29

3.4K 79 26
                                    

***

Yumi's Pov


Months na ang lumipas mula nung debut at nung naging kami ni bianca, ang dami narin nangyare, may ilang girl groups na nag debut pagkatapos namin, tulad ng MNL 48 pati BINI at iba pa tapos meron ding mga boy bands tulad ng SB19 at BGYO pati yung Alamat meron pang isa yung fallout.

About naman sa relationship namin ni bianca, everything's fine araw araw may nadidiscover parin kami sa isa't isa, hindi rin nawawala yung excitement, yung spark yung butterflies kung tutuusin nga habang tumatagal mas nakakakilig at mas sumasaya. Well, hindi naman mawawala yung mga away at hindi pagkakaintindihan dahil part naman ng relationship yon.

Yung relasyon namin is private ang nakakaalam lang kaming seven sa ppop, family at ang management. Sabi ng management hindi namin pwede ipublic dahil mawawala yung excitement ng fans at baka malaos kami agad, kaya kahit mahirap kinakaya namin. Ang hirap dahil hindi maiiwasan yung mga ship sa ibang group. Hindi lang to tungkol samin ni bianca, pati kayna heart at fat, cassy at alex pati narin kay ashtine.

Tulad ng Biamo which is si bianca at yung elmo sa fallout, tapos meron pa Biawi daw si bianca at yung yawi jusko, meron din bianca at frances or kay amy or kay gabb from mnl 48 at kung sino sino pang babae.

Jusko! Tapos minsan sinasabi ng fans na Biami lubog daw kasi hindi kami nagpaparamdam, well guys I'm sorry private kaming tao and lowkey kaya onti lang yung nakikita samin.

"Love magl-live ako ha" paalam niya sakin, "Go lang love sisilip silip lang ako" sagot ko sakanya, breaktime namin from rehearsals at nandito kaming lahat of course. Nakita kong nag live na si bianca kaya kayna heart na muna ako sumama.

"Hi guys!" "Wait hindi ko Mabasa" "ang bilis ng comments" "Uy thank you neckie" "Q&A tayo? Sige" "game" sunod sunod na sabi ni bianca, nakatingin lang ako sakanya habang nag lilive siya.

Pinanood ko yung live ni bianca mula sa phone ko para magbasa ng comment at shuta puro elmo nakikita ko! Kaya binaba kona yung phone ko at lumapit kay bianca tapos nagpakita nako siyempre sa live.

Kunwari binabasa ko comment, "Sinong elmo ba yon?" tanong ko "Shiniship kayo?" tanong ko ulit sabay tingin kay bianca, ngumiti siya and said "Yumi lang" HAHA! Sino ka ngayon elmo! Ano! "Biami lang sakalam men!" sagot ko sabay alis.

After ilang minutes nag end narin siya ng live dahil mag sasayaw na ulit kami. After rehearsal umuwi na kami sa condo at nagpahinga nadin. Araw araw ganto yung cycle namin, gising ng maaga breakfast, work tapos punta kayna lola then uuwi narin, well depende kung may gala or dinner kasama sina lola. Sina mom naman nasa U.S na ulit.





-





The next morning, we woke up at nag gym naman, after gym nagmall kami ni bianca at grocery. It's kinda weird dahil nakatutok lang siya sa phone niya, sa tagal naming nagsasama sa condo alam kona yung needs niya for cooking at ako na yung kumuha dahil nga nag cecellphone lang siya.

I lied nung sinabi kong okay lang lahat.

To be honest lately naging ganto si bianca laging nakatutok sa phone niya. I don't know minsan hindi ko nalang pinapansin dahil nag lalaro din naman ako ng valorant. There are times naman na sobrang clingy niya, as in sobrang clingy. I love those times pero mas madalas na puro phone lang siya. It's sad na naging ganto kami.

I need to do something.

Nandito pa naman kami sa mall kaya may naisip ako. "Love adopt tayo dog" aya ko sakanya, kaso mahirap to, lagi kaming wala at walang magbabantay sa dog. Bakit naman kasi, kaya ka nga nag adopt ng dog para bantayan yung house tapos hindi ka maka alis kasi kailangan mo siya bantayan haynako.

Dog, para naman may mabuhusan kami ng atensyon at baka sakaling bumalik yung dating kami.

