Chapter Four

1.2K 61 9
                                    


Steven's POV

Ala's dose na madaling araw pero andito pa rin ako sa bahay nila Kayden. Kanina pa din tumatawag si Kisses pero hindi ko pinapansin, manenermon lang 'yon na akala mo siya ang laging tama.

Sa apat na taon na pagtira ko kasama siya ni minsan hindi ako naging masaya, kung hindi lang dahil sa anak ko matagal ko na siyang iniwan. Kung iiwanan ko kasi siya posibleng tuluyan nilang tigilan ang pagtulong sa kompanya namin, minsan naiisip ko nanggagamit na ba ako ng tao? Pero parang hindi, una kasi sa lahat hindi naman talaga ako payag na ma-engage sa kanya, Daddy niya ang may gusto siyempre pati siya, siya din ang nag-sabi na tutulungan nila ang kompanya namin dahil ayaw naman daw niya na maghirap ako baka hindi ko daw mabigyan ng magandang buhay ang anak namin kapag nangyari 'yon.

Alam niyo, ang laki ng pasasalamat ko dahil hindi nagmana si Krishna sa Mommy niya. My daughter grew up like an angel, malambing, magalang, masunurin at masipag ibang-iba kay Kisses, sabagay lagi din namang wala si Kisses sa gabi lang umuuwi kaya kami lagi ni Krishna ang magkasama. Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi nakuha ni Krishna ang ugali ng Mommy niya, hindi kasi niya masyadong nakakahalubilo.

Siguro kung si Akiexhia ang naging nanay ng anak ko hinding hindi niya hahayaan na laging wala sa tabi niya ang anak niya she's a family oriented type of girl, minsan nga lang nagta-trash talking din. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko yung mga panahon na lagi niya akong sinasabihan ng bwiset kapag inaasar ko siya. Kaso ngayon, baka kapag nagkita kami hindi lang 'yon ang sabihin niya. Nasaktan ko siya, naisip niya malamang na pinaasa ko lang siya pero hindi.

Nung sinabi niya noon na bakit hindi ko siya hinintay hanggang sa masabi na niya ang nararamdaman niya gustong-gusto kong bumalik papunta sa kanya at yakapin siya, sasabihin ko na kahit gaano man katagal ang dapat kong hintayin handa ako dahil sapat na sa akin kung kung anong meron kami, masaya na ako sa mga ipinaparamdam niya sa akin.

"Wala bang balak umuwi 'yang lalaking 'yan?" tanong ng kung sino sa likod ko. Pagtingin ko si Hayden pala na seryoso ang mukha, bahay nga pala nila 'to bakit ba hindi ko naisip na magkikita kami? Galit pa nga pala sila sa akin ni Gray dahil sa ginawa ko four years ago.

"Hayaan mo na kami dito, hindi ka naman namin iniistorbo" sagot ni Kayden sa kakambal niya.

"Lakas naman ng loob niyang magpakita pa sa'kin. Ayos ka din ano?" pabalang na sabi niya bago niya kami iwan.

"Hayaan mo na 'yun si kambal, may topak lang 'yun" sabi ni Kayden pero tumayo na ako. Uuwi na lang siguro ako.

"Uuwi na ako, hahanapin ako ni Krishna pagkagising no'n" tinanguan na lang niya ako bago ako lumabas ng bahay nila. Kaya ko pa naman sigurong mag-drive.

"At saan ka galing?" kasabay ng pagbukas ng ilaw sa sala ang boses niya.

"You're out of it" sabi ko at akmang lalampasan ko na siya ng higitin niya ang braso ko.

"Are you out of your mind? Malapit na tayong ikasal then you're saying na I'm out of what you're doing?" inis niyang sabi sa akin.

"Don't act as if mahal kita. Don't act like you occupy a big space in my heart. Nanay ka lang ng anak ko, tandaan mo 'yan" seryoso kong sabi sa kanya at tumuloy na paakyat ng magsalita ulit siya.

"All this time siya pa rin pala. All this time pinagmumukha mong tanga ang anak mo sa tuwing umaarte ka na ako ang mahal mo!"

"Ikaw ang may gusto niyan. You even black mailed me, right? Kaya 'wag mong isusumbat 'yan sa akin" pagkasabi ko no'n dumaretso na ako sa kwarto ni Krishna, doon na lang ako matutulog.

Siguro kapag nalaman ni Krishna ang totoo magagalit siya sa akin. Pero ano bang magagawa ko? Isipin ko pa lang na pag-aaralan kong mahalin ang mommy niya hindi na matanggap ng sistema ko. Kung siguro hindi ako naglasing noon wala ako sa sitwasyon na 'to, pero kung hindi din 'yon nangyari wala si Krishna ngayon. Wala ang anak ko.

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon