Chapter Thirty-One

96 6 1
                                    

Akiexhia's P.o.V.

"LQ pa rin kayo?" Ara asked me while we're walking along the hallway of the university. Kaminh dalawa lang ang magkasama ngayon dahil si Chelsea bigla na lang umalis kanina nang walang paalam.

"Ata? He still hasn't contacted me since yesterday" I bitterly said. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung sino bang pinupuntahan ni Steven at sa sobrang kakaisip ko do'n nalimutan kong monthsarry na pala namin ngayon.

Monthsarry namin pero magka-away pa rin kami kapag nga naman tatamaan ng kamalasan, sunod-sunod. I don't know if he remembers na monthsarry namin or he also forgot about it because of that mystery person.

"Bakit nga kasi ayaw mo na lang puntahan 'yung lugar?" Ara said but I just ignored it. Hindi nga pwede, that's the last thing that I'll do, ipapahamak ko lang sarili ko 'pag nagkataon.

"Asha that's the quickest way to solve these mysteries"

Yeah, it really does the job pero it might lead to a more complicated situation for me.

"Asha si Steven" I immediately looked at the direction Ara pointed. It's really him. I guess he still remembered.

We stopped in front of him and do'n ko lang nakita na may dala siyang take-out galing McDo.

"Sorry I wasn't able to call you yesterday, something came up sa kompanya. I have to stay there for the entire night to help" he said then handed me the food. I was waiting for him to say those words at nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko pa rin inaabot 'yung pagkain kaya nagsimula nang kumunot ang noo niya.

"Ayaw mo ba nito?" He asked. Nalimutan ba talaga niya?

"Steven, what day is it today?" I asked him, hoping he'll say that he's just pranking me and greet me on our special day.

"Friday, bakit?" My shoulders dropped when I heard him say that. I just nodded and took the food from him. I breathe deeply before facing him again and forcing a smile.

"Nothing, I just thought I missed out something" I said then started walking.

He completely forgotten. Willing pa man din akong makipag-ceasefire sa kanya ngayon kaso hindi naman pala niya alam kung anong araw ngayon.

"Anong meron?" I looked at Ara who clinged to me while walking.

"1st month" I plainly said but enough to make her gasp.

"Di niya tanda?" Umiling na lang ako sa tanong niya at tumigil para magpaalam sa kanya bago tumuloy papasok sa room ko. Magkaiba kami ng klase ngayon ni Ara kaya wala akong makakasama sa pagmumukmok ko.

Natapos ang first class ko na buryong na buryong ako. Halos lahat ng mga kaklase ko nasungitan ko dahil sa init ng ulo ko. Ano ba namang buhay 'to, walang hanggang tampuhan ba peg naming dalawa?

Vacant pa ako ng isa't kalahating oras kaya naisipan kong mag-gala muna. Nakarating ako sa likod ng sophomore building. Memories. This is where everything started.

I sat down by the tree and enjoyed the wind. Back then ang problema lang namin ni Steven ay 'yung keychain, tapos 'yung maling rinig ko sa sinabi niya. Time sure flies, ang dami nang nagbago sa aming lahat. Nakakatawa na dati puro kami bangayan tapos ngayon gano'n pa rin. Ang ipinagkaiba lang meron ng kami ngayon.

"Akiexhia anong ginagawa mo dito? Senti-senti?" Napairap na lang ako nang marinig ko si Chelsea. Basag trip talaga kahit kailan.

"Saang lupalop ka galing?" Tanong ko pero umiling lang siya saka bumuntong hininga.

"Anong nangyari sa'yo? Chels hindi answerable by yes or no 'yung tanong ko bakit umiiling ka diyan?" I said to her but she just suddenly hugged me. Okay, she's weirdest today.

Tadhana's Real GameOnde histórias criam vida. Descubra agora