Chapter Sixteen

874 44 8
                                    

Akiexhia's P.O.V.

"Napatawag ka, miss mo na ako?" napairap ako sa sinabi niya pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko.

"Kapal naman ng mukha" sagot ko na ikinatawa niya.

"Akala ko ba hindi mo ako susungitan, Cristel? Asan na 'yung promise mo?" parang tanga. Nangonsenya pa amp!

"Alam mo Steven kung  ganyan bakit kita hindi susungitan?" you read it right, si Steven nga ang kausap ko.

It was already two months, I guess,  since naliwanagan ako sa lahat ng dapat kong malaman about what happened four years ago. Since that day in the coffee shop, Steven stick to his promise na he'll prove to me that he genuinely love me.

At sino bang hindi magiging marupok sa katulad niya?

Flashback

"Can I also take my time with you?" I Immediately look to that person na nagsalita. I was taken aback ng makita ko si Steven sa harap ko mismo.

I look at Britney questioningly she just shrugged her shoulders and smiled sheepishly. 

Oh gosh! As far as I remember si Britney lang ang tinawagan ko, bakit nandito si Steven? Okay, calm down Akiexhia, remember shits happen for a reason, kalma.

I called Britney, dumating siya tapos si Tadhana, it helped me to have a clearer information about Krishna, so maybe this will turn out the same. Pag hindi lang talaga!

"You've heard enough from us Ate, that's for your brain, this time, you need to listen for your heart. Puso naman Ate, four years din 'yon, can you let my Kuya to tell you his side?" sabi ni Britney while smiling so dearly to me.

Dapat ko bang sundin yung sinabi ni Britney? Ready na ba ako for another set of big revelation? Ready na ba akong mawindang ulit?

"Can I talk to you now Akiexhia? Will you let me?" tanong pa ulit ni Steven. Why can't I think of a great excuse para matakasan 'to ngayon.

Para kasing may part sa akin na ayaw pang pakinggan ang kung ano mang sasabihin ni Steven.

"Tara Britney, wala ng magagawa 'yan si Akiexhia kapag iniwanan na natin sa Kuya mo" sabi ni Tadhana that made my eyes went bigger.

But before I can even utter a word, lumabas na agad sila sa coffee shop. Galing-galing!

Aba, isa pang magaling 'tong kasama ko. Basta na lang umupo sa harap ko. Nagtawag pa ng waiter para sa order.

Galing-galing ng mag-kuya!

"Akiexhia, I'll explain no matter what you say" sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Explanations will just be nonsense kung yung taong pagpapaliwanagan mo hindi willing makinig" sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya.

That smile. That's his smile before nung mga araw na wala pa kaming kahit anong problema. That was his smile before when we still have the love that has no doubts.

"Hindi mo pa ba naririnig 'yung kasabihan na 'walang matigas na tinapay sa mainit sa kape'?" sabi niya habang nakangiti pa rin.

Why does he keep on showing that smile? Hindi kami okay haler! Bakit ganyan siya kung umasta sa harap ko ngayon?

"At ano namang connect ng kape at tinapay dito?"

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon