Chapter Eleven

1.1K 52 8
                                    

Steven's PoV

"Krishna's not your daughter"

"Krishna's not your daughter"

"Krishna's not your daughter"

Those words echoed in my mind. Tang-**ng 'yan! Anong kagaguhan ang sinasabi ng kupal na 'to? Si Krishna hindi ko anak?

Porke hindi nag-match yung blood type namin hindi ko na agad anak?

"Kisses, palabasin mo yang gagong yan bago ko mabasag ang pagmumukha niya" kalmado kong sabi sa kabila ng galit na nararamdaman ko. Bwiset! Nalilito na ako!

"Bakit ako aalis? Anak ko si Krishna ako ang mas may karapatan dito!" pucha, bakit ba nagpipilit pa rin 'tong lalaking 'to?

"Angelo please, tama na!" At kilala din siya ni Kisses? Don't tell me may alam si Kisses sa sinasabi nitong gagong 'to?

"Anong tama na Kisses? Ikaw dapat ang sinasabihan niyan! Tama na! Tama na sa kasinungalingan mo! Apat na taon Kissenria! Apat na taon mong ipinagkait sa akin ang anak ko! Bwiset na kasinungalingan yan!" I was stoned because of his sudden burst out. He looked so mad with his tears that in any moment will fall. Fuck! Tell me, this is just a joke!

"A-Angelo! Please tama na! Not here! Baka magising si Krishna. Steven, let us talk first" nahihirapang sabi sa akin ni Kisses. Bakit kailangan sila lang ang mag-usap? I'm fucking invope with this!

"Are you hiding something from me?" matigas na tanong ko sa kanya. Hindi ko na alam ang magagawa ko sa kanya, I already gave her the benefit of doubt nung mga oras na nag-try kami para mag-work ang relasyon namin.

I fucking trusted her na magiging maayos na! But, fuck it!

"I'm not h-hiding an-"

"Stop that Kissenria! Bakit ayaw mong ipaalam sa kanya! Wag mo ng subukang takpan ng isang kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan!" Angelo cut her words. Mas nalilito lang ako sa takbo ng usapan namin. Pero alam kong hindi na maganda ang takbo at pupuntahan ng usapan natin.

"L-let's not talk about that in this place"

"Fine! Just make sure Kisses before this day end malalaman niyang si Steven ang totoo" Nauna na siyang lumabas ng kwarto ni Krishna matapos niyang sabihin 'yon.

Napaupo na lang ako pagkatapos non. Out of frustration nasipa ko yung upuan sa tabi ko. I saw how Kisses closed her eyes with my sudden action.

"Kisses ano 'yon?" I'm trying to calm myself as I talk to Kisses. I need to keep my cool dahil hindi pwedeng init ng ulo ang pairalin ko, lalo na't babae ang kausap ko.

"Steven, not here. Please!" She ended up crying after saying those words. Bakit ba hindi na lang nila ako diretsuhin?

"Bakit hindi dito? Nalilito na ako!"

"Let's go. Ayaw mo dito mag-usap diba? Tara, tawagan mo yung gagong 'yun. Magka-alaman na tayo"

I dragged her out of that room. Punong-puno na ako. Tang**ng yan. Hindi ko talaga maisip kung anong magagawa kung lahat ng nagpaiyak kay Akiexhia in the past four years ay kasinungalingan lang.

"Steven, nasasaktan ako. Sandali" I ignored her and just continued walking until we reached the elevator.

"Tawagan mo na. Sabihin mo pumunta sa rooftop nitong ospital"

Pagdating namin sa rooftop nandun na ang kupal. Mukhang kanina pa kami inaantay.

"Kisses ano pang inaantay mo? Wala na tayong maiistorbo dito? Magkabasagan man kami ng mukha dito wala na tayong maiistorbo. Sabihin mo na!"

Tadhana's Real Gameحيث تعيش القصص. اكتشف الآن