Chapter Five

1.1K 51 3
                                    

Akiexhia's PoV

Ito na yung araw na pinangangambahan ko, ito yung araw na sobrang laki ng chance na magkita kami na sana huwag ng mangyari. Start na ng enrollment ngayon, aagahan ko na para maka-uwi agad ako.

"Ba't ba sobrang aga mo? Pwede namang mamaya ka na umalis" reklamo ni Chels dahil nagising na din sila ng nagising ako.

"Sino daw ba kasing may sabing sumabay kayo sa akin? Pwede namang mag-paiwan na lang kayo dito" sagot ko at binitbit na ang bag ko.

"Oo nga ano? Dito na lang tayo Ara" sabi ni Chels sabay hubad ng sapatos niya.

"I can't, may date ako" sabi niya na nagpagulat sa amin.

"Yung seryoso Ara?"

"Gosh! Bakit hindi kayo makapaniwala?" naiinis niyang sabi. Habang nag-aayos siya ng buhok niya tumunog yung phone niya kaya nagkatinginan kami ni Chels.

"Ehem! KayD Babes pala ha?" natatawang sabi ni Chels.

"Ang corny!" sabat ko at tumawa na.

"Shia Babes, I'll wait for you sa fave. coffe shop natin. Can't wait to see you. Lalabs. Ahahahaha! Ang mais!" tawang tawang sabi ni Chels.

"Lumayas ka na Ara. Hinihintay ka na ni KayD Babes!"

"Humayo ka at magpakarami!" sabi ko at tuluyan ng lumabas ng unit namin.

Pagadating ko sa school iilan pa lang ang students siguro dahil maaga pa nga.

"Hey"

"Dito ka na ulit mag-aaral?" tanong ko kay Hayden ng salubungin niya ako.

"Yup. Kailan ba ako lumayo sayo?" pabiro niyang sabi sa akin.

"Akiexhia nga pala, about dun sa kagabi?" alinlangan niyang tanong na may kasamang buntong hininga.

"Seryoso ako do'n Hayden. Pero there's a part of me na nagdi-disagree dahil may chance na mas masaktan lang kita"

"Para saan ba yung sakit na mararamdaman ko kung sasaya ka naman. Kung kailangan kong masaktan para mawala ang sakit na nararamdaman mo, I'm more than willing to do that" sabi niya habang nakatingin sa malayo.

How can he be like this? Kaya niyang sumugal kahit walang kasiguraduhan, samantalang ako hindi ko magawa.

"Pero ayokong masaktan ka"

"Mas ayaw kong masaktan ka. Doble ang sakit no'n sa akin. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan ka, pero mas masakit para sa akin na nasasaktan ka dahil sa kanya. I'm more than willing to be your rebound, if that's what it takes to ease your pain" nakangiting sabi niya sa akin. I can't suppress my tears, hearing those words from him.

"Thank you"

"No. That should be I love you. Sanayin mo na ang sarili mo" nakakalokong sabi niya sa akin.

"Yung totoo? Kanina ang seryoso natin tapos ngayon gumaganyan ka?"

"Gusto lang kitang pangitiin. Smile ka nga, dali" pangungulit niya sa akin.

"Oh ayan na, happy?" sabi ko sabay ngiti.

"Sobra" sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka nagapatuloy sa paglakad.

Bakit kahit sinabi niyang okay sa kanya. Nakokonsensya pa rin ako? Alam ko sa sarili kong masasaktan ko lang siya, pero eto pa rin ako, sumusugal kahit na sarili ko din ang dinadaya ko.

"Hindi mo ako masasaktan kung matututunan mong mahalin ako" sabi niya na parang nababasa niya ang nasa utak ko.

He's right. Kung magagawa ko siyang mahalin hindi na siya masasaktan.

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon