Chapter Twenty

465 32 2
                                    

Akiexhia's P.o.V.

"Ano tumawag na sa'yo?" tanong sa akin ni Chels pagkalapag niya ng juice sa harap ko. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.

"Galing naman niyan. Akala ko ba babawi?" 

"Stacey emergency nga diba? Syempre kailangan magmabilis" sabi ko. Sana nga emergency talagang tunay.

"Eh ano ba naman 'yung sabihan ka ng matinong dahilan diba?"

"Oo na" sabi ko na lang.

Kung sila nagtataka, paano pa ako? Kung sila natatakot paano pa ako? Natatakot ako, bago pa lang ulit nabubuo yung parte ng buhay ko na nasira noon tapos eto na naman? At iisang dahilan parin?

"Tawagan mo na kung hindi ka mapakali" sabi ni Chels, kanina ko pa gustong gawin kaso natatakot ako.

"Natatakot ako" sabi ko while my eyes still fixed on my phone.

"Sha no matter what happen, may karapatan ka. Girlfriend ka girl"

"Pero naging pamilya ni Steven 'yung mag-ina for four years"

"Nandun na tayo Akiexhia, pero pinili ka na niya ngayon pwede bang pangatawanan niya na hanggang dulo?" napatingin ako kay Chels ng sabihin niya 'yon,she just gave me a warm smile like she always do before.

"You're always choosing others over yourself, deserve mo ding mapili. Hindi naman sa nagpapaka-oa tayo over the fact na iniwanan ka ni Steven right after he proposed, without any valid reason kung bakit siya makikipagkita kay Kisses at walang tawag sa'yo para man lang sana sabihing buhay pa siya, pero lahat kami nag-aalala you almost forgot who you are dahil sa nangyari four years ago and Kisses is the reason at ngayong nandyan na naman siya, we know na nakakaramdam ka na ng takot but you should be brave, be brave to ask. Tanungin mo si Steven kapag nagkita kayo, settle things between the two of you. Communication lang katapat ng lahat ng worries mo, para saan pa at boyfriend mo siya kung hindi siya makakatulong para ma-ease yung burdens mo?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko after hearing all of those from Shiara.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling 'yung nararamdaman nilang dalawa. They are one of those persons na nakita kung gaano ako naapektuhan nung nangyari four years ago. For others it was just a plain heartbreak pero hindi lang 'yon.

Alam mo 'yung nagtiwala ka sa isang tao with all your heart kasi ipinaramdam niya sa'yo na no matter what happen hinding-hindi ka niya tatalikuran tapos bigla niyang babawiin lahat?

That feeling na alam mong mahal ka ng mga taong nakapaligid sa'yo, you can have plenty of attentions, recognition and praises pero dahil sa isang tao kinuwestyon mo 'yung sarili mong worth, kasi kung totoong ang daming nagmamahal at tumatanggap sa'yo bakit ka niya tinalikuran in the first place?

In those four years I constantly look for those flaws na hindi ko alam kung saan hahanapin, alam kong hindi ako perfect pero sa sobrang pagiging imperfect ko ba ang bilis para sa iba na isawalang bahala na lang 'yung nararamdaman ko?

Yes, that issue four years ago is already cleared, pero yung feelings, yung pain, yung lungkot I can still remember vividly how all of those felt, and it still pains me.

Hindi dahil iniwan  niya ako kundi dahil naaawa ako sa sarili ko.

Kasi why do I have to experience all of those? Ang sakit sakit pa rin everytime na maaalala ko 'yung sarili ko na umiiyak, nagpipilit ngumiti sa harap ng mga tao, yung tunog ng mga pilit na tawa.

It didn't just broke my heart, binigyan ako no'n ng takot na baka hindi lahat ng tao sa paligid ko talagang mahal ako, talagang tanggap ako.

Yes, I do love Steven to the point nga na isinugal ko 'yung natitira kong hope na mamahalin ako bilang kung sino talaga ako, para tanggapin ko ulit siya sa buhay ko. I'm not regretting that, hindi ko na siya sinisisi, and maybe Stacey's right.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now