"I don't know, sino magbabantay pag wala tayo? e lagi tayo may work" sagot niya at dere deretsong naglakad. Naiwan naman ako. Isa pa yan, madalang ko ng naririnig yung word na 'love' sakanya, she responds I love you but minsan niya nalang ako tinatawag na love. Hindi kona alam.

Nandito na kami sa parking at inayos kona yung pinamili namin sa loob ng car at nag drive na pabalik ng condo. "Ligo lang ako" paalam niya sabay pasok na ng room namin. Well, I guess ako nalang ulit mag aayos ng mga pinamili namin. Hindi na ako sumagot dahil wala na ako sa mood. Inayos kona yung pinamili namin at naupo nalang sa couch sa living room at nanood ng movie.

Unti unti na akong napapapikit habang nanonood dahil narin sa pagod siguro... ng maramdaman kong yumakap si bianca sa gilid ko, to be honest I missed this, I missed her, kahit araw- araw oras- oras kami magkasama. Possible pala yun noh, yung mamiss mo siya kagit lagi kayo magkasama.

I hugged her tight at hindi na napigilan ang mga luha ko na kumawala, I was crying silently and it hurts. Kumawala siya sa mga yakap ko then she cupped my face, hindi kona napunasan yung mga luha ko, dahilan para makita niya ako na naiyak.

"Why love? May masakit ba?"

'love' wow finally I heard it again, medyo Nawala yung kirot sa puso ko, pero meron bianca, may masakit, dito banda kung nasaan ka, sa puso ko. Nasasaktan ako kasi nag kakaganto tayo. Pero sana, sana wala lang to, sana may pinaplano ka lang kaya lagi kang naka cellphone. Sana sina tita lang yung kausap mo. Sana, sana bianca.

"Love bakit? Tell me what's wrong, let's fix it, I'm here"

'I'm here' yes nandito ka physically katabi ko, kasama ko, pero parang wala eh, parang sinasabi mo lang na nandito ka pero wala naman talaga. Hindi ko kaya sabihin kung ano yung mali dahil baka nag o-overthink lang ako, pero sobrang miss na kita bianca.

I smiled at her at umiling answering all her questions. I wiped my tears but it won't stop. Why won't it stop!!!

She wiped my tears and kissed my eyes, "Stop crying na love, I'm here, I'll cook dinner, sama ka?" pag aaya niya tapos tumayo na, hindi na ako nakasagot dahil hinila niya na ako papuntang kitchen at pinaupo malapit sa sink at nagsimula na siya magluto kahit nakakasagabal ako.

Nagluto siya ng sinigang, my favorite. Kumakain na kami ngayon habang naiiyak ako internally. I can't talk dahil feeling ko pag nagsalita ako maiiyak na agad ako. Nauna siyang matapos kumain, and akala ko iiwan niya ulit ako mag isa habang nakain, but she stayed.

Madalas naiiwan ako kumain at nililigpit ko nalang yung pinagkainan namin or minsan naman nag cecellphone nalang siya. But she stayed and she's staring at me while I'm eating. "Why?" I managed to ask.

"You're beautiful" sabi niya, nakakakilig, but masakit parin. "I know kaya nga ako mahal mo diba" sagot ko tapos tinignan ko siya ng deretso sa mata, something's wrong. It took her seconds to answer,

"Yeah, I love you kasi maganda ka, but not just that bonus ko nalang yon, mahal kita dahil ikaw si yumi, ikaw yung yumi ko, you're my star and I'm your moon, you complete me, we complete each other."

Then she held my hand and kissed it. I forced a smile at tumayo na to wash the dishes. She crawled her hands sa tummy ko at yung ulo niya nakarest sa shoulders ko, "I won't force you kung hindi mopa kaya sabihin, take your time but please tell me what's wrong"

"Wala to love, moody lang siguro baka magkakaroon nako" sagot ko para hindi na siya magtanong kahit kakatapos ko lang magkaroon. Umalis na siya sa pagkakayakap sakin at dumiretso na sa living room tapos nanood nalang siya.

"Shower lang ako then sleep narin, pagod na ako eh" paalam ko sakanya at nag dere deretso na sa room namin, as I've said, nag shower na ako then nahiga na. I texted fat na yayain ako bukas after rehearsals. I want to talk to her, maybe ask for advice or her opinion. Sana wag niya akong pagalitan.




















Mahal kita bianca, sobra, at alam kong alam mo yan. Alam ko din at panatag ako na mahal mo din ako.





























sana.























——————————————— 🌙

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon