Chapter Twenty-Seven

86 7 0
                                    

Angelo's P.o.V.

"I'm sorry, Dad. Sorry, I'm sorry for failing you. I'm sorry I turned into this, I'm sorry for hurting you"

"Shhhh, tama na ang iyak. Malulungkot ang apo ko. Tama na, andito lang si Daddy"

A long silence has passed before I heard another word from them.

"Paano mo nasiguradong si Angelo talaga ang ama?"

"Nung una I thought si Steven talaga but it's just one night, one time Dad, naisip ko na ang labong may nabuo sa gabing 'yon. Isa pa, the DNA test that Steven had confirmed na hindi siya ang tatay"

Pagkatapos kong marinig 'yon sa kanya napaisip ako. Iba yung kabang naramdaman ko, parang may mali.

Kahit kinakabahan ako, pikit mata kong ipina-DNA test ulit si Krishna para matanggal ang kung ano mang kaba sa dibdib ko.

I can still remember how my knees trembled with the thought that Krishna is not my child. The fear that crept into my system is something I never felt before. Iniisip ko pa lang parang guguho na ang mundo ko. At nang malaman ko nga ang totoo, hindi ko na alam kung anong patutunguhan ng buhay ko.

Kahit apat na taon kong hindi nakasama si Krishna siya ang naging sentro ng buhay ko. Binigyan niya ng direksyon ang buhay ko.

"Kung hindi ikaw ang tatay at hindi rin ako, sinong tatay ni Krishna?"

Napatingin ako kay Steven sa tanong niya. Hawak pa rin niya ang DNA test result namin ni Krishna. Naalala ko pa nung kinuha ko 'yon nanginginig ang kamay at paa ko sa kaba.

"Steven alam kong maraming hindi magandang desisyon at hindi magandang ginawa si Kisses sa nakaraan pero naniniwala akong bukod sa ating dalawa wala nang ibang lalaking pwede maging tatay ni Krishna" paliwanag ko sa kanya.

"Pero hindi nga ako diba? May DNA test na kami, negative din ang result"

"Steven, hindi kaya tampered 'yung result ng DNA test niyo?"

Steven's P.o.V.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin 'yung tanong ni Angelo. Napakalabo kasi.

"Paanong mata-tamper? Ni-isa walang naka-alam na magpapa-DNA test ako, kahit si Mommy hindi 'yon alam" katwiran ko.

"We're looking at different possibilities here, wala akong sinasabing may sumadya"

"Ang labo naman no'n Angelo" sabi ko at saka napaupo.

Pucha hindi pa rin ba tapos 'to? Akala ko no'ng lumabas 'yung result ng DNA namin ni Krishna okay na, bakit nagkakagulo na naman kami?

"Paano kung 'yang sayo ang tampered?" Balik kong tanong sa kanya.

"Magdilang anghel ka sana. Nung isang linggo ko pa ipinapanalanging mag-positive 'yang lintik na DNA test na 'yan" sabi niya at umupo sa upuang katapat ko.

Natahimik na lang kaming dalawa pagkatapos no'n. Gaano kadaming problema ba ang haharapin ko bago maging maayos ang lahat?

"Bihisan mo si Krishna" sabi ko habang nakatingin lang sa sapatos ko.

Isa lang ang paraan para makasigurado kami.

"Magpapa-DNA test ulit tayo"

Tumango na lang sa akin si Angelo at iniwan na ako sa garden. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Bakit ba hindi matapos-tapos ang problema ko?

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon