39

2.8K 87 45
                                    

***

Yumi's Pov


"Sino ka?" "Heart kilala mo to?" "Nagpadeliver kaba babe?"

Bungad ni fat sakin habang nakatayo ako sa labas ng condo nila, so mean. "MENG!!! I MISSED YOU!!!" salubong ni heart sabay yakap sakin, buti pa si heart, "huy babe, sino ba yan yakap ka ng yakap" saway ni fat at hinila pa si heart palayo sakin, sobrang mean talaga!

"Come on babe, alam ko namiss mo rin si yumi" sabi ni heart habang tinatapik yung balikat ni fat, I love hearty talaga, "Yumi? Ahh naalala kona, yung umalis ng walang pasabi? Yung hindi nagpaparamdam?" hindi kona siya pinansin at niyakap kona siya agad, bago pa ako ibully neto lalo.

"Oh, ano ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni fat habang naka upo sila ni heart sa tapat ko, "wala naman may babalikan lang" sagot ko, nagkatinginan si heart at fat, "kung may babalikan pa" walang emosyon na sabi ni fat.

What the fuck.

Nanlaki ang mga mata ko sakanilang dalawa.

No way! Imposibleng may iba na siya. No freaking way.

"Joke lang! pero umaaligid yung elmo jusko, tapos nabanggit ni bianca sakin last last Christmas may bago ka daw, ewan ko" sabi ni fat at nag kibit balikat.

"Huh ako may bago?" tanong ko tapos naka kunot noo pa.

"oo ewan ko, kayo mag usap malay ko ba jan"

Hindi kona inintindi dahil baka nagkakamali lang siya saka pano naman niya nasabi na may bago ako?

"Pano ka magpapakita sakanya?" tanong ni heart sakin, naks straight tagalog, parang isang taon pinag practice-san "I have no idea, any suggestion?" tanong ko para naman may ambag sila.

"May party this Friday 10pm text ko sayo yung address tapos same peeps" sabi ni fat habang nanguya pa, kadiri naman to, talsikan pa jusko.

It took me seconds bago maalala kung sino sino yung same peeps, then naalala ko, MNL48 members and BINI members at kaming ppop, well ngayon feeling ko, former members na kaming lahat. Tulad naming members ng ppop nag focus na kami ngayon sa work na gustong gusto talaga namin before the girl group thing.

And besides 25- 28 years old na kaming first generation, medyo kupas na. "Hoy next time na tayo magchikahan, aalis kami ni heart, istorbo ka eh" sarkastikong sabi ni fat, "alam mo kahit kailan ugali mo talaga" sagot ko at bineltukan siya.

Sabay sabay na kami lumabas ng condo nila at nagkanya kanya na. bumalik nalang ako sa bahay at nagpahinga dahil ayoko pa muna magpakita sa mga tao, baka pag Nakita nila ako, lalo na ng fans, baka dumugin ako at tanungin kung bakit ako Nawala.

Pupunta ba ako sa party? Bakit ngayon parang hindi nanaman ako sigurado kung kaya kona ba siya makita, bakit feeling ko pag nakita ko siya, babalik lahat, lahat ng sakit. Pano kung akala ko lang pala na okay ako, pero hindi pa pala. Fuck.

I need mom.

Bumangon ako agad at pumunta sa room nina mom and dad, "Oh anak why?" tanong ni dad habang nag pipirma ng papers, "si mom po?" tanong ko pabalik, "nandito naman si dad, bakit si mom pa hinahanap" sagot ni dad tapos malungkot yung tono niya, cute ng tatay ko.

"Hehe pwede nam-"  "no just kidding, she's taking a bath" pag putol ni dad, tumango lang ako at naupo sa bed nila. Five minutes na ata ako nag aantay, ang tagal naman ni mom.

"Why anak?" tanong ni mom pagkalabas ng bathroom, "do you want me to leave?" singit ni dad na ikinatawa namin ni mom, he's so funny, "no dad, just stay" sagot ko habang nakangiti. "What's the problem anak?" tanong ni mom, I just looked at her, no idea how to start.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon