Chapter Twenty-Four

129 9 0
                                    

Akiexhia's P.o.V

"Anong sabi ng bebe mo?" Chelsea asked me while we're walking our way to our next class. I looked at her with an eyebrow raised.

Kanina pa 'tong si Chelsea eh, nakakahalata na ako, she's acting very odd, simula pa pagkagising niya.

"Huwag mong sabihing puro puso ka na naman at deadma ka lang na hindi man lang nagparamdam sa'yo ang jowa mo kahit na nakapangako sa'yo?" She said. I stopped walking and looked at her. Ara did the same. Napatingin sa akin si Ara mouthing, ba't gg?

"Bakit parang ang bitter ng tono mo ateng?" Ara asked. Chelsea just rolled her eyes on her and turned to me.

"I actually forgot to ask him" I said while scratching my head. Kumunot naman agad ang noo ni Chels pagkarinig no'n.

"Waw, di ka naman martyr niyan?" She asked. Ara just laughed at her remark habang ako naman ay napailing na lang.

Hindi ako martyr and that's for sure.

"Martyr agad? Nakalimutan ko lang talaga, saka I trust Steven, he went there for Krishna that's all" I said.

"Sows" Ara exclaimed. Taas kilay naman akong bumaling sa kanya pero ang loka tumawa lang pati si Chels nakisabay na rin. Seriously, what's with them today? Kinikilig-kilig pa sila noong sinurprise ako ni Steven bakit parang uma-ampalaya itong mga 'to?

I just shrugged the thought off and continued walking with them. I was about to enter our room when I saw a familiar built at the end of the hallway. I looked at Chels and Ara, they seemed pretty occupied already baka hindi na ako mapansin.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at hinatak papunta sa lugar kung saan walang makakakita sa amin.

"What the fuck are you doing here?" I asked, I received no answer instead a chuckle is all I heard.

"Easy, bakit galit ka agad? I just wanna ask you how things are going"

"Siraulo ka pala eh, alam mo naman diba?" May panggigil na sabi ko, kung hindi lang talaga malaki utang ko sa taong 'to hindi ko siya pagpapasensyahan.

"Wala natanong lang Akiexhia, may nabalitaan kasi ako. Tungkol kay Steven" and that caught my attention. What the hell is that information about?

"See you're interested" sabi niya nang mapansin niyang nakatitig na ako sa kanya.

"Saka ko na sasabihin kapag sigurado na akong totoo yung nabalitaan ko, sa ngayon,  better make our efforts worthy" And with that I was left alone, confused of what the hell that is about.

Anong tungkol kay Steven?

Steven's P.o.V.

"MR. SCOTT!" Napatayo ako bigla nang tawagin ako ng Professor ko. Lecheng 'yan, distracted tuloy ako!

"Yes, Prof?"

"GET OUT!"

Wala na nga akong nagawa. I left her class and went somewhere peaceful. Somewhere that can make me feel like everything's still okay.

I can only heave a sigh as those thoughts rush to my mind. Nakaka-gago kasi 'tong lecheng buhay ko, kung kailan nagpapakatino at saka lalong magkakanda loko-loko.

Napahilamos na lang ako nang maalala kong babalik pa pala ako sa ospital mamaya. Siguro ngayon na ako pupunta para mamaya may oras pa akong dumaan kila Akiexhia.

I drove while mind is still occupied, himala nga at nakarating ako sa ospital nang buo at humihinga. Pagdating ko as usual masama ang tingin sa akin ni Angelo.

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon