Chapter 40

136 8 0
                                    

Hindi na kami masyadong nagkikitang magkakaibigan. Busy na sa kani-kaniyang courses at isa pa ay ga-graduate na sila Kuya. Nag-uumpisa na rin sila sa mga internship kaya parati silang pagod at wala ng oras para makipag-usap sa amin.

My therapy is still going on but Ate Genevieve is my constant companion right now because even Adriel is busy. We meet from time to time but... well,  only nasty things happen every time we are together. He said it was his stress reliever so I just gave it to him.

"Malapit na pala graduation niyo?" tanong ko kay Kuya habang nasa cafeteria kami. Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong isang araw. Aniya'y ililibre niya kami dahil sa tagal niyang nawala noong mga nakaraang linggo dahil sa kaniyang training.

"Yeah..."

"Where's Adriel?" nagkatinginan kami ni Zyren. Tinaasan ako nito ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Anong ginagawa niyo?" napalingon kaming dalawa kay Kuya bago bumalik ang tingin sa isa't isa.

"Wala..." nagkatinginan muli kami dahil sa parehong sinabi. "Gaya-gaya ka!" kumunot ang noo ko dahil iisa na naman kami ng sinabi.

"Huwag na kayong magsalita. Baka kayo pa magkatuluyan," nalukot ang aking mukha sa tinuran ni Thor. Sinulyapan ko si Zyren at nakitang magkatitigan sila ni Amishta. Nahuli ko pa ang pasimpleng irap ni Mishta rito.

"As I was asking, where is Adriel---"

"What?" nahinto kami saka sabay-sabay na nilingon ang aking likuran. Nanlaki ang mata ko ng makita si Adi, walang pagdadalawang isip na tumayo at niyakap ito ng mahigpit.

"You're here!" I exclaimed. He chuckled and kissed my forehead.

"Yeah, I miss you." he whispered. Someone cleared his throat kaya napalayo ako kay Adriel. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa loob ng cafeteria kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya.

"How's life going? We don't see each other often..."

"My schedule is kinda hectic. Ang hirap pala mag-doctor! Sana pala nag-janitor na lang ako!"

"Hoy! Huwag mo nga i-bully ang mga janitor---"

"I didn't say anything! Gusto ko mag-janitor kasi libre sila sa hospital namin! Kung alam ko lang talaga na ang daming beneficiary ng mga janitor sa amin..." he shook his head, miserable.

"Tangina, magdo-doctor ka talaga niyan?" nagtawanan kami at suminghap naman si Thor.

"Ikaw? Magpipiloto ka na niyan? Utak mo nga pang grade 1!"

"Magpipiloto ka?" napatingin sila sa akin dahil sa tanong ko.

"See? Kahit si Donna hindi makapaniwala--"

"No, I mean, diba flight attendant gusto mo? Kaya nga kaklase ka namin..." I said.

"I want to be a pilot, Donna..." Perse rolled his eyes.

"E, bakit hindi ka nag-aral---

"Kukuha ako ng degree, Bachelor of Science in Aerospace Engineering. At least, malapit yung course ko ngayon sa kukunin kong degree..." napatango-tango ako. He has a point.

We're chattering and then suddenly a phone ring, making us stopped. I looked at Adriel as he took the cellphone out of his pocket and answered it. Our friends are back to chatting but I am still staring at Adi. I noticed how his facial expressions changed, from stoic to worried.

"What happened?" napatanong ako rito ng bigla siyang tumayo.

"Emergency. I'll be back later and fetch you. I love you," hindi na siya nakapagpaalam pa sa aming mga kasama at deretsong lumabas ng cafeteria.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now