Chapter Twelve

953 46 0
                                    

Kisses' PoV

I went back to Krishna's room only to find her still sleeping peacefully. I comb her hair as my tears begin to fall again.

"Krishna, 'wag ka sanang magagalit kay mommy ha? I know I never been the mother that you always dream but I love you. Please, don't hate me when you finally discovered the truth"

"Sana nga hindi siya magalit sa'yo" Napalingon ako sa nagsalita bigla sa likuran ko. It's him. I wiped my tears and looked straight to his eyes, na sana hindi ko na ginawa.

All I saw in his eyes, anger. Hindi na dapat ako magtaka o masaktan, sino bang hindi magagalit sa ginawa ko?

"Hindi ko anak si Krishna. She's the reason why we're engaged right?" Pasimula niya, na ayoko ng matapos dahil alam ko na kung saan ito tutungo.

"Iiwan mo na kami?" I said almost whispering it. A tear escaped from my eyes, F*ck, gumuguhit yung sakit sa dibdib ko just the mere thought of him, leaving us.

"At may gana ka pa talagang magtanong niyan Kisses? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? Sa amin? You'll ask me if iiwan na ba kita? Sa tingin mo sino pang gugustuhing makasama ka kung punong-puno ka ng kasinungalingan?" He said while trying himself to be calm, pero alam ko sa loob loob niya gustong-gusto na niya akong sigawan ng todo.

"I love you"

"Love? You love me? Pagmamahal ba 'yang tawag mo sa ginawa mo? Niloko mo ako! Sinaktan mo ako! Then sasabihin mong mahal mo ako? Sa tingin mo ba mababawi ng simpleng I love you mo lahat ng kasinungalingan mo? Will it turn back the clock para masabi mo sa akin AGAD ang totoo? Matatanggal ba niyan yung possibility na masaktan si Krishna?  Ha! Maayos ba niyan lahat?" Napahilamos na lang siya at napaupo. While me? Eto, umiiyak dahil sa sariling katangahan. Gusto ko lang namang maging masaya.

"Tapusin na natin 'tong engagement na 'to. Wala ng saysay para ipagpatuloy 'to"

"Pero paano si Krishna?"

"Paano si Krishna?" He said with full of sarcasm.

"Dapat tinanong mo 'yan sa sarili mo sa simula pa lang. Kisses, sa tingin mo ba hindi ko inaalala si Krishna? Tinuring ko siyang anak for four years, minahal, inalagaan. Akala mo ba hindi ako nag-aalala sa magiging reaksyon niya? Kung alam mo lang, kung alam mo lang" he said. Parang litong-lito na siya the way he said those words. Sobrang sakit.

"Nag-aalala ka naman pala sa kanya eh. Edi, ipagpatuloy na lang natin 'yung dating plano in two years we-"

"We'll what? Get married? Noon 'yon iba na ngayon! Whether you like it or not, tatapusin natin ang engagement wala ng kasalang magaganap. And if you're worrying about Krishna? I'll help her adjust. Just..just, stay away from me" with that he cut my words. Napatungo na lang ako sa kinauupuan ko habang nakatakip sa mukha ko ang mga kamay ko.

"Sa apat na taon Steven, ni minsan ba hindi mo ako minahal?"

"Alam mo ang sagot diyan Kisses 'wag mo ng itanong"

"Bakit siya pa rin? Apat na taon siyang wala pero siya pa rin? Bakit hindi na lang ako?" I looked up to him while saying those words. Pesteng mga luha ayaw tumigil.

"Bakit parang pang sarili mo lang naman ang iniisip mo? The way you said those things parang all you care about is your feelings. Ganyan ka na ba ka-selfish?"

"Bakit kasi ayaw mong makinig sa explanation ko?" Balik na tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi ayaw niyang pakinggan yung side ko?

"Explanation? Na ano? Gusto mong maghiganti kay Akiexhia? F*ck that reason of yours Kissenria! 'Yun lang? You want her to kneel infront of you? Gustl mo siyang pahirapan? At ginamit mo pa kami ni Krishna"

"Yan lang ang alam mo Steven! Hindi mo alam kung ano talagang tunay na kwento! Porke narinig mo na gusto kong saktan si Akiexhia, nabingi ka na sa explanations ko? 'Pag para sa kanya lahat babalewalain mo? Ga-"

"OO, OO! Lahat! Alam mo kung bakit? Mahal ko siya. Mahal na mahal. At marinig ko pa lang na gusto mo siyang pahirapan nasasaktan na ako kasi hindi ko 'yon maimagine na mangyayari sa kanya! At 'wag na 'wag mong isusumbat sa akin na ayaw kong makinig sa'yo ng dahil sa kanya!" At dahil doon natameme ako. Right, sino nga ba naman ako para kumwestyon sa kanya?

Hindi nga pala ako mahal. Kahit ako yung nasa tabi niya, hindi pa rin ako yung minahal, iba pa rin.

Kaso, mahal ko talaga si Steven. I can't let him go. Sila na lang ni Krishna ang nagbibigay kulay sa buhay ko. Ayokong mawala sila sa akin. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin.

"Aalis na ako. Kakausapin ko na ang Daddy mo" naalarma ako sa sinabi niyang 'yon at napatayo. I blocked his way to the door and hold his arms.

"Steven please. I don't want him to be mad at me. Wag mong sabihin please!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"At anong sasabihin ko sa kanya? Paano ako makakaalis sa engagement na 'to kung hindi niya malalaman ang totoo? Kisses naman! Wag ka namang selfish. Ang dami ng taong nasasaktan dahil sa'yo" instead of listening to him I hugged him and buried my face to his chest.

"Kisses, ano ba! Let me go!" Buong pwersa niyang inalis ang pagkakapulupot ng mga braso ko sa kanya. I faced him with full of tears. Baka kahit konti maawa pa siya sa akin.

"Hindi mo na ako mapipigilan Kisses. I've been dying to do this from the very first start. Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo ako. Hahayaan mo akong hanapin ulit yung sarili ko, hahayaan mo akong mahalin ng buong buo yung taong mahal ko"

Pero, paano naman ako?

Ara's PoV

"So anong feeling na makita si Steven in that state?"

"Mashaket *hik* dito oh" turo ng lasing na si Akiexhia sa dibdib niya.

Naglasing ang bruha.

Nagulat na lang kami kanina ng umuwi ayun nagyaya uminom. Pero ang totoo siya lang ang umiinom kami ni Chels, pinanuod lang kung paano siya magmukmok.

Wala, marupok eh. Mabilis masaktan, at madurog.

"Sa ti-ngin *hik* niyo ba, kung a-ko shi Kisshesh ganun *hik* din siya sha anak namin?" Okay ang creepy na ni Asha. Ngayon lang 'to nagkaganito.

Nakangiti siyang ewan. Tapos, lumalaklak pa rin. Nagkatinginan na lang kami ni Chels.

"Nabaliw na ata"

"Broken, yaan mo na" sabi ko na lang.

"Sha, tama na. Lasing ka na" awat sa kanya ni Chels.

"Hindi! Hindi ako lasing. Iinom pa ako!" Pagpupumilit niya ng awatin na namin siya ni Chels.

"Bukas! Bukas ulit tayo iinom. Tigil ka lang muna ngayon. Sige na akyat na tayo sa kwarto mo"  Ayaw ko man yang sabihin dahil mukhang mapapasubo yata ako pero sige na ah, kesa maglunod 'to ngayon sa alak.

Nakailang pilitan pa kami, bago siya pumayag na matulog. At sa wakas, ayun humihilik na.

"Sige pa! Magmahal pa, lakas ng loob ang rupok-rupok naman"

Natawa na lang sa akin si Chels habang parang pinapagalita ko si Asha. Malamang bukas masakit ulo nito.

Pero yun naman ata talaga, every marupok na brokenhearted's bestfriend is alak.

------------
Atlast, after almost four months may update na ulit, though medyo maikli at bitin. I'll make it up to you next update.Love you guys. Mwah.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now