Chapter 8

207 4 0
                                    

We finished earlier than I expected. Nagulat pa nga ako na madaming bagong damit ang nakalagay sa aking maleta na hindi ko naman nakikita sa amin sa Laguna. Tinext ko pa tuloy si Mama kung siya ba naglagay 'nun kasi baka may nakapalitan pala ako ng gamit, makulong pa ako.

At first she didn't know what I was saying about the clothes but later she also remembered that she had bought them for me.

"Is your mom nice to you?" Genevieve suddenly asked while we are walking down stairs to go to the cafeteria.

"Sobra. Siya na ang pinakamabait na nakilala ko sa buong buhay ko. Si Papa din naman super bait pero syempre mas caring ang nanay ko, 'e." nakangiting kwento ko.

"Uh, do you love them so much?"

"Huh? Oo naman! Hinding-hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano o kahit sino pa man. Ano bang klaseng tanong 'yan? " kunot-noong tanong ko.

"W-wala naman. I'm happy na may mabait kang parents."

"Hindi ba kayo close ng parents mo?" iyon lang naman ang pwedeng maging dahilan bakit siya tanong ng tanong, 'e. Siguro gusto niya maranasan---

"Haha. I'm super close with my family, 'no! They treat me like a princess and I'm so lucky to have them."

"Oh, akala ko naman." 'e bakit tanong ka ng tanong tungkol sa magulang ko?  Gusto ko sanang sabihin kaya lang baka ma-offend siya.

Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Agad kong nakita sila Elena at Brionny sa counter kaya nagpaalam na ako kay Genevieve na pupunta ako 'ron.

"Uh, can I come with you? With your friends?" Kahit nagtataka ay tumango na lang ako.

"Oh, Donna! Where have you been ba? We've been looking for you kaya kanina." another batch na naman ng ka-conyohan. I sighed.

"Ano, sa dorm na ko dumeretso kanina. Inantok kasi ako." paliwanag ko.

"G-genevieve? Am I hallucinating? Is she for real?" dahil sa sinabi ni Brionny ay agad akong napalingon sa aking likod. Shit, nakalimutan ko kasama ko nga pala si Genevieve.

"Ah, si Genevieve pala. Roommate ko." I introduce her. She smiled then offered her hand to Brionny and Elena.

"Wow! You allowed having roommates na pala? Before kasi ayaw mo 'diba? You're so lucky naman, Donna!" hinampas pa ako sa braso ni Brionny pero hindi naman masyadong malakas.

"Hey, don't hurt her." awat ni Genevieve kay Brionny. Bakit kasi iisa pa? Hindi ba sapat yung isang hampas kailangan dalawa?

"Oh, sorry, I got carried away." she smiled cutely. Napalingon ako kay Elena na tahimik lang na nakatingin sa amin. Napansin ko din ang papalit-palit niya ng tingin sa aming dalawa ni Genevieve.

Nang magkasalubong kami ng tingin ay kumunot muna ang noo niya bago ngumiti. Okay?

"Ineng, heto na order nyo, oh." singit 'nung tindera.

"Ay, hindi pa pala tayo nakaka-order." hinatak ko Gen saka kami namili ng kakainin. Hinintay muna namin saglit ang aming pagkain bago kami sabay-sabay naglakad papunta sa isang bakanteng lamesa.

Hindi nawala ang kwentuhan habang kumakain kami. Nalaman ko na first time pala ni Gen maki-share ng room sa iba. Ewan ko anong dahilan at bakit ngayon lang siya pumayag pero hindi ko na tinanong dahil para sa akin "Walang kaibi-kaibigan 'pag pagkain ang usapan." Mamaya ko na lang siya chi-chikahin sa dorm.

