Chapter Thirty-Two

81 4 0
                                    

Steven's P.o.V.

"Kukunin ko 'yong results ngayon, sasama ka ba?" Tanong ko kay Angelo nang makasalubong ko siya habang papunta ako sa parking lot.

"Hindi pare, susunduin ko pa si Krishna" tumango na lang ako sa sagot niya.

"Sige dadalhin ko na lang sa inyo. Doon na natin tingnan" sabi ko na sinang-ayunan niya. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa kanya-kanya naming pupuntahan

Simula nang tumawag 'yong test center hindi na naalis ang kaba sa dibdib ko. Halos hindi na ako nakatulog. Hindi ko alam kung anong hihilingin ko, kung dapat ko bang hilingin na sana anak ko siya o sana si Angelo talaga ang tatay niya para hindi na ulit siya maguguluhan.

Noong unang lumabas na hindi ko anak si Krishna parang gumuho ang mundo ko. Sa bawat araw na dumadaan pinipilit kong hindi siya puntahan para unti-unting mawala ang attachment namin sa isa't-isa kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin at makasama. Para rin naman sa kanya 'yon, para makasama na talaga niya ang tunay niyang tatay.

Habang papalapit ako nang papalapit sa test center palakas nang palakas ang kabog ng didbdib ko. Nakailang hingang malalim pa ako bago ako bumaba sa kotse at dumiretso sa loob. Kahit kating-kati na akong malaman ang totoo pinigilan kong buksan agad 'yong envelope. Nagmamadali akong nagdrive papunta sa bahay ni Angelo para magkaalaman na kami.

"Nakuha mo na, pre?"

"Oo, dito na ba natin buksan?" Tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa sala niya kung saan mahimbing na natutulog si Krishna habang kandong niya.

"Oo pero sandali lang iaakyat ko lang si Krishna sa kwarto niya para hindi natin magising" tumango lang ako at pinanood siya habang buhat-buhat si Krishna. Ako dati ang madalas gumawa no'n dahil nga lagi namang nakakatulog si Krishna sa kalagitnaan ng panonood ng mga paborito niyang palabas.

Pagkaraan ng ilang minuto lumabas na si Angelo at umupo sa katapat kong sofa.

"Ito iyo" sabi ko sabay abot ng envelope sa kanya. Kita ko kung paano nanginig ang kamay niya habang inaabot 'yung envelope. Ilang minuto na ang lumipas pero nakatitig lang kami sa mga hawak naming envelope, para bang wala na kaming balak buksan ang mga 'to.

"Pucha, walang mangyayari sa kakatitig natin dito" sabi niya sabay bukas sa hawak niyang envelope.

Sinimulan ko na ring buksan ang hawak ko at binasa ang laman. Nang mabasa ko kung anong resulta ng test namin ni Krishna napatingin ako agad kay Angelo. Tahimik lang siyang napatulala sa kawalan habang nakasapo ang mga kamay sa kanyang bibig.

Ibinalik ko ang mga mata ko sa resulta ng test namin at gano'n pa rin ang nakita ko.

Probability of Paternity: 99.9999999%

Parang tumigil ang buong mundo ko nang lubusan nang mag-sink in sa akin ang katotohanan. Anak ko si Krishna.

"I'm wrong, you're Krishna's biological father" he said in a low voice.

"Mali 'yong result ng test namin?" Tanong ko.

"Puntahan mo na 'yong naunang test center para malaman mo kung anong nangyari, papahangin lang ako" sabi ni Angelo sabay tayo. Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko sa nalaman ko.

Kahit para akong nanlalambot sa nalaman ko pinilit kong tumayo at pumunta sa kwarto ni Krishna. Tahimik akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to, gusto kong maging masaya pero parang may pumipigil sa akin. Hindi ko alam kung 'yung galit ba na namumuo sa loob ko dahil sa test result na 'yon na gumulo sa lahat ang dahilan kaya hindi ko magawang magdiwang ngayon.

Tadhana's Real GameWhere stories live. Discover now