Chapter Thirteen (Part Two)

1.1K 44 22
                                    

Steven's PoV

"Hindi ko po maintindihan" naguguluhang sabi ni Krishna. This is what I fear the most. Baka hindi niya matanggap ang katotohanan but I need to do this.

Ibinababa ko siya at umupo kami lahat sa tabi niya.

"Krishna ganito kasi hindi ako yung totoo mong daddy. Si Daddy Angelo ang totoo mong Daddy" dahan dahan kong sambit para kahit kaunti mag-sink sa kanya.

"Siya po? Paano po 'yun? Eh kayo po yung kasama ko lagi" Tumingin ako kay Kisses as sign na tulungan niya akong magpaliwanag.

"Kisses ano ba? Sabihin mo na" sabi ko sa kanya ng may diin. Pero imbis na sumunod umiwas lang siya ng tingin.

"Mommy what is it?"

"Anak it's nothing. Nalilito lang si Daddy mo sa nangyayari. 'Wag mo ng a-"

"Kisses 'wag mo ng lituhin 'yung bata! Apat na taon ka ng nagsisinungaling sa kanya! Gawin mo naman yung tama!" Sabi ko habang pilit kong pinakakalma ang sarili ko, nandito si Krishna hindi pwedeng basta na lang kaming magsigawan dito.

"Hindi ko kaya! Hindi ko kaya Steven! Please, give me more time, hindi ko kaya!" Sigaw ni Kisses or more on pleading. Pero hindi ko magawang maawa sa kanya, sa apat na taon na panloloko niya sa akin wala na akong maramdaman kung hindi galit, galit sa kanya at galit sa sarili ko dahil hinayaan kong lokohin niya ako.

Apat na taon ang nasayang ko, apat na taon kong nasaktan si Akiexhia with the thought na may anak ako. Dahil sa kasinungalingan niya ang dami kong nasabi kay Akiexhia na hindi dapat. Pinaniwala ko siya na hindi ko siya minahal. Sinira ko ang tiwala sa akin ng mga kaibigan niya at ang tiwala sa akin ng mga magulang niya.

"Kisses pwede ba? Time? Hindi pa ba sapat ang apat na taon?" This time hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa galit ko.

"Kapag hindi ikaw ang nagsabi  pasensyahan tayo Kisses" dagdag pa ni Angelo na halatang nagpipigil lang din.

Natigil lang ang tensyon sa pagitan namin ng umiyak na ng malakas si Krishna.

"Bakit niyo ba inaaway si Mommy?"

"Krishna, hindi namin inaaway si Mommy okay? May mga dapat ka kasing malaman. Krishna, you need to understand. You need to trust me, okay?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin at lalong umiyak.

"Kisses ano ba? Wala ka man lang gagawin?" Pabulong na sabi ni Angelo kahit na inis na inis na.

"Ayoko! Ayoko!" Sagot ni Kisses sa amin na nagpatigil sa pagpapatahan ko kay Krishna.

"Anong ayaw? Bakit ba gustong-gusto mong magsinungaling?"

"I can't lose you! Okay? Steven, I can't lose you, I can't"

"Sorry, Kisses but you already lose me" I said. Kinarga ko na si Krishna at dinala sa kwarto niya. Ako na lang muna ang kakausap sa kanya.

Wala akong aasahan kay Kisses. Lalo lang kaming mahihirapan lahat.

"Krishna tahan ka na please? May importante akong sasabihin" pakiusap ko sa kanya. Nag-antay pa ako ng ilang minuti bago siya kumalma.

"Bakit po kayo nagsisigawan?"

"Krishna, hindi kasi kami magkasundo sa dapat gagawin. Kapag ba sinabi ko sa'yo kung ano yung pinag-uusapan namin makikinig ka" dahan-dahan komg sabi sa kanya kasabay ng pag-ngiti ko. Mas maayos pala kung kami lang dalawa.

Tumango lang sa akin si Krishna sabay punas ng sipon. Magsasalita na dapat ako pero bakit ganon? Bakit bigla na lang nablanko yung utak ko? Paano ko ba dapat simulan 'to?

Tadhana's Real Gameحيث تعيش القصص. اكتشف الآن