Chapter Thirty-Seven

112 9 3
                                    

Steven's P.o.V.

"Anong plano mo ngayon?"

Mula sa pagkakatanaw ko kay Kisses at Krishna inilipat ko ang tingin ko kay Kayden na kaharap ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako nang hindi ko malaman kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Ano nga bang plano ko? Hindi naman pwedeng nandito lang ako, Akiexhia is still in the picture. I still need to fix things with her.

"Hindi ko alam. Tumatanggap ako ngayon ng advice, pwede mong ilabas kadaldalan mo habang willing pa akong makinig" pabiro kong sabi sa kanya.

"Anong ibibigay ko sa'yong advice? Mukha ba akong tatay na?" Tanong niya sa akin.

"Kay Akiexhia kasi. Usapang puso, huwag mong sabihing wala ka ding alam do'n. Alam kong may past kayo ni Ara" pagkasabi ko no'n ay bigla na lang sumeryoso si Kayden at umiwas ng tingin. Napailing na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Wala akong alam diyan. Bobo ako sa usapang puso, olats, negats. Kung gusto mong maayos kayo kay Hayden o kaya kay Gray ka humingi ng advice puro hopeless romatic 'yong mga 'yon"

"Tapos ikaw bitter?"

"Alam mo Steven hindi ko alam kung ayaw mo lang talagang harapin 'yang problema mo kaya ako ang binubwisit mo o gusto mo lang chumismis sa buhay ko" Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Sinong may sabing iniiwasan ko 'yong mga problema ko? Naghihintay ako ng tamang oras para harapin ang mga 'yon.

Hindi na ako nagsalita pa ulit pagkatapos no'n at tahimik na lang na pinanuod si Krishna na tuwang-tuwang naglalaro. Ang lakas-lakas na naman ng tawa niya. Naalis lang ang tingin ko sa kanya nang tumunog ang doorbell.

"May bisita kayo?" Tanong ni Kayden nang tumayo ako para pagbuksan 'yong nasa gate. Nagkibit balikat na lang ako at pumunta sa gate. Napatingin din si Kisses sa gawi ng gate dahil do'n.

"May bisita ka?" Tanong ko pero umiling lang siya.

Pagkakita ko kung sino ang nasa labas parang gusto kong sumapak bigla. Anong ginagawa ng kupal na 'to dito? Tinulak ko siya palabas at saka sinara ang gate.

"Ano na namang pakulo 'to?" Tanong ko kay Ash.

"Sandali Steven, hindi ako pumunta dito para manggulo. May gusto lang akong sabihin" panimula niya. Napailing na lang ako sa kanya, ang kapal ng mukhang magpakita pa sa akin.

"Ako din may sasabihin ako sa'yo. Ito" Isang suntok galing sa akin ang agad na lumipad papunta sa kanya nang hindi ko na mapigil ang galit sa sistema ko. Nanggigil ko siyang tiningnan at saka dinuro.

"Tarantado ka! Tinuring kitang kaibigan tapos ganito gagawin mo?"

"Steven makinig ka muna kasi!" Sabi niya pagkatapos tumayo.

"Wala akong balak makinig sa'yo, gago!" Sigaw ko at magpapakawala sana ulit ako ng isang suntok pero naunahan niya ako. Ngayon ako naman nakasalampak sa semento.

"Steven! Ash anong kalokohan ba 'to?" I just saw Kayden beside me and Kisses behind us with Krishna hiding behind her.

"Kayden ipasok mo muna sila Kisses, ako na bahala sa mokong na 'to" sabi ko nang hindi pa rin tinatanggal ang masamang tingin sa kanya.

"Sandali, ano bang nangyayari? Ash anong problema mo at sumusugod ka dito?" Kisses shouted behind us.

"Kisses, ipasok mo na si Krishna sa loob. Hindi na dapat niya marinig kung ano mang lalabas sa bibig ng lalaking 'to" ulit ko. I thought she wouldn't follow what I said pero tumawag na pala siya ng kasambahay.

"Pati ikaw pumasok ka na" sabi ko pero mas lumapit pa siya sa amin. Bakit ba ang tigas ng ulo nito?

"I won't. I feel like this is still about Akiexhia's stupidity" sabi niya habang nakatingin kay Ash. I saw how his jaw clenched when he heard what Kisses said. I immediately pulled and hid her behind me when I saw his fists balled.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now