung nagsabi sa akin na mukha daw akong barbie. Kasama niya si Elena.

"Are you going to your room na ba agad?" bungad ni Brionny. Nakangiti sila sa akin kaya ngumiti ako pabalik sa kanila.

"Uh, hindi ko pa nakikita ang room ko 'e."

"What? " tumango na lang ako saka isinukbit ang aking bag sa kanang balikat ko. Lumabas kami ng classroom pero agad din akong napabalik sa loob ng makita sila Zyren sa labas.

"Oh? What are you doing there pa?" Elena asked. Umiling ako saka sinenyasan silang umalis na pero instead na umalis ay pumasok ulit sila. Tss, ang kukulit.

"What? Dito ka lang?" confusion plastered in their faces.

"A-ano. Is it okay if you guys cover me up? " alanganin kong tanong.

"Why? Are you hiding to someone?"

"B-basta. " kahit naguguluhan ay tumango na lang sila. Tinakpan nila ako sa abot ng kanilang makakaya.

Malapit na kami makalabas ng building ng makasalubong namin si Aiden. Kumunot ang noo niya ng mapansin na nakatungo ako sa likod nung dalawa at pilit isinisiksik ang sarili kahit na mas matangkad ako sa kanila.

At dahil nga si Aiden 'to ay hindi napigilan nung dalawang magkanda-irit sa kilig.

"OMG! Aiden, you're so gwapo talaga!" Brionny complemented.

"Thanks. But why are you hiding Donna?" nakatitig siya sa akin at hindi ko din maiwasan na mapatitig sa kaniya. Hindi naman ako nakakaramdam ng ilang sa titigan na 'yon kaya keri lang.

"Oh, you know her? Are you two close to each other? Do you like her?" sunod-sunod na tanong ni Brionny. Aiden chuckled then shakes his head like his amused.

"Ah, kung balak nyo pang-mag-chikahan diyan ay mauna na ako, ha?" I interrupt. Gusto ko na kasi mahiga dahil pagod na talaga ako. Mag-a-alarm na lang ako para sa dinner.

Pumasok ako sa girls dormitory at hinanap ang aking room number. Hindi na ako sinundan ng dalawa. Siguro ay may pupuntahan pa sila.

"24...24...2---ayun!" I knocked but no one answered.

Binuksan ko ito ng paunti-unti at agad kong namataan ang aking maleta sa gilid ng isang kama.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Malaki ito para sa dalawang tao. Pupwede nga ang tatlong katao sa kama namin. Mukhang simple lang din ang umu-ukupa sa kabilang kama dahil sa disenyo nito. Sana makasundo ko siya.

Humiga ako sa kama saka tumitig sa kisame. Mamaya ko na lang aayusin ang gamit ko.

Dahil sa antok at pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog ako.

I don't remember sleeping with anybody in this room but why is someone talking loudly?

"Ano ba! Ang ingay naman 'e!" ungot ko habang nakapikit pa rin.

"You're so loud. Tone down your voice, dumbass. You might wake her up." iritang boses ng isang babae.

"That's good, anyway. It's already dinner time so she really need to wake up." a familiar voice said.

"Gisingin na ba natin?" 

"Huwag na. Picturan muna natin. Ang cute talaga ni Donna, shit." natatawang saad ng isa pang boses.

"Shut it, Zyren." Nandito pala si Zyren.

"Come on, guys!You---"

Bumalikwas  ako ng bangon dahilan para mapatigil magsalita si Zyren.

My eyes widened when I saw them all.

"Oh, damn, now she's awake."


Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now