Chapter Seven

1.1K 54 3
                                    


Steven's PoV

"Bakit ba ako lagi ang binubulabog mo kapag may problema ka?" reklamo sa akin ni Kayden ng puntahan ko siya.

"Parang wala kang problema? Ayan nga't may pasa ka pa" natatawa kong sabi sa kanya.

"Wag mong pansinin 'to. Ikaw 'tong may mas malaking problema" seryosong sabi niya sa akin.

"Nagkita na kayong dalawa?" tanong niya na tinanguan ko lang.

"Iiwanan mo tapos ngayon magmumukmok ka?" pabalang na sagot ng kung sino mula sa likod namin.

"Kambal naman!" sita ni Kayden sa kauupo pa lang na si Hayden.

"Ano na namang problema mo?" tanong niya sa akin.

"I just met her-" pinutol na niya ang kung ano pang sasabihin ko at nagsalita na siya.

"Hindi dapat ikaw ang pumoproblema niyan, siya dapat. Kung may mas nag-iisip tungkol sa pagkikita niyo siya dapat 'yon. Isipin mo nga, sino bang naiwan? Sino bang nasaktan? Siya diba? Nagmo-move on na siya tapos magpapakita ka? Lakas din naman ng loob mo ano? Ikaw ang saya-saya mo habang siya umiiyak, umiiyak siya kasi pinaasa mo siya" madiin na sabi niya sa akin.

Alam ko 'yon. Malaki ang kasalanan ko sa kaniya, sobrang laki. Pero hindi ko siya pinaasa, lahat ng ipinakita at pinaramdam ko sa kanya totoo. At masakit sa akin na marinig na gustong gusto na niya akong kalimutan.

"Hindi ako nagpapakasaya ng mga panahong iniwan ko siya. Kung alam mo lang lahat ng pinagdaanan ko, kung alam mo lang kung anong tunay na nangyari. Huwag na huwag mong ipapamukha sa akin na ako lahat ang may kasalanan, hindi mo alam" sabi ko habang may matalim na titig sa kaniya.

"F*©k your reasons! That won't change the fact that you hurt Akiexhia! Hindi no'n maalis lahat ng sakit na ibinigay mo kay Akiexhia. Kung gagawin mo lang din pala 'yan edi sana hindi mo na sinabi 'yon sa kanya! Baka matanggap pa niya na pinaasa mo siya pero yung may nabuntis ka sa panahong sinasabi mong mahal mo siya? Ang lakas mo namang makagago!" sigaw niya habang hawak niya ang kwelyo ng damit ko.

"Wala kang alam! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na iniwan ko siya! Hindi ko siya pinaasa! Kung pwede ko lang ibalik ang oras gagawin ko! But I can f**king do that! Kung nasaktan siya mas doble sa akin! Masakit na iniwan ko siya at masakit para sa akin na malamang umiiyak siya para sa akin. You doesn't know anything, hindi mo alam kung bakit gano'n ang nangyari. Kaya pwede ba? Stop me telling that things na kung makapagsalita ka ikaw ang pinakamatinong tao sa mundong 'to, hindi porke't ikaw ang nasa tabi niya ng mga oras na 'yon ikaw ang magaling. Ako pa rin ang ma-" he cut my words by his punch, straight to my face.

"Gago ka din ano? Ang lakas ng loob mong sabihin na ikaw pa rin ang mahal niya? At hindi 'to tungkol sa kung sino ang nasa tabi niya ng mga oras na 'yon, kung tutuusin wala dapat ako sa tabi niya ng panahong 'yon pero dahil sa kagaguhan mo nasaktan siya, na dapat ikaw ang kasama niya habang masaya siya! But the opposite happened" sabi niya sabay tulak sa kakambal niyang nakaharang sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong ni Kayden na tinanguan ko lang.

Ng mahimasmasan na ako umuwi na ako dahil baka hanapin ako ng anak ko.

"Why don't you just forget Akiexhia? Nandito naman kami ng anak mo, kami na lang please!" sabi ni Kisses pagpasok ko sa kwarto.

"Mahal ko ang anak ko pero ikaw? I can't even imagine myself loving you! How can I love you kung mahal na mahal ko si Akiexhia? I love her to the point na gustong gusto ko siyang ipagtulakan sa iba para lang malimutan niya ako, but I can't do it. Kasi sobrang sakit!"

"Bakit ako ba hindi nasasaktan? Nasasaktan din ako Steven! Nasasaktan ako kasi ako ang laging nasa tabi mo pero si Akiexhia pa rin! Ang sakit din Steven kasi ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa'yo! Ang sakit kasi ilang taon na ang lumipas pero ni minsan hindi mo ako binigyan ng chance para patunayan ang sarili ko. Kahit para sa anak natin" she said while her tears are running down her cheeks. Bakit noong si Akiexhia ang nakita kong umiiyak pakiramdam ko ang sakit din at parang gusto ko siyang yakapin pero kay Kisses? I can't feel anything. It's like she's just a mere stranger to me. Nothing more nothing less.

