54

3.3K 95 77
                                    

***

Bianca's Pov


"mamimili paba tayo ng Christmas gifts o hindi na!"

"Bianca!"

Napabalikwas naman ako ng tayo nung binato na niya ako ng unan. Gusto ko siya sungitan pero may usapan kami na mamimili ng gifts ngayon kaya, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at dumiretso na ako sa bathroom para maligo at mag ayos ng sarili. 20 minutes lang ata ang nakalipas at lumabas na ako ng room.

I saw her na naka upo sa sofa sa living room tapos naka kunot yung noo at naka cross arms pa. minsan lang magalit si yumi, as in sobrang dalang, at sobrang hirap din suyuin. naalala ko nung nasa cebu kami, buong araw niya ako hindi kinausap non! And again Hindi siya yung katulad ko na konting kiss at suyo okay na. iba si yumi.

Nag sign of the cross muna ako bago tuluyan lumapit sakanya, then I sat beside her, "Lovee..." panimula ko at hinawi yung buhok niya so I could see her face, umirap lang siya sakin, "Sor-" "Halika na, ayoko matraffic" pag putol niya sakin at tumayo na.

Shuta, anong gagawin ko. eto nanaman tayo suyowell sakin, i mean goodluck 🥲

Tahimik lang ako buong biyahe dahil natatakot ako na baka may masabi ako na ikagalit niya lalo. Nag aayos na siya ng parking then pinatay na niya yung makina at nauna ng lumabas, akala ko iiwan niya ako but she opened the car door for me, At nauna na maglakad papasok ng elevator, but at least pinagbuksan niya ako ng pinto.

I tried holding her hand pero inalis niya agad at nauna na ulit maglakad. Sobrang daming tao kaya sinabihan ko yung guards na sundan kami dahil mahirap na.

Patuloy lang kaming namimili and ilang stores na yung napuntahan at nabilihan namin, akala kopa naman mag eenjoy ako mamili ng Christmas gifts with her, pero turns out galit pa siya sakin. Kasi naman bianca napaka antukin mo din minsan eh.

"What do you want to eat?" walang gana niyang tanong sabay irap sakin, habaan mo pasensya mo bianca, ikaw din naman may kasalanan nito. "Ramen po" tipid kong sagot, gusto ko mag samgyup pero alam kong favorite ni yumi ang ramen kaya yun nalang yung sinabi ko, para naman mabawasan init ng ulo niya.

"Love ramen po yung gusto ko" sabi ko sakanya pero dere deretso lang siyang pumasok sa samgyup restaurant, enebe ako yung may mali eh tapos ganto pa siya, pereng tenge. Hindi na ako nag inarte dahil samgyup talaga gusto ko ngayon.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain, ako yung nagluluto habang siya kain lang ng kain, galing din. "May bibilhin kapa ba?" tanong ko habang nagsasalin ng water sa baso niya. "wala na" tipid niyang sagot at nag taas na ng kamay for the bill.

Dere deretso lang akong naglakad papuntang dairy queen habang nakasunod siya sa likod ko at may dalawang guard pa na nakasunod, she lied nung sinabi niya na wala na siyang gusto bilhin, tuwing nags- samgyup kami hindi pwedeng hindi siya bibili ng ice cream.

I ordered her favorite at nag order din ako ng akin, "here" sabi ko sabay abot ng ice cream sakanya walang gana niyang tinanggap but I know she's smiling internally. Lumabas na kami ng store at naglakad na pabalik ng parking.

"I'll drive" sabi ko at kinuha na yung keys sa kamay niya, hindi na siya kumibo at pumasok na agad sa loob ng car, hindi ko manlang siya napag buksan ng pinto. I guess she's still mad.

Tahimik lang ako na nagmamaneho habang pasulyap sulyap sakanya, "yung daan yung tignan mo" masungit niyang utos pero nakatungo parin sa phone niya, "can't help it love ang ganda mo kasi" sabi ko at tinignan ulit siya, at saktong nakatingin din siya sakin.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now