23

3.1K 74 10
                                    

***

Bianca's Pov


"So?" inip kong tanong habang pabalik balik ang tingin sakanilang lahat. Ang tagal kasi kanina pa sila tahimik nakakabingi na nga yung katahimikan eh, tapos ang naririnig lang yung pagtama ng spoon and fork sa plato.

"Let's enjoy the food muna, mamaya na tayo mag usap sa living room" sagot ni lola habang nakatingin sakin tapos nginitian ako. Sabi ni mom kanina mag uusap na ngayon habang nakain ng lunch, tapos ngayon na nakain na ng lunch sasabihin nila na mamaya na sa living room. jusko.

I have no choice but to listen to her and enjoy my meal. Lalo tuloy kami kinakabahan ni yumi, feeling ko tuloy may hindi magandang nangyayare or baka may hindi magandang mangyare. Pero wag tayo negative mag isip, isipin nalang natin arrange marriage to.

For sure parehas kami ng iniisip ni yumi kaya hinawakan ko yung kamay niya under the table and humarap sakanya, "Arrange marriage to love mag ready kana" bulong ko na ikinangiti naman niya, at least diba medyo Nawala yung kaba niya.

After ten years natapos din kami kumain, yun na ata pinakamahabang lunch na naranasan ko sa buong buhay ko. Dumiretso na kami sa living room at isa isa ng naupo sa sofa, magkakatabi sina mom, dad, tito and tita sa isang sofa, tapos sa katabing sofa nila sina lolo, lola, mama and papa ni yumi at nasa harap nila kami.

"Cecil paserve naman ng water and juice at kaunting kukutin narin, salamat" utos ni lolo sa isa naming maid. Sa pagkakaalala ko katatapos lang namin kumain, Bakit naman may kukutin pa lolo, mahaba ba tong paguusapan natin? Saka bakit naman ganto yung porma ng upo namin, counseling ba to?

"So?" inip na tanong ko ulit, kanina pa kasi eh. Tumingin si mom kay dad bago tumingin samin ni yumi.

"Since maganda naman yung takbo ng business natin dito sa pinas at maganda din yung takbo ng malls nina yumi, we decided na pumunta sa U.S para mag partnership and mag build ng company doon." dere deretsong sabi ni mom. So anong kinakalaman namin ni yumi dito. Wait what the f-

Nanlaki ang mga mata ko and said, "Are you saying mom na kami mag mamanage ng lahat habang wala kayo?!" taranta kong tanong. No freaking way ang bata pa namin noh!

"No, of course not mayroong mga tao na naka assign na dyan syempre" sagot naman ni tita, eh ano? Bakit ba ang daming pasikot sikot? Cut the chase men.

"Just say it dad" seryosong sabi ni yumi habang nakatingin kay tito, "Maiiwan kayo dito to take care of your grandparents habang wala kami" sagot ni tito na ikinakalma namin ni yumi, yun lang pala eh.

"Pero you have to live together, it's either mag cocondo kayo or dito sa bahay nina bianca or sa bahay natin" dagdag ni tito. Oww... exciting to ah, wala naman palang dapat ika- takot.

Tinignan ko si yumi, bakit parang naguguluhan siya. Something's wrong, "Why love?" tanong ko sabay hawak ng kamay niya, "Naguguluhan ako" sagot niya habang nakatingin kayna tita.

"Apo, kilala naming lahat ang isa't isa matagal na, mga bata palang kayo. For sure at this time nakita niyo na ang kalokohan niyo sa isa't isa noon diba?" tanong ng lola ni yumi, "Po?" naguguluhang tanong ni yumi.

"Yung palatandaan niyo sa isa't isa diba? Ang nasa likod mo apo ay letter B at ang nasa likod ni bianca ay letter Y, hindi ba?" sagot ng lola ni yumi, "opo" sagot ni yumi, naguguluhan parin siya.

"Love, matagal na magkakilala ang parents and grandparents natin, dahil nga dun sa ballet school remember? And ngayon pupunta ng U.S ang parents natin para mag build ng company and tayo ang maiiwan to take care of our grandparents and para mangyare yon we need to live together" paglilinaw ko sakanya, sabaw pa ata utak neto kakainom.

"Ow" nanlaki ang mga mata niya kaya natawa kaming lahat, finally nagets na niya kung ano ang mangyayare. May mga times talaga na sobrang sabaw ni yumi as in, tulad ngayon kailangan dahan dahanin para magets niya.

"Eh mom why do we need to live together, pwede naman po sunduin ko nalang siya" tanong ni yumi kay tita, "Kaya nga sa isang bahay nalang kayo para hindi na kailangan sunduin, para kung pupunta man kayo kayna lola mabilis nalang, ayaw moba non?"

"Gusto po hehe, pwede po ba kumuha rin kami ng condo?" pacute na tanong ni yumi, tama yan love, mahirap na baka may mang istorbo pa pag... pag natutulog kasi! Kayo ha iniisip niyo.

"Sure, alam naman namin na ayaw niyo ng istorbo" seryosong sagot ni tito na ikinatawa namin, alam din. "Pero make sure na pupuntahan niyo sila twice or thrice a week better kung everyday before you go home" dagdag ni dad.

"Home" sabay na bulong namin ni yumi. Ang exciting naman ng thought na yon.

Pupunta ng U.S ang parents namin kaya maiiwan kami to take care of our grandparents. Para hindi hassle mag cocondo kami ni yumi para sabay kami lagi. Pwede naman na Samahan ni yumi yung grandparents niya at siya magbantay and pwede naman na ganon din ako. Bakit kailangan pa na magsama kami sa isang bahay?

Duda ako ah, planning for the future naba to? Nireready na ata kami eh. hindi na ako mag iisip ng negative things, dahil panget yung ganon. Ang iisipin ko nalang, para sa future to and sobrang supportive nila samin ni yumi.

"Kailan po pala ang alis niyo mom?" tanong ko habang nagbubukas ng candy para kay yumi, "I think next month na anak, planado na kasi lahat eh, nag hihintay nalang talaga kami ng perfect time para sabihin sainyo" sagot ni mom.

"Next month na po?!" "Pano po yung Christmas?!" "Pano po yung new year?!" "Pano po pag nag debut na kami sa Ppop?!" Sunod sunod kong tanong, hindi ako papayag na wala sila sa lahat ng nabanggit ko!

"Uhmm... of course uuwi kami, or kayo nalang yung pupunta sa U.S to celebrate Christmas or new year" sagot naman ni dad, "Pero syempre sa debut niyo uuwi kami" dagdag ni tita, buti naman.

Pag sila hindi umuwi nako magagalit ako ng sobra.




















——————————————— 🌙

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now