72

3.1K 117 142
                                    

***

"When you're important to another person, that person will always find a way to make time for you. No excuses, no lies, no broken promises."


Bianca's Pov


August (Read it will emotions -🌙)


Four months have passed nung sinukatan kami for our wedding gown and nung sinimulang gawin yung wedding ring namin, and this is the day na susukatin na namin yon. Honestly hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, or kung anong nararamdaman ko.

Nothing's going right, lagi na kaming nag aaway, hindi na nagkakaintindihan, madalang na magpansinan, wala nanaman siyang oras sakin dahil lagi siyang overtime, and as usual mag isa nanaman ako, but this time, she's here, with me.

And thank God for that, dahil kung wala siya ngayong araw hindi kona talaga alam gagawin ko. We're on our way papuntang shop ni Michael our wedding gown designer. And later after dito sa cartier naman to look at our wedding ring. I know-

"Love?" my thoughts were cut off ng hawakan niya yung thigh ko, napalingon naman ako sakanya with my eyes wide open, "Yes love? Ano yun?" tanong ko dahil feeling ko may sinasabi siya eh, "You're not listening, kanina pa ako nagsasalita" sagot niya at nilingon pa ako saglit bago ibalik ang tingin sa daan.

"I'm sorry, I was... day dreaming" saad ko at nginitian nalang siya, "Ano nga ulit yun?" tanong ko para ulitin niya yung sinasabi niya, "I said next week I'll be in Philadelphia with dad..." hindi na ako nakinig dahil, it's all the same thing.

She's been saying that since the start of the year at august na ngayon, memorize kona lahat yan, after niya magsalita tumango tango nalang ako dahil, hindi ko naman siya mapipigilan at hindi rin naman ako pwedeng sumama.

And there she goes again, making promises. "Please, just stop" pagputol ko sakanya I'm tired "Stop making promises you can't keep, hindi naman ikaw yung nasasaktan eh" tired of hearing her promises na masisira din naman in the end.

"I'm sorry" sagot niya, "And stop saying sorry kung hindi ka naman magbabago, balewala lang yang sorry mo kung wala din naman magbabago" sagot ko at pumaling nalang pakanan, "Then what do you want me to say? Anong gusto mong gawin ko? What do you want me to do para maayos tayo?" tanong niya, she tried holding my hand pero kumakawala ako.

"Matagal mo ng alam yung sagot diyan Yumi" sagot ko at bumaba na ng kotse, at pumasok na sa shop ni Michael. Tuwing may gagawin kami about the wedding, lagi nalang kami nag aaway. Alam ko naman na ako nag sisimula ng away, but I have all the reason to be mad at her.

Katatapos ko lang itry na isuot yung wedding gown pero masyado pa siyang masikip kaya hindi kona pinilit. Sumunod na si Yumi sakin and after 10 minutes, tumunghay ako when the curtain slowly opened, and there right in front of me... my girl.

Wearing her white wedding pantsuit, plain white palang siya wala pang beads and konti palang yung details, but it already looks perfect. She slowly walked towards me then I felt her warm hands wiping the tears off of my checks. Umiiyak pa pala ako.

"Love why? Are you okay?" alala niyang tanong at patuloy parin na pinupunasan yung pisnge ko, I smiled at her despite the tears flowing and nodded slowly, "Maganda ba?" tanong niya at lumayo ng koonti para makita ko ng buo.

She looks perfect, and the moment when she smiled while looking at me. Everything went blurred and her actions turned into slow motion, and right there, I saw my future, the only girl na gusto kong makasabay maglakad down the aisle. The only girl na gusto kong iharap sa Diyos at pangakuan ng panghabang buhay na pag mamahalan. The only girl I want to be with till my very last breath, and the only girl I want to be with while raising my children... our children.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now