Chapter Six

1.1K 61 3
                                    

Akiexhia's PoV

I'm here again in this place. Dito sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Nakakainis kasi si Tadhana eh!

"Sabi ng ayoko na! Quit na nga ako sa laro mo! Why do you need to be so cruel on me Tadhana? Bakit ako? Nagmahal lang ako! Bakit ba trip na trip mong paiyakin ako? Nagmo-move na nga diba? Tapos ipapakita mo sa akin 'yung anak niya? Nakaka-inis ka Tadhana! Alam mo bang masakit ha! 'Yun nga lang hindi ko pa nakikita yung anak niya ang sakit na tapos eto nakita ko na nakausap ko pa! Bwiset ka! Ano bang ginawa ko sa'yo?

"Tadhana, bakit ako? Bakit ba ayaw mo akong hayaang makalimot? Gusto ko ng kalimutan 'tong nararamdaman ko! Bakit ba ayaw mo akong mahalin si Hayden? Tadhana, bwiset ka! Isinusumpa kita! Nakaka-"

"Ano bang ginawa ko sa'yo at inis na inis ka sa akin? Ako pa sinisisi mo sa lovelife mo!" singit ng kung sinong lalaki mula sa likod ko.

"Inaano kita diyan? Ni hindi nga kita kilala! Lumayas ka nga!" sigaw ko sa kanya.

"Aba! Sigaw ka nga ng sigaw ng Nakakainis ka Tadhana! Isinusumpa kita Tadhana! Bwiset ka Tadhana! Tapos tatanungin mo ako kung inaano mo ako? Nagkakalokohana ata tayo" mayabang na sabi niya.

"Sino ka ba ha?" inis na tanong ko sa kanya.

"Ako lang naman ang sinisisi mo sa lovelife mong bulok!" sabi niya na nagpahagalpak sa akin ng tawa. Sinisisi ko sa lovelife ko? Si tadhana yun ah! Naka-drugs ata 'to!

"Naka-drugs ka ba? Ano 'yon nagkatawang tao si Tadhana?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Wag mo akong tawanan miss. Seryoso ako, ako si Tadhana" seryoso niyang sabi pero tumawa lang ulit ako.

"Sige nga, kung ikaw si Tadhana sinong mapapangasawa ko?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Haist! Ako nga si Tadhana, pero- di bale na nga lang. Tigilan mo 'yang kakasigaw mo ng pangalan ko nakakainis!" inis na sabi niya sa akin.

"Aba! Ikaw ba si Tadhana at naggu-gumanyan ka? Siya yung sinisisi ko hindi ikaw!"

"Aba't, ako nga si Tadhana!"

"Baliw"

"Tadeo Hansel Angelo. Tadhana for short" sabi niya kaya napahagalpak ulit ako.

"Ang corny mo! Tigilan mo ako!"

"Seryoso ako, nickname ko 'yon"

"Sino namang corny'ng baliw ang nagbigay ng bulok mong palayaw?" pang-aasar ko sa kanya.

"Wala ka na do'n" seryosong sabi niya.

"Tigilan mo 'yang paggamit ng pangalan ko sa pagsisi sa Tadhana, kung maninisi ka sa utak mo na lang, sabihin pa ng nakakakilala sa akin may pinaiyak pa ako" sabi niya at aalis na sana ng tawagin ko siya.

"Tad-pft..Ahahahahahaha! Tad-tad..Tadha-ha-tadhahahaha. Tadhana, hahahaha" tawang tawang tawag ko sa kanya. Inis naman siyang bumaling sa akin.

"Ano?!"

"Salamat! Nalimutan ko sandali yung sakit dahil sa corny mong palayaw!" sabi ko at ngumiti.

Nagtaka naman ako ng bumalik siya at umupo hindi kalayuan sa akin.

"Ano bang problema mo sa 'Tadhana' " sabi niya habang gumagawa ng quotation sign sa kamay niya.

"Malaki ang problema ko kay Tadhana. Apat na taon daw ba akong pahirapan" sabi ko.

"Bakit?" taka niyang tanong. Okay lang naman sigurong mag-open up ako sa kanya diba? Tutal siya naman ang naunang mag-open ng topic na 'to. Saka sabi nila mas okay daw mag-sabi ng problema sa hindi mo kilala.

Tadhana's Real GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora