Chapter Twenty-Five

107 7 0
                                    

Kisses's P.o.V.

Steven already left when I woke up. Tanging note na lang niya sa side table and inabutan ko. Same old things na lagi niyang ipinapaalala for the past days.

"Kain na tayo ha? Magagalit Daddy mo kapag hindi ka lumabas nang malusog" pagkausap ko sa sinapupunan ko. I smiled a bit while thinking of my baby.

I will be a mother again. I just failed being a mother to Krishna I don't know why I still deserve to bear another child.

I am in the middle of my breakfast when my father rushed in.

"What is happening with you and Steven? Kamakailan binabawi niya ang engagement niyo tapos ngayon buntis ka? Nakikipag-gaguhan ba 'yang lalaking 'yan?" He said immediately after closing the door. I can only close my eyes as his words enter my ears.

"Dad, please wag ngayon. I will take care of this"

"Kanino 'yan?" He said referring to my child. I unconsciously hugged my tummy before answering him.

"Kay Steven"

"Anong plano niya sa'yo? Wag mong sabihing tatakbuhan ka niyan! Wag ka niyang tatarantaduhin may paglalagyan sa akin 'yang lalaking 'yan"

"Dad, may sariling buhay si Steven I can't take that from him"

"Anong sariling buhay! Tatay na siya! Sabihin mo sa lalaking 'yan magpakita sa akin kami ang mag-uusap"

"Kami na ang mag-uusap Dad. Hindi naman tatakbo si Steven!"

He just frustratedly palmed his face before sitting beside me. He gently carresed my hair before talking.

"Si Krishna?"

"Na kay Angelo"

"What happened four years ago?" I looked at him because of that. What does he mean by that?

"What do you mean?"

"What happened? Sa'yo at kay Steven" I froze at that.

"Kisses, what happened at that night. Tell me, did you really lie about Krishna's father?"

I looked away as I mess my hair out of frustration.

"Lasing din ako Dad. Everything is so messed up during that time kaya ayun lumaklak buong maghapon ang anak mo. That night I saw Steven I brought him home, wala naman talaga akong plano pa noong gabing 'yon, not until it happened"

"So, something did happened. Bakit hindi alam ni Steven?"

"He seem to not remember or malabo sa kanya, I don't know"

"How about Krishna's father? Please, explain it. Kissenria, ang gulo-gulo na ng lahat baka naman pwede mong linawin lahat"

I heaved a deep sigh before explaining him what I did and what happened.

"When that happened between me and Steven I was  in a relationship with Angelo  and you deeply oppose it so after a few weeks when I found out I am carrying Krishna I said that she is Steven's child. Hitting two birds with one stone, I can get even with Akiexhia and you will accept my child. I never told Angelo about Krishna before we part ways but one he just appeared during one of my check-ups, I asked him to hide the truth for the sake of the baby. Noong una ayaw niya kaya pinilit ko si Steven na umalis ng bansa, when he can no longer get a hold of me, he eventually stopped" It felt so draining, explaining what happened four years ago is something I never thought I'll do, akala ko babaunin ko na hanggang hukay yung sikreto ko, hindi pala.

"What made you think na hindi ko tatanggapin ang apo ko kung nalaman kong si Angelo ang ama?"

"You hate him because he's not as rich and influential as what you want. I thought you'll also hate my child that's why pikit mata kong niloko pati sarili kong anak" tears poured from my eyes as I said those last words.

I ruined my own child, my precious treasure. If I was just smarter before baka hindi siya nasasaktan ngayon, she's suffering from the consequences of my actions. Kung anong swerte ko sa kanya, siyang malas niya sa akin.

"How's Krishna?"

"Hindi pa rin ako kinakausap"

"Ikaw, kamusta ka na?" I bit my lower lip as I heard my father asked that question. I immediately rushed to him for a hug as my tears started to rush down.

"I'm sorry, Dad. Sorry, I'm sorry for failing you. I'm sorry I turned into this, I'm sorry for hurting you"

"Shhhh, tama na ang iyak. Malulungkot ang apo ko. Tama na, andito lang si Daddy"

Akiexhia's P.o.V.

"Girl, close ba talaga kayo ni Ash ever since?" My eyebrow raised as I heard Chelsea's question. Eto na naman ang tanungan portion naming dalawa. I just nodded at her as my answer.

"Buti hindi nagseselos jowabels mo?" Napatawa na lang ako sa tanong niya.

"Muntik na. Friends lang naman kami ni Ash, nothing to be jeaslous about"

"Pero diba dati you know" sabi niya na may pataas-taas pa ng kilay.

"Joke lang 'yun. Pakulo lang niya 'yon, naniwala naman kayo" sabi ko sabay tawa.

"Ay 'yun ba yung para kay Gray daw?"

"Oo, sandali nga parang ang tsismosa mo ngayon"

"Nagtatanong lang. Pero speaking of Gray, malapit na kasal non diba? Kayo kailan?" I looked at her with knotted forehead, sinasabi nito?

"Kayo kailan kayo magpapakasal ng jowabels mo?" She asked again, napatawa na lang ako.

"Matagal pa, makakapagdiet ka pa" I joked.

"Akiexhia, si Ash hinahanap ka" Ara said after entering my room.

Ano na naman bang kailangan niya sa akin?

"Sige pababa na rin ako" I said, she just nodded at lumabas na din.

Palabas na din sana ako nang mapansin kong nakatingin sa akin si Chels.

"Why?"

"Nothing"

Angelo's P.o.V.

"Krishna"

"Po?" Napangiti ako nang sumagot siya. Unti-unti napapalapit na sa akin ang loob niya, siguro mga ilang buwan pa tatawagin din niya akong Daddy. Konting sanayan pa.

"Gusto mong mag-Jollibee?" Nag-alangan pa siya ng konti pero pumayag din. Dali-dali siyang nagbihis bago bumaba ulit.

"Tara" sabi ko saka siya binuhat palabas.

Pagdatin namin sa Jollibee um-order na agad kami. Buhat-buhat ko siya habang pumipili siya ng gusto niyang kainin.

Magkamukha sila.

"Yun lang gusto mo?" Tumango lang siya sa akin.

Habang kumakain hindi ko mapigilang titigan si Krishna. She's the child I've been working hard for, she's the reason why I wanted to be a better person, for the past four years she's my inspiration, the very reason why I wake up in the morning.

"Bakit po?" Tanong ni Krishna bigla. Ngumiti lang ako sa kanya at saka umiling. Tumuloy na lang ulit siya sa pagkain niya.

Alam ko namang malungkot pa rin siya, kaya gagawin ko lahat basta maging okay ulit siya. Willing akong ibigay kahit ano, basta maging masaya siya.

Nang mag-cr si Krishna pasimple kong kinuhanan ng specimen ang basong ininuman niya. Sinigurado kong walang nakahalata kahit sino sa ginawa. Napabuntong hininga na lang ako matapos kong itabi ng maayos ang pinaglagyan ko ng specimen.

Pagkatapos nito, sana maging okay na.

------

Another update. Hope you enjoyed reading.

Stay safe guys❤️








Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon