Chapter Two

1.2K 49 2
                                    


Steven's POV

"Dad, do we really need to cancel our trip and stay here?" malambing na tanong sa akin ni Krishna habang nakakalong sa akin.

"I'm sorry baby, but we need to stay here. Don't worry mamasyal na lang tayo, you want that?" tanong ko sa kanya na nagpatango sa kanya. I canceled our trip dahil mas kailangan ako ng kompanya namin.

"Pupuntahan natin yung mga place na lagi kong pinupuntahan dati, sigurado akong mae-enjoy mo 'yon" sabi ko at niyakap siya at hinalikan sa noo.

"Daddy loves you so much, don't forget that baby"

"Krishna loves Daddy so much" bibong sabi niya at yumakap sa akin.

Nandito kami ngayon sa unit ko or should I say namin. I'm living with Kisses and Krishna, my four year old daughter.

"Dad, where's Mommy? Bakit ang tagal niyang umuwi?"

"Mommy is still with your lola, she'll come back soon" sabi ko sabay ngiti.

Kasalukuyan kaming nanunuod ng tv ng may magdoorbell.

"Andyan si Kisses?" bungad sa akin ni Kayden pagkabukas ko ng pinto. Bakit ba yan lagi ang tanong niya sa akin?

"Wala, bakit ba 'yan ang lagi mong tanong sa akin?" iritado kong sabi sa kanya.

"Secret na lang. Hindi mo ba ako papasukin muna?" sabi niya kaya pinapasok ko na siya.

"Ninong Kayden!"

"Ang laki-laki na ng inaanak ko, 'wag ka sanang magmamana sa mommy mo, utang na loob" sabi ni Kayden, at ibinulong na lang ata niya yung huli.

"You're saying something ninong?"

"Wala, wala. Nga pala Steven may sasabihin ako sayo" sabi niya at umupo na.

Nasira ang barkadahan namin noong umalis ako. Abot'abot ang galit sa akin nung dalawa, at si Kayden na lang ang natirang hindi ako iniwan.

"Ano naman 'yon?" nagtatakang tanong ko. Takte, nakakakaba ang pagiging seryoso ng lokong 'to.

"Umuwi na si Akiexhia" sabi niya na nagpatigil sa akin. Hindi ko na namalayang napatulala na lang ako. Nagulat na lang ako sa tanong ng anak ko.

"Who's Akiexhia Daddy?" tanong ni Krishna na nagpalaki ng mata ni Kayden.

"Hindi niya alam ang past niyo ni Ak-" hindi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin niya dahil kinuha ko na sa kanya ang anak ko.

"Forget about that baby, akyat ka muna sa room mo, may pag-uusapan lang kami ni Ninong mo" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Agad naman siyang sumunod.

"Gag* ka ba? Kung ano-anong sinasabi mo, naririnig ng anak ko" sabi ko sa kanya.

"Sus! Gusto mo din naman atang malaman" nakangising sabi niya sa akin.

"Para saan pa ba?" matabang na sagot ko sa kanya.

Apat na taon na ang nakakalipas malamang wala na siyang pakealam kung malaman ko o hindi na nakauwi na siya.

"Wala ka na ba talagang pakealam? Alam mo hindi ako naniniwala na nasabi mo kay Akiexhia na hindi mo siya mahal, lokohan? Sa tingin mo maniniwala ako na hindi mo siya minahal at ang mahal mo si Kisses?" pasaring niya sa akin. Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng beer, mukhang mapapapahaba ng usapan namin.

"May hindi ka sinasabi sa akin ano?" sabi niya.

"Manahimik ka na lang diyan. Teka nga, hindi lang 'yon ang pakay mo diba?" tanong ko sa kanya habang nagbubukas ng beer.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now