69

3.7K 134 88
                                    

***

Bianca's Pov


Sunday, February 13


"Love hindi ba tayo magsisimba?" bungad ko pagkapasok ng office niya dito sa condo, nagpagawa siya ng sarili niyang office dito para daw hindi makalat yung mga papers niya at para daw pag nandito siya focus lang talaga.

"Love?" tawag ko ulit dahil mukang hindi niya ako narinig, tumunghay naman siya at tinignan ako, "ano po yun love?" tanong niya, uulitin koba yung sinabi ko o wag na? I don't know.

"Uhm... wala po sige na tuloy mona yan" sagot ko at hinawakan na yung door knob, "Come here love" pagtawag niya bago ko pa tuluyang maisara yung pinto, hindi na ako nagdalawang isip at lumapit na sakanya at naupo na sa lap niya.

"Ano yun love? That's not the first thing you said" panimula niya habang hinahawi yung koonting buhok na nakaharang sa muka ko, pero hindi ako kumibo at nakatungo lang, kung totoong narinig niya gusto ko mang galing mismo sakanya.

"Look at me" utos niya at pilit akong pinalingon sakanya, cupping my face, "Gusto mo magsimba?" tanong niya na parang binabasa yung muka ko, pero hindi ulit ako kumibo, "sige love, I'll just finish reading and signing this tapos ikaw, ligo kana" dagdag pa niya, pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko.

Akala ko itutulak niya ako patayo or pipilitin niya ako tumayo pero, inayos niya yung upuan paharap sa table niya at sumingit sa gilid ng braso ko para makita niya yung mga papel at saka niya pinagpatuloy yung pagbabasa niya.

After a while pinirmahan na niya yung papel at binaba na yung ballpen niya, I guess she's done. "Let's go na" pag aya niya, I was about to stand up pero binuhat niya ako, bridal style at saka siya lumabas ng office at dumiretso na sa room namin.

"Take a bath na love, magbibihis na ako" utos niya ulit at pumunta sa sa walk-in closet, hindi narin ako nagpabebe at pumasok na ng bathroom at naligo narin.

"Ephesians 4:2 says that, be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love. And in 1 Corinthians 13:4 it says that Love is patient and kind, and lastly 1 Corinthians 13:7 says that Love never gives up; and its faith, hope and patience never fail." Saad ni father,

"My brothers and sisters, if you are in a relationship and you truly love that person, the Lord says be patient, kahit gaano pa nakakagigil paminsan ang ating karelasyon habaan natin ang ating pasensya, at pairalin ang ating pang unawa, and with that every good thing follow" pagtatapos ni father ng kanyang homily.

Galing ni father ah, at saktong sakto naman tong homily na to sakin, the Lord says habaan ko ang pasensya ko at pairalin ang pang unawa. Alam kong alam ng Diyos kung gaano kahaba ang pasensya ko at alam ng Diyos na palagi kong inuunawa lahat ng sitwasyon.

Pero panalangin ko na sana, patatagin pa niya ako. Sana.

"You okay love?" pang basag ni Yumi, agad naman akong napalingon sakanya at ngumiti, "Oo naman love gutom lang po" sagot ko, hindi ako nag sisingungaling dahil totoo naman na gutom na ako, "Seafood tayo after mass?" nakangiting tanong niya sakin, "Sure love" sagot ko at humarap na kay father.





-





Friday, February 18


"Love..." panimula ni Yumi, mukang hindi na agad maganda to ah, "Po" sagot ko at patuloy ng inayos yung mga gamit ko sa table para maka baba na agad ako, "Baka po hindi ako maka punta sa dinner with Sarah, dad's here and gusto niya daw ng update sa malls and gusto niya ako yung magpresent" paliwanag ni Yumi, sabi na nga ba.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now