70

3K 111 131
                                    

***

Bianca's Pov


"Just call me pag nasa baba na kayo" saad ni Yumi, lumabas na ako ng bathroom dahil may work ako at siya naman papuntang Nasugbu, "Ingat ka don ha" sabi ko habang nagbibihis, "Yes po" sagot naman niya habang nag aayos ng sarili, "Baka mambabae ka lang don ha lagot ka sakin" seryoso kong sabi, "Yes po" sagot niya at tumawa pa.

"Subukan mo lang talaga Garcia nako baka makita nalang sa tabi tabi katawan mo" pagbabanta ko na lalo niyang ikinatawa, "Work ang punta ko don love hindi po babae, saka hindi kona kailangan non, meron na akong Bianca Santos eh" paliwanag niya, ako naman tong parang tanga na kinilig.

"Okay naba lahat ng gamit mo? Baka may nalimutan kapa" tanong ko habang inaayos yung damit niya, nasa baba na kasi yung sasakyan niya at aalis na sila "nadouble check kona love, wala na ako nakalimutan" sagot niya looking at me, "Sure ka?" tanong kopa ulit.

"wala na talaga love, I need to go na po" sagot niya pa, at naglakad na palayo ng condo.

Nasan na yung kiss ko... hindi pa siya nagkikiss sakin... wala siya ng ilang araw tapos wala manlang kiss or hug manlang.

Papasok na sana ako ng condo ng bigla niya akong hinila at agad na nilapat ang labi niya, she pushed me against the wall still kissing me, her hands crawled at my back caressing it pulling me closer, pero bago pa lumalim at mapunta kung saan lumayo na agad ako.

Pinagdikit ko ang noo namin with smile on our faces, "Akala ko nalimutan mo na" saad ko with my sad tone, "Of course not, I was just joking, I'll miss you mag ingat ka dito ha and please call me okay" sagot niya pa cupping my face. "Yes po" sagot ko at niyakap na siya.

"Sige na love papasok pa din ako, mag ingat ka" paalam ko at humiwalay na sa yakap niya, "I love you" paalam niya I kissed her forehead and said, "I love you, palagi" kunwari akong naglakad papasok ng condo para tumalikod narin siya at maglakad na paalis.

Pero hindi ako pumasok, tahimik ko lang siyang pinapanood habang naglalakad papalayo sakin.





-





Second week, March



"Sigurado ka love ayaw mo sumama sa Baler? Pwede tayo magbeach don"

Tanong niya while drawing circles at my back, patulog na kami at bukas na yung alis niya, "Gusto ko sumama love kaso hindi pwede, tambak din trabaho ko sa office eh" sagot ko habang hinihimas himas yung hita niya, "Sayang naman love pero babalik tayo don promise" sagot naman niya at niyakap na ako ng mahigpit.

"Okay love, let's sleep na maaga pa bukas" sagot ko at pumikit na, "I love you" then she kissed my head, "I love you" sagot ko at sumiksik na sakanya.

Last week consistent naman ang pag tawag niya tulad ng sinabi niya sakin kaya hindi ako nag aalala at sabay din kaming nakain which is great kampante ako.

"Call me when you got there okay" paalala ko at humiwalay na sa yakap, "Yes, I love you, mag iingat ka" paalam niya at hinalikan na yung noo ko, "Ikaw din, I love you" sagot ko at umarteng papasok na ng condo.

Pero pinanood ko ulit siya habang palayo ng palayo sakin, it felt weird this time.





-





Third week, March


"Love please call me naman, yun na nga lang pinang hahawakan ko hindi mo pa nagagawa" panimula ko habang natingin ng plates, "Love sinusubukan ko naman eh sadyang sobrang dami lang namin ginawa sa baler" sagot niya at patuloy na nagtupi ng mga dadalhin niyang damit.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now