46

3.9K 98 41
                                    

***

Bianca's Pov


Nakatingin lang ako sakanya habang nakaupo siya sa sofa, nakatungo. Hindi magiging madali kung ano man yung disesyon na gagawin niya. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa bed at tumabi sakanya, then I held her hand.

"Hey I know what you're thinking" panimula ko pero nakatungo parin siya, "hindi madali kung ano man yung disesyon na pipiliin mo, kung mags- stay ka mahihirapan ka aralin yung businesses niyo tapos baka mawalan ka ng time sakin, kung sa U.S ka naman mahihirapan ako dahil kauuwi mo palang aalis kana agad at LDR yon" dagdag ko, then she nodded her head, ibigsabihin tama ako.

"Alam kong inisip mo din na isama ako sa U.S pero naisip mo din na masyadong selfish yon dahil nandito yung dream job ko, right?" tumango lang ulit siya, "I've known you my whole life kaya alam kona takbo ng utak mo" sabi ko pa.

I held her chin para iharap sakin, her eyes, paiyak na ang mahal ko. "Love, mahirap pero alam ko kaya natin, kung dumating tayo sa sitwasyon na unti unti kana nawawalan ng time sakin, I won't get tired, or I won't scold you dahil puro ka trabaho, it'll be fine, as long as sakin ka nauwi, sabay tayo nagkain ng breakfast at sabay tayo nakain ng dinner, it'll be fine, we'll be fine promise" tears fell from her eyes.

"Kung sa U.S ka naman, Mas mahirap dahil sobrang layo mo but, I will make sure to update you kung ano man gagawin ko and I will call you every hour kung pwede nga buong araw kita tawagan eh para updated ka sa mga ginagawa ko, kaso magkaiba tayo ng time, pero okay lang, kaya natin" sabi ko while wiping her tears na tuloy parin sa pag agos.

"Stop crying na love, kung ano man yung piliin mo, nandito lang ako, hindi ako aalis, hindi ako mawawala, hindi ako mapapagod, hindi ako magsasawa, sayo at sayo lang ako uuwi, I promise" she's still crying, niyakap kona siya ng mahigpit.

Naiiyak na din tuloy ako but I need to be strong, lalong pang hihinaan ng loob si yumi pag nakita niya na mahina din ako. Mas okay sakin kung dito siya sa pilipinas, keysa nandon siya sa ibang bansa, dito kahit busy siya pwede ko siya puntahan I can take care of her, pero kung nasa U.S siya, hindi ko alam kung pano.

"I- want- to- stay" sabi niya habang nahikbi, kawawa naman ang mahal ko, "then stay, ako din naman I want you to stay, and I promise we'll be fine" sagot ko habang hinahagod yung likod niya. Niyakag kona siya patayo at naglakad kami papunta sa bed, nahiga na ako at tumabi siya sakin while I'm hugging her.

I'm combing her hair using my fingers para makatulog siya, para kahit papano hindi niya muna maisip yung sitwasyon namin ngayon. Mas mahirap kung sa U.S siya, buo tiwala ko sakanya na hindi siya mag hahanap ng iba, pero alam ko para kay yumi hindi madali dahil sa nangyare noon.

I know myself at hindi kona gagawin yung pagkakamali na sumira samin noon, ayoko ng mawala ulit si yumi, hindi kona talaga kakayanin. I closed my eyes at natulog narin nung nakita kong natutulog na si yumi.





-





"mga anak, dinner na, baba na kayo"

I opened my eyes nung narinig ko si manang then I looked at yumi, she's staring at the ceiling, "kanina kapa g-" "Love I'll stay" then she looked at me, I nodded my head in response at ngumiti sakanya, "pero love baka isipin mo ayaw ko mag U.S dahil wala akong tiwala sayo" she knows me "I trust you okay" dagdag niya then I nodded my head again.

"I'll stay kasi ayaw ko ng iwan ka ulit, ayoko na gawin yung ginawa ko noon, kung magkakaproblema tayo along the way, gusto ko sabay natin haharapin at sabay natin gagawan ng solusyon, and I promise kahit gaano ako kapagod at kastress palagi ako mag lalaan ng oras para sating dalawa, I promise" sabi niya pa, naiiyak naman ako, the assurance and her sincerity. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you so much" sabi ko while hugging her, "I know" sagot niya natawa naman ako kaya hinampas ko ng mahina yung braso niya, "let's go na, gutom nako" sabi ko at hinila na siya patayo. I was about to open the door nung hinila niya ako.

Then she pinned me on the wall, she's cornering me with her arms, "love dinn-" fuck those kisses, I grabbed her waist closer to me, "Love- dinner" sabi ko while kissing her, "shut- up" okay, she entered both of her hands inside my shirt holding my waist pababa sa butt ko. Alam kona sunod neto.

Binuhat na niya ako habang nakasandal parin sa wall, still kissing my lips and now using her tongue, not even asking for permission tsk. Bababa na sana ang mga halik niya sa leeg ko ng...

"Anak tawag na kayo, baba na"

Somehow thankful kay manang dahil hindi talaga titigil tong si yumi nako, "Love" sabi ko, she's still kissing me, nilayo kona yung muka niya sa muka ko, then binaba na niya ako, I looked at her pero nakatungo siya, "last" sabi ko then I held her chin and kissed her.

Seconds after lumayo na ulit ako, "let's go na, kulit mo" saway ko sakanya, jusko, ganto ba talaga pag tatlong taon na hindi nagkita?

Naupo na kami at nagstart na kumain, "I was too harsh a while ago, I'm sorry anak" sabi ni tita habang nakatingin kay yumi, "it's fine mom, I understand naman po" sagot ni yumi then she smiled. Saya ah.

"alam ko naman na nakapag disesyon na kayong dalawa, so what's your plan?" tanong ng lola ni yumi, sabay sabay naman natawa si mom and dad pati sina tito and tita, "Po?" tanong ni yumi,

"Nako apo, I've known you since the day you were born, alam ko na din takbo ng utak mo, I know you'll stay dahil ayaw mo na iwan ulit si bianca" sabi ni mama. See kilala na naming lahat si yumi.

Hindi kumibo si yumi at natawa lang, "and besides we've already talked about this remember? So, what's your plan, dating condo? Or new one? Or you'll build your own house na" tanong ni mama, ahh yun pala yung gusto nila malaman.

"Hindi pa po namin napag uusapan, for now I think she'll stay here?" then she looked at me, on the spot to ah, parang wala din naman kami napag usapan na dito muna ako, "Sure" sagot ko, galing naman talaga ng Yumi Garcia.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagk- kwentuhan, for the first-time nag dinner kami na hindi business pinag uusapan, I guess napapagod din sila sa usapan na puro business lang, I mean they also need a break.

After eating bumalik na sila sa living room at nag kwentuhan na ulit, nag excuse na kami ni yumi at dumiretso sa pool area at naupo sa swing.

"Love kanina sa room sabi ko i love you so much pero hindi ka nag respond" sabi ko habang nakatungo, dahil hindi naman talaga siya nag I love you. Tinawanan niya lang ako. "Hindi mo naman na ata ako mahal eh" sabi kopa, pabebe lang, gusto ko ng lambing bakit ba.

"Love ilang taon kana ulit?" tanong niya sakin nakakainis naman to panira, "26" maikli kong sagot habang nakatungo parin, "para kang 16 years old jan" sabi niya habang natawa, bully. "saka nag I love you kaya ako, hindi ko nga lang sinabi verbally" dagdag niya kaya tinignan kona siya.

"Remember? I pinned you on the wall, then I kissed your lips-" "LOVE!!" saway ko jusko, "...tapos pinasok ko yung hands ko sa shirt mo-" "LOVE NAMAN!!" saway ko ulit habang tinatakpan yung bibig niya pero lumalayo siya, "...tapos binuhat kita still kissing you then I used my to-" I shut her up using my lips.

Oh edi tahimik siya, kung ano ano kasi sinasabi. Lumayo na ako agad dahil makikita kami, yes matatanda na kami, old enough to know what we're doing pero nandito sila so no kissing na nakikita nila. She held my face and looked directly into my eyes...

"I love you, higit pa sa sobra"


























——————————————— 🌙 Hi papamiss muna ako 🤗 every other day na ulit ako mag uupdate, so sa saturday na ulit yung update ko, hope u understand po 🥺🤍

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now