"Kung nahihirapan ka bakit hindi ka umalis? Pwede kang umalis anytime" I coldly said to her. In the first place siya lang naman ang nagpilit na sa iisang lugar kami tumira.

"How about Krishna? Ano sa tingin mong magiging epekto nito sa kanya? Do you think maganda para sa kanya na malaman na naghiwalay ang parents niya? Madidisappoint lang ang anak natin kapag nalaman niya 'to!"

"It's your fault. Alam mong hindi 'to magwo-work pinilit mo pa rin! I can be a father to her kahit na hindi tayo magkasama! Kung una pa lang ipinaliwanag mo na sa kanya na hindi maayos ang samahan natin kesa sa pinaniwala mo siyang okay tayo edi sana mas maayos at hindi ganito kagulo!"

"So ako ang sinisisi mo ngayon? Fine aalis ako! Isasama ko si Krishna" sabi niya at kinuha ang maleta niya. She'll bring my child? No way.

"Aalis ka pero iiwanan mo dito si Krishna" sabi ko sa kanya.

"Ako ang nanay ako ang masusunod!"

"Mommy, Daddy are you fighting? Mommy aalis ka?" Oh fuck! Nagising si Krishna!

"Yes aalis tayo-" I cut what Kisses will say dahil hindi na naman siya nag-iisip.

"Don't meddle with us muna Krishna ha? It's a serious talk between me and Mommy" mahinahon na sabi ko kay Krishna.

"What? Krishna go to your room. Pack your things aalis na tayo" walang kagatol-gatol na sabi ni Kisses kaya napaiyak na lang si Krishna.

"We'll leave daddy?" tanong niya.

"Hindi, you will not leave Daddy. Saan mo mas gusto sa akin o kay Mommy?" tanong ko sa anak ko pero imbis na sumagot mas umiyak lang siya.

"Maghihiwalay na po kayo?" humihikbing sabi niya.

"Hindi. Magpapalamig lang kami, if you want to stay, then stay. Ako aalis ako" sabi ni Kisses at lumabas na ng kwarto.

"Mommy!" habol ni Krishna kay Kisses na palabas na ng unit namin.

"Krishna No. Hayaan mo muna si Mommy, babalik siya" pagpapatahan ko sa anak ko.

"Mommy!"

She just made the situation a lot more complicated.

Akiexhia's PoV

"So anong gagawin mo sa mga manliligaw mo?" taas kilay na tanong ni Ara.

"Talk to them?" alanganin kong sagot.

Paano ba naman, nagulat na lang kami ng isa-isang sumulpot sila Gray, Hayden at pati si Tadhana dito sa unit. Paano nalaman ni Tadhana na dito ako nakatira?

"Sino yung isa do'n? Yung bagong mukha?" tanong ni Chelsea.

"Si Tadhana" sabi ko na nagpahalakhak sa kanila.

"Seriously?"

"Asha tama na ang paninisi kay Tadhana, hindi 'yon magkakatawang tao!" sabi pa ulit ni Chelsea.

"Ewan ah! Bababa muna ako" sabi ko at pinuntahan yung tatlo.

"What brought you here?" tanong ko sa kanila pagdating ko sa sala.

"Manliligaw/ Manliligaw ulit /Kukunin ko yung handkerchief ko" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Nawindang ako sa sinabi ni Tadhana kesa doon sa dalawa. Panyo lang talaga?

"Hindi ka manliligaw kay Akiexhia?" tanong ni Ara.

"Hindi. May mahal na ako" sabi pa niya. Edi wow!

"So kayong dalawa lang ang manliligaw?" tanong pa ulit ni Ara na tinguan lang ng dalawa.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko kay Tadhana.

"Sumabay ako sa kanila. I heard na dito sila pupunta kaya sumabay na ako, sa ex ko kasi yung panyo" sabi niya. Bakit puro ex niya ang bukambibig niya?

"Ito ba?" sabi ko sabay labas ng panyo mula sa bag ko. Tumango lang siya at nagpaalam na. Ganon lang 'yon?

"Alis muna kami ha!" sabat naman nung dalawang bruha.

"So kayo naman. WHAT THE HECK YOU'RE TALKING ABOUT?"

--------------
Atlast nakapag-ud rin after a month. Bakit feeling ko ngayon lang ako nagkaroon ng totoong weekend? Last few weeks feeling ko sobrang dami kong ginagawa, practice dito, review, punta doon, habol ng lessons, journal.

May naghihintay pa ba ng update ko?

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon