Chapter Twenty-One

677 35 23
                                    

Akiexhia's  P.o.V

"So iwan muna namin kayong dalawa dito sa sala?"

We just nodded at Shiara. The two of them went upstairs leaving the two of us, alone.

"Akexhia, first of all I'm sorry kung iniwan kita basta-basta kanina and didn't managed to tell you the real reason" panimula niya na tinanguan ko.

"Ano bang nangyari?"

"Na-ospital si Krishna, Dengue. Ayaw din kumain nung dumating lang ako saka kumain" sabi niya. Anong susunod kong itatanong? Bakit natahimik kaming dalawa?

"Galit ka sa akin?" tanong niya na inilingan ko.

"I'm not, just wondering" alanganin kong sagot sa kanya.

"Wondering about what?"

"About how you feel towards Kisses and Krishna" I said slowly. I fixed my eyes on my hands, nawalan ata ako bigla ng lakas na tingnan siya sa mata.

Natatakot nga ako, natatakot akong maiwanan ulit, maechapwera. Natatakot ako na baka mas matimbang sa puso niya yung dalawa kahit na sinabi niyang ako ang mahal niya.

I just felt his hands holding my hands real tight.

"Krishna may be important to me, but so are you and you are my priority. Kaya nga ako nandito diba? Yes, they are my family for the past four years pero iba na ngayon kung mayroon man akong ituturing na pamilya sa kanila si Krishna na lang, she still needs guide since na-attach na siya sa akin, pero that won't change the fact na mahal kita. Ikaw lang" he said and made me look in his eyes.

"Thank you for letting me in your life again" he said and planted a kiss  on my forehead.

"Gusto mong sumama bukas pagbisita ko kay Krishna?" tanong niya sa akin. Dapat ba akong sumama?

"Pwede ba?" I asked him, I don't know if it will give a good effect dun sa bata kaya I'm worried, may sakit pa naman si Krishna.

"Bakit naman hindi?" natatawa niyang tanong sa akin habang pinipisil ang pisngi ko.

"Will Krishna like to see me?" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman niya hindi gugustuhing makita ka?"

"Baka akalain niyang ako ang dahilan kung bakit hindi ka makapag-stay sa tabi niya. I'm not trying to be judgmental here Steven pero bata 'yun, hindi pa niya sobrang naiintindihan kung paano nangyayari ang mga bagay-bagay sa paligid niya, she still doesn't know how life really works. Kababagsak niyo lang na hindi ikaw ang biological father niya, I'm just worried kung magiging okay ba sa kanya kapag nalaman niya na may iba ka na, na her mother is no longer your partner" sabi ko sa kanya. I hope he can get my point, dun ako sa bata nag-aalala.

Kung si Kisses lang okay lang, matanda na siya nakakaintindi na siya, but Krishna's just a four year old girl, mabilis pang maka-misinterpret during her age.

"I understand. Kung nag-aalala ka dahil don, I'll try to talk to Krishna first. But, if ever magbabago isip mo text mo agad ako, susunduin kita" tumango na lang ako at sumandal sa kanya.

"Stop worrying too much Akiexhia, it's just hurting you. Ask me everything that you find confusing, okay?" tumango na lang ako sa kanya.

"'Nag-usap kayo ni Kisses?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, nagpaiwan kami ni Krishna. Lumabas silang dalawa ni Angelo no'n, bumili ng mga kailangan ni Krishna, nung umalis naman ako hindi pa rin bumabalik si Kisses kay kay Angelo ko iniwan 'yung bata"

"Okay" sabi ko.

"Inaantok ka na?" tanon niya as he tighten his hug on me.

"Kanina pa" 

Tadhana's Real GameOnde histórias criam vida. Descubra agora