PROLOGUE

3.3K 101 11
                                    

"It feels so good to be back, I missed this country so much!!! lalo na yung mga tao, pagkain, mga tanawin, lahat namiss ko" pagkalabas na pagkalabas ko ng airport yan na agad ang lumabas sa bibig ko at naka open arms pa habang may ngiti sa mga labi.





"Should I stay?" dagdag kopa habang tinitignan yung kasama ko, at naglakad na papunta sa kotse.





"Ikaw, it's all up to you, sinasamahan lang naman kita sa lahat ng gusto mo, anak." sagot naman ni mom. "Kaya ka nga bumalik dito sa Pilipinas diba, para makita ulit siya" dagdag pa niya at nginitian ako. Nasa loob na kami ng kotse at OTW na sa bahay.





We're back here in the Philippines after three long years na nasa states kami. Walang sigurado sa kung ano ang pwede mangyare sa mga susunod na araw, pero alam ko na nandito ako ngayon at bumalik ako para sa isang tao.





Oo, Yung nag iisang tao na yon ang dahilan ng pag alis ko, at siya din naman ang dahilan ng pag babalik ko. Hindi na mahalaga kung sino nagkamali, ang importante gusto ko at pinipili ko na ayusin lahat, para bumalik kami sa dati, para bumalik siya saakin.





Nasaktan ako sa mga nangyare noon kaya nga umalis ako diba, pero tulad nga ng sinabi ko, hindi na mahalaga yon dahil, siya at siya lang naman ang laman nitong puso ko. Ang iniisip ko nalang ngayon ay kung paano ko siya mapapabalik saakin. At sana habang gumagawa ako ng paraan para bumalik siya, sana hayaan niya ako at tanggapin ulit.





Hindi to magiging madali dahil matagal akong nawala, at isa pa sa mga iniisip ko ay baka mayroon na siyang iba. Or baka sobrang saya na pala niya ngayon, tapos pag bumalik ako magulo lang ang buhay niya, ayoko naman mangyare yon. Kaya hindi ko alam kung paano o saan ako mag sisimula.





"Sigurado kaba anak na gusto mo siyang bumalik sa buhay mo?" tanong ni mommy habang nag cecellphone, traffic kasi eh. "Yes mom, gusto ko siyang bumalik, gusto ko ayusin lahat. and i made a promise, to her parents. Of all people, you are the one who knows kung gaano ko siya kamahal." Medyo iritang sagot ko sabay tingin sa labas.





"Of course, alam ko kung gaano mo siya kamahal, ang iniisip ko lang anak, ay baka masaktan ka ulit, ayokong bumalik ka sa naging sitwasyon mo noon, natatakot ako, sobra." Sabi pa ni mom habang hawak ang kamay ko. Humarap ako kay mom at tinignan siya ng deretso sa mata.




"I know natatakot ka mom ako din naman eh, pero trust me okay, I'll be fine, besides I have you right? You got me, right?" Tumango naman si mom habang nakangiti, that means she got me kung sakaling hindi maging maganda ang kalabasan ng mga mangyayare.





Natatakot ako sa mga posibleng mangyare pero pinili ko to, ginusto ko to, kaya paninindigan ko. Kung mabigo man ako sa laban na to, buong puso kong tatanggapin, at hahayaan ko siya maging masaya kahit hindi na ako yung dahilan, dahil yun naman talaga ang dapat gawin pag alam mong hindi na siya sayo diba? Kung sakaling masaya na siya sa iba, palalayain ko siya, pero sa ngayon.....











Lalaban tayo. Hindi tayo susuko.....




















Sana lang ngayon na pwede na, pwede pa, kaya pa...





























I'm here love, let's make things right and continue our story.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now