Chapter Fourteen

897 47 5
                                    

Steven's PoV

"Ano Kuya ilang oras ka pa bang tatayo diyan sa harap ng salamin?"

"Bakit ba ang gulo mo Britney? Lumabas ka na nga lang nasisira diskarte ko sa'yo" sita ko sa kapatid ko na kanina pa ako sinasabihan na umalis na daw.

Maaga pa naman. Mamaya pa ang tapos ng klase ni Akiexhia, aabutan ko pa 'yon panigurado.

"Kuya after ng dismissal nila Ate Akiexhia which is twenty minutes from now, magde-date sila ni Kuya Hayden" biglang sabi niya na nagpalingon sa akin.

Ako ba pinagloloko nitong kapatid ko? How will she know that eh wala na nga kaming communication ni Akiexhia since that day?

"Britney stop playing shits with me?"

"Kuya I'm not joking inaya nga daw ni Kuya Hayden si Ate Akiexhia na mag-date" pagpipilit niya sa akin pero hindi ko na pinansin.

I continued typing on my phone, pinapa-rush ko na yung in-order ko na flowers para kay Akiexhia, hindi naman ako pwedeng magpakita na lang basta kay Akiexhia.

Two years din 'yon. Hindi pwedeng basta na lang ako pupunta kay Akiexhia sabay sabing 'Akiexhia I'm back!'

Kailangan kong bumawi, hindi dahil gusto ko siyang mabawi kundi dahil gusto kong mabawi yung tiwala na sinira ko. And I really want her to forgive me for saying those hurtful words.

Gusto kong pagkatiwalaan niya muna ulit ako, magtiwala siya na mamahalin ko na siya ng buong-buo, walang kahati, kanya lang. Pagkatapos, that will be the time that I'll do something to make her heart mine, again.

"Kuya, ano ba! Bilisan mo na sabi!" nagmamaktol na sabi ni Britney sa akin.

"Saan mo ba napulot 'yang kalokohang 'ya-" my words are cut by a familiar voice.

DAMN!

"HOY! STEVEN ACE SCOTT! Kapg hindi ka nagmabilis at hindi mo inabutan ang bestfriend ko bahala ka na! Paalis 'yon, ide-date ni Hayden. Balak ng um-oo ni Akiexhia 'don bahala ka! Maunahan ka sanang bwiset ka! Pasalamat ka tutulungan ka pa ikaw naman ang babagal-bagal! MAGPAPALIWANAG KA PA SA AMIN!" at pagkatapos non binabaan na niya ako ng telepono.

Pagkarinig ko no'n ewan ko ba parang may pumitik na lang bigla sa akin at nagmabilis ako.

"Oh Kuya naniwala ka na? Kung hindi pa siguro tumawag si Ate Chelsea, babagal-bagal ka pa rin. Go na Kuya" sabi pa niya habang tinutulak tulak ako.

"Mom, alis na ako!"

I drove faster than my usual speed to get the flowers for Akiexhia.

Luckily, it's already done when I arrived.

Ang problema na lang ay traffic ngayon.

Shit! I should make it on time, or else, I will lose Akiexhia.

Shiara's PoV

"Totoo talaga naagde-date si Akiexhia at Hayden?" Takang tanong ni Chelsea sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Tangek, kunwari lang 'yon para matakot si Steven. Alam mo kasi sa love importante din yung fear, kasi kung hindi ka natatakot na mawala yung boyfriend mo o girlfriend mo, that's not love. Importanteng makaramdam ka din ng takot para malaman mo sa sarili mo kung gaano mo siya kamahal, that fear will push you to do everything you can just to make her stay"

"Lalim ah, anyare kay KayD babes mo?" Napairap na lang ako sa tanong niya.

Pake ko ba dun?

"Yung seryoso nga Ara, wala ka bang plano na ilegal sa amin 'yang KayD babes mo?"

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now