"You know what, Donna? Since you arrived this morning, a lot of good things have happened to us. Kase, you see? Hindi talaga namamansin sila Aiden before, 'e. But for a transferee like you? Gosh! Sinusundo ka pa nila. And take note na first day of class palang ngayon? You must be special! Then, Genevieve here--- are you even lis'ning?!" inosente akong nag-angat ng tingin sa kanila dahil sa mataray na tanong ni Brionny sa kung sino man.

"What are you guys looking at?" sabi ko pagtapos lumunok.  Brionny rolled her eyes while Gen and Elena both chuckled.

"I talked nonsense naman pala." she hissed.

"Bakit? Ano ba sinasabi mo?" tanong ko ulit na nag-ani ng mas malakas na tawa nung dalawa.

"Hay, buti na lang you're pretty. Okay, so as I was saying kanina. You're so lucky kasi those hotties pay attention to you." walang buhay niyang saad.

"Sino?"

"Please, Donna, don't talk to me for now, ha? I might sabunot you kasi 'coz you're so... nevermind."

"Hala, anong ginawa ko sayo?"

"Nothing. Just finish your dang food." Bakit ba siya galit? But anyways, sabi niya naman kumain na lang ako, 'e.

Hindi na ako sumagot at kumain na lang. Naririnig ko ang usapan nila Brionny at Elena samantalang listener lang kami ni Genevieve. Busy ako sa pagkain at busy naman siya sa phone niya.

"Sarap ng kain, ah?" muntik na akong mabulunan ng tapikin ni Perse ang balikat ko. Gago 'to ah.

"Gago ka! Balak mo ba akong patayin?!" hinampas ko siya sa braso saka piningot ang tainga niya.

"Aray! Ang sadista mo naman!" ani niya habang hinihimas ang kaniyang braso.

"Lumayo ka nga sa akin!" tinulak ko siya bago tumayo para ibalik ang tray sa counter.

"Tapos na ba kayo? Anong oras na, tara na." aya ko kila Genevieve. Maaga pa ang pasok ko bukas at may gagawin rin akong homework kaya kailangan ko ng bumalik sa dorm.

"Oh, I thought you're eating pa. Actually, you na lang ang hinihintay namin, 'e. " nahiya naman ako ng kaunti. Malay ko bang magugustuhan ko ang dinner dito. Aba! Dapat sinusulit ang bawat oras dahil baka hindi na ako magising bukas. At least kapag namatay ako, busog ako!

Natawa ako sa aking iniisip kaya napalingon sila sa akin. "Why are you laughing? Share naman diyan!" hindi ko na pinansin ang sinabi ni Perse. Tumayo naman na sila kaya naglakad na ako palabas.

"Ay, pepe!" sigaw ko ng biglang sumulpot si Zyren sa gate ng cafeteria. Narinig ko ang mahinang bungisngisan ng mga lalaking nakarinig at boses ni Perse ang nangingibabaw doon. Gustong-gusto ng loko, amputa.

Iyong mga babaeng malapit naman sa amin na nakarinig ay inirapan ako. Tss, maka-irap akala mo mga walang mani. Hindi ko na lang sila pinatulan baka ako pa lumabas na masama.

"You have a dirty mouth,huh?" Zyren teased.

"E, ikaw kaya ang gulatin? Tignan natin anong masabi mo!" hamon ko sa kaniya.

"Definitely not 'pepe'." nanlaki ang mata ko. He smirked to my reaction then took a step forward. Agad akong napa-atras dahilan para mabunggo ko ang sino man na nasa aking likod.

"Careful, baby." I shivered as Adriel whispered in my ear. Hawak niya ang aking baywang habang nakasandal ang likod ko sa kaniya.

Aiden cleared his throat so I immediately got up and walked away from Adriel. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako labas ng dorm namin.

Umupo ako sa hagdan saka humawak sa aking dibdib. Bigla akong nahirapan huminga. Bakit naman ngayon pa umatake ang asthma ko? Habang tumatagal ay lalong sumisikip ang dibdib ko.

"Donna!" ang huling narinig ko bago ako tuluyang kinain ng kadiliman.




















Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora