Chapter One

1.5K 72 0
                                    


Akiexhia's POV

"Is it really okay with you princess?" nag-aalalang tanong sa akin ni Dad habang inilalagay niya ang mga gamit ko sa kotse.

"Dad, it's okay. Besides plano naman talaga namin nila Ara na umuwi muna ng Pinas, if our company needs me I'll be there" paniniguro ko sa kanila.

Nagkaroon ng emergency sa kompanya namin sa pilipinas kaya kailangan kong pumunta doon. Sobrang busy nila Mom kaya hindi sila makauwi ng Pinas. So I think, yung bakasyon ko lang dapat sa Pilipinas ay magtatagal at magiging pangmatagalan.

"Akiexhia, how about your plan of studying there? Are you really sure about that?" tanong naman sa akin ni Mom.

"I'm sure about it, I want to know more about our company since I will be the one who will take over it. At tsaka po, miss ko na po sila Ara at Chels. Hindi naman din po sa habang panahon magtatago ako dito sa Australia para hindi magkasalubong ang landas namin, if magmi-meet then okay, yun lang naman" sabi ko, as if makukumbinsi ko ang sarili ko na 'yun lang' talaga na paramg never naging big deal sa akin ang topic na 'yon.

"If that's your decision, just take care princess. Call us if you need something" sabi ni Dad at sumakay na ako sa sasakyan at tumungo na sa Airport. Nauna na sa akin sa Airport sila Ara, dahil nga nag-usap pa kami nila Mom.

"Na-miss ko ang hangin dito sa Pilipinas" sabi ni Chels pagkababa namin sa eroplano.

"Wow! Mas matagal kang tumigil sa ibang bansa ano? Dinaig mo pa si Asha!" pabalang na sabi ni Ara kay Chels kaya sinamaan siya nito ng tingin.

Sa tagal ng apat na taon aaminin ko, na-miss ko ang Pilipinas. Pero there's still a part of me na ayaw ng balikan ang mga lugar na naging saksi kung paano ako umiyak noong mga panahong umalis si Steven.

We decided to live in one place. We found a condo unit near MGU kung saan kami mag-aaral. Yes, the same school where I studied four years ago.

"Sha handa ka na ba sa posibleng bigla niyong pagkikita? Nasa iisang bansa na ulit kayong dalawa este kayong apat pala" sabi ni Ara na nagpakunot ng noo ni Chels.

Handa na nga ba ako? Hindi ko din naman maintindihan ang sarili ko eh. Sasabihin ng utak ko okay lang kung magkita kami kaso nangangamba ako sa pwede kong maging reaksyon, baka hindi ko ma-control ang emotions ko once magkita kami.

"Apat?" nagtatakang tanong ni Chels.

"Duh! Poor memory Chels? Ang paasang si Steven, si Kissenria also known as Kisses na hanggang ngayon hindi ko malaman kung saan niya napulot ang Kisses mula sa pangalan niya, si Asha, at syempre ang pang-apat ang daughter nila Steven" sabi ni Ara kay Chels na parang isa siyang batang walang muwang sa mundo.

"Sige lang Ara, ipangalandakan mo pa na may anak na siya. Wala ako dito, wala talaga" pabalang kong sabi na nagpatawa sa dalawa.

"Sha, iwasan mo yang pagiging bitter lalo na kapag nagkita kayo. Bakit kasi hindi mo na lang i-entertain ang iyong mga oh so pursigidong manliligaw. Mas bet ko si Hayden" ngingisi-ngising sabi ni Ara.

"Mas bet ko si Gray, may pa-cruise noong birthday ni Asha" sabi ni Chels sabay hagalpak.

Si Hayden at Gray, hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh ako pa rin 'daw'. About sa pa-cruise ni Gray? Gift niya sa akin noong last birthday ko.

"Mas bet ko pa rin si Hayden, talagang sinundan si Asha! Doon pa nag-aral!" sabi ni Ara.

"Hep! Tama na, kain na lang tayo" sita ko sa kanila dahil mukhang mga walang balak tumigil. Wala din namang mananalo sa kanila, kapag may ginawa si Hayden biglang susulpot si Gray.

"Asha, diba muntik na ngang maging kayo ni Hayden? Ano ba talagang nangyari bakit hindi natuloy?" biglang tanong ni Chels kaya natigilan ako sa pagkain.

"I don't know. Buo na rin ang desisyon ko that time pero, when I woke up lahat ng 'yon biglang naglaho. I can remember that I dreamed about him pero hindi ko maalala kung anong nangyari, then after that I just realized it's still him. Itanggi ko man, I still love him. Sabihin ko mang infatuation lang 'yon, I can't believe myself" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanila.

"Sha maybe kailangan niyong dalawa ng proper closure, baka 'yon lang ang hinihintay ng puso mo para makapag-move on ka na completely" sabi ni Ara.

Closure? I don't think it's necessary.

"Hindi na kailangan, nilinaw na niya sa akin noon. And I don't think kung makikipag-usap siya sa akin he would rather spend his whole time with his family than talking to me na wala lang naman para sa kanya" I can't hide the bitterness sa tuwing siya ang pinag-uusapan namin.

Sino ba ako sa kanya para kausapin pa niya? Baka magulo ko pa ang 'perfect family' niya.

"What will you do now?" tanong ni Ara.

"Just let things happen. Kung plano ni Tadhana na pagtagpuin kami then so be it, pero kung plano lang yun ni Tadhana para inisin ako, nevermind na lang" sabi ko na nagpailing sa kanila.

Tama naman ako diba? Kung mangyayari, mangyayari talaga. Anumang pigil mo dito wala kang magagaws kung nakatadhana na yun ang mangyari, just always think that there's always a reason behind it.

"Sha paano kung bigla na lang sumulpot ang Steven na 'yon, humingi ng sorry anong gagawin mo?" tanong pa ulit ni Chels.

"Sorry? Then I'll accept it, may pinagsamahan pa rin kami. He's still Asi that made me smile before, he's still Steven who used to be my savior" nakangiti kong sabi. I can't do anything kung hindi alalahanin na lang lahat ng good memories namin.

Wala na din namang sense kung tanggapin ko o hindi ang sorry niya. It won't change the fact na may anak na siya at hindi na kami pwede. Hindi naman niya ako mamahalin kapag tinanggap ko ang sorry niya. Mas okay na sigurong tanggapin ko 'yon, kesa naman maging dahilan pa ako ng problema nila dahil sa patuloy niyang pakikipagkita sa akin.

"Gano'n na lang? Pinaasa ka niya Sha! For goodness sake, he made you believe that he loves you tapos ganoon na lang?" inis na sabi ni Ara. I can understand kung bakit siya nagkakaganyan. Silang dalawa ni Chels ang nakakasama ko lagi sa tuwing umiiyak ako, alam nilang dalawa kung paano ako nasaktan noong time na 'yon.

Oo, pinaasa niya ako. Pinaiyak niya ako na nasaksihan ng mga kaibigan ko pero hindi ko din dapat sisihin si Steven. Mahal ko siya, hindi inafatuation 'yon, kaya nasaktan ako ng sabihin niyang hindi niya ako mahal. Kung wala naman akong feelings para sa kanya hindi ako masasaktan, eh kaso meron.

"Ara, 'wag na nating paalakihin pa, as much as possible nga kahit hindi na siya humingi ng sorry tanggap ko na naman na hindi ako, and it will never be me 'cause there's Kisses and their daughter" pahinang sabi ko. Here I go again, crying because of him.

Minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko, Akiexhia nai-insecure ka sa bata? Sa bata na ni minsan hindi mo pa nakikita at tanging pangalan lang ang alam mo? Never pa nilang ipinakilala ang anak nila sa harap ng media, they only know her name, Krishna.

Naiinsecure ako sa bata kasi siya napapangiti niya si Steven.

Siya nayayakap si Steven.

Siya nakakausap si Steven.

Siya inaalagan ni Steven.

Siya laging inaalala ni Steven.

Siya mahal na mahal ni Steven.

If I can turn back the time, hindi na ako pupunta sa likod ng building ng sophomre. Hindi ko na papansinin ang nararamdaman ko. Hindi ko na hahayaang marinig ko lahat ng sinabi ni Steven.

Kaso hindi naman 'pwedeng mangyari dahil hindi naman naibabalik ang oras. Hindi ka na makakabalik sa past. Hindi mo na magagawa yung mga bagay na gusto mong gawin. Hindi mo na maitatama ang mali.

Hindi ko na magagawang protektahan man lang ang puso ko mula sa sakit ng laro ni Tadhana.

----------------

Tadhana's Real GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora