Chapter Thirty-Three

94 4 0
                                    

Steven's P.o.V.

"Kila Akiexhia tayo" mahinang sabi ko kay Angelo nang makasakay kami sa kotse. He insisted to drive for me because he thinks I might just crash my car all of a sudden. Siraulo talaga, kailangan ko pa bang gawin 'yon? Para na din naman akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko ang tanging alam ko lang nag-eecho sa isip ko lahat ng sinabi ni Henry kanina.

Si Ma'am Akiexhia po ang nag-utos na negative ang ilagay kong result ng DNA test niyo ng anak niyo.

Paulit-ulit lang, walang tigil kong naririnig sa utak ko lahat ng 'yon. Paulit-ulit din ang sakit at mga tanong na bakit.

"Steven, nandito na tayo" sabi niya sabay tapik sa braso ko pero parang wala akong lakas na harapin siya.

Tumango na lang ako nang tapikin ako ulit ni Angelo. Sinubukan ko munang ikalma ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto ng kotse ko.

"Steven, hindi na ako sasama sa'yo kayo na lang ang mag-usap at saka babalikan ko muna si Krishna. Huminga ka muna bago ka umakyat, baka kung anong mangyari kapag nagpadalos-dalos ka" rinig kong sabi ni Angelo. Pagkabigay niya ng susi sa akin umalis na siya at naglakad na ulit ako papuntang elevator.

Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang papalapit ako. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa unit niya napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto nila, I opened it wider revealing Akiexhia crying while being embraced by her friends.

"Akiexhia"

I successfully caught her attention after calling her one time. She slowly stood up and faced me.

"Steven, I'm glad you're here. Ang dami kong gustong ikwento" she said with a bitter smile.

"No, I am the one who have a lot to tell you" I said in a serious tone then looked at her in the eye. Wala pa man pero sobrang sakit na, sobrang sakit na dumating kami sa puntong 'to.

"Oh really? What about that? Pero wait, ito muna" she said and the next thing I know her right hand landed on my cheek. My face was turned to the other side sa lakas ng sampal niya pero parang namamanhid talaga ako dahil sa nalaman ko kanina.

I faced her again and I saw how her tears fell continuously. If we were in a different situation malamang kanina pa ako nagkukumahog punasan ang luha niya but this is the situation we're in, a situation I never expected us to be in.

"That's for making a fool out of me!" She shouted. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"I fooled you? Eh anong tawag mo sa ginawa mo sa akin?" I said to her emotionlessly. She just looked at me with confusion then laughed afterwards.

"Yon ba? Sinampal kita, hindi mo ba naramdaman? How dare you lie to me and hide about Kisses carrying your child?" She shouted. So she knows it already. Bakit pa nga ba ako magtataka na nalaman niya, nagawa niya ngang manipulahin 'yong resulta ng DNA test sisiw lang sa kaniyang paimbestigahan ako.

"Oh natahimik ka? Guilty ka? Hanggang kailan mo itatago na nabuntis mo 'yong babaeng 'yon?"

"Ikaw, hanggang kailan mo itatagong may binayaran ka para palabasing hindi ko anak si Krishna?" I shouted back at her.

She was flustered by that and later on shook her head.

"Huwag mong ibahin ang usapan Steven!"

"Huwag mo nang itanggi! Alam ko na lahat! Kasabwat mo pa 'tong gagong 'to sa panloloko mo sa akin!" I said pointing at Ash behind her. She just kept shaking her head as she walks closer to me.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now