Chapter Three

1.2K 62 10
                                    


Steven's POV

"So you still care about that bitch?" pasigaw na sabi sa akin ni Kisses pagkapasok sa kwarto namin na dapat ako lang ang natutulog!

"Don't you dare call her bitch! Tsaka pwede ba tumigil ka na! Sinunod ko na lahat ng mga sinabi mo ano pa bang gusto mo ha!" sigaw ko din sa kanya.

"Ano naman kung yun ang itawag ko sa kanya? Kahit pa anong itawag ko sa kanya wala ka na do'n, diba nga wala ka ng pakealam sa kanya?" sigaw niya na nagpapantig ng tenga ko, kusa na lang lumipad ang palad ko sa pisngi niya.

"Ginawa ko 'yon dahil sa bwisit mong pamba-blackmail! Ginawa ko 'yon para kay Krishna, pero kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo si Akiexhia pa rin ang mahal ko!" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Maigi pang umalis muna ako dito.

"Pre, inom tayo" bungad ko kay Kayden pagkasagot niya ngtawag ko.

Pinuntahan ko na lang siya sa bahay nila at doon kami uminom.

"Problemado ka ata ngayon?" tanong ni Kayden habang umiinom.

"Ta***ang problema 'yan hindi na ako nilubayan! Lagi naman akong may problema!" inis kong sabi sabay baba ng boteng ininuman ko.

"Ano ba kasing problema? Hanggang ngayon nahihiwagahan pa rin ako sa nangyari before ka umalis four years ago, bakit biglang nagkagano'n?" tanong niya sa akin. Napatingin na lang ako sa kisame, kailangan ko na sigurong ilabas 'to, kahit ngayon lang.

"Nagsimula lahat noong gabi after natin magroad trip" panimula ko sa kwento ko.

Flashback
From: Mommy

Anak, may emergency sa company natin. I really need your help. Tutulungan mo naman si Mommy right?

Napakunot-noo ako dahil sa text sa akin ni Mommy. Anong emergency? Nagmadali na lang akong nagmaneho papunta kay Mommy.

"What's with your text mom?" nag-aalalang tanong ko.

"Anak, hindi ko alam kung anong nangyari pero, biglang bumagsak ang sales ng kompanya natin. Kanina ko lang nalaman, I'm afraid that we can't fix this problem!" frustrated na sabi ni Mommy. Lumapit agad ako sa table niya at binuklat lahat ng folder na naandoon. I took the folder that has the sales and financial report.

What the hell! Bakit ang laki ng ibinagsak ng sales namin? Base sa report dito, we're already losing 15 billion in just a month dahil pati ang iba naming business sa ibang bansa nalulugi na din! How come we didn't notice this? At, what's this?

"My, ano 'tong nakalagay dito?" takang tanong ko kay Mommy at ipinakita ang folder na hawak ko.

"Anak, I just found out na may malaking utang ang Daddy mo sa isang bussiness man dahil sa sugal at pati 'yan hindi ko alam kung paano nangyari!" what the heck! Bakit may utang si Daddy na ganito kalaki? He even used our company as colateral sa mga utang niya.

"Kuya!" tawag sa akin ni Britney na kapapasok lang sa office ni Mommy.

"What happened? Ano 'yan? Tingin nga!" sabi niya sabay higit ng folder.

"H-how?" napahawak na lang ako sa noo ko habang nakatingin kay Mommy na aligaga sa harap ng laptop niya at kay Britney na nakatingin sa folder. The last time we checked this okay naman, bakit biglang bumulusok pababa?

"Damn! Our company is in crisis" sabi ni Britney at napaupo na lang.

"I'm sorry to say this pero kapag hindi natin nabawi ang pagkakalugi ng kompanya natin as soon as possible, merging with the Monteverde's is the only way to fix this" sabi ni Mommy na nagpatigil sa akin.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now