Chapter Twenty-Six

86 5 0
                                    

Steven's P.o.V.

"Okay ka na dito?" Tanong ko ulit sa kanya matapos ko siyang alalayan papunta sa kama niya. We're again in another round of her morning sickness

"Okay na, susunduin mo pa si Akiexhia diba?" She said with a small smile.

Natigilan naman ako don. Si Akiexhia, now that I thought about it again, nakokonsensya na naman ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung masasabi ko ba.

"Steven I told you countless times already, okay lang kami. Trust me, hindi ko kayo guguluhin kahit anong mangyari, I've learned my lesson well. Our baby won't experience the same suffering ng Ate niya" she said while tapping my shoulder.

For the past weeks pabalik-balik lang ako ng pinupuntahan. Kay Akiexhia, school, kay Kisses, minsan naman sumasaglit ako kay Krishna hindi ko pa rin naman pwedeng pabayaan yung bata, bago pa lang ulit siya nagiging okay kailangan pa rin niya ng support naming lahat.

"Babalik ako mamaya ha? Dadalhan kita ng fruits, behave well" I said while holding her tummy.

"Tumawag ka kapag may kailangan ka ha?"

"Nandiyan naman sila manang, saka babalik si Dad mamaya, kaya ko na sarili ko. Sige na, may pasok ka pa diba? Bilis na, male-late ka. Ingat"

I just nodded at her before leaving her in her room. Nagbilin muna ako sa mga kasambahay nila bago ako tuluyang umalis. I quietly drive to Akiexhia's place while thinking of how I should tell her.

Dumating ako sa condo nila na si Chelsea pa lang ang nasa sala. As usual iba na naman ang tingin niya sa akin, simula noong nagpabalik-balik ako sa ospital para kila Krishna ganyan na siya sa akin.

Imposible namang may alam na siya.

"You're late" she suddenly blurted out.

"What?"

"I said you're late. Maaga first subject ni Akiexhia kaya hindi ka na nahintay. Kami na lang ni Ara nandito" napatingin naman ako sa relo ko dahil doon. Shit, oo nga, late na ako.

"You promised her na sabay kayo ngayon right? If I am not mistaken, hindi ito ang unang beses na hindi mo sinipot si Akiexhia sa usapan niyo" she added. Kunot-noo akong tumingin sa kanya dahil doon.

"Pupunta ako, nagkataon lang na late ako" I said defending myself. She just lazily nodded at me.

"Mauna ka na papasok, Ara and I can handle ourselves already" she said blankly. I just nodded and left their place.

When I am already in my car I called Angelo. Tsngina baka ginagp ako ng lalaking 'yon.

"Ano?"

"Ikaw ba may nasabi kay Chelsea?" I asked.

"Anong sasabihin ko don? Si Akiexhia lang naman ka-close ko do'n sa magkakaibigan"

"Umayos ka Angelo. May nasabi ka ba kay Chelsea tungkol kay Kisses?"

"Ahhh, yun pala, wag kang mag-alala wala akong pinagsasabihan. Kung ako sa'yo Steven sasabihin ko na agad kay Akiexhia, mas malaking gulo kapag pinatagal mo yan tapos sa iba pa niya malalaman"

"Siguraduhin mo lang" I said. Ibababa ko na sana yung tawag nang mag-salita ulit siya.

"After class, dumiretso ka dito sa bahay. There's something I want to talk about. About Kisses. It's serious"

"Sige"

Kahit nag-aalangan ako kung totoo yung sinasabi niya pumayag ako. It's something that concerns the mother of my child, I have to know it.

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon