62

2.9K 115 35
                                    

***

Yumi's Pov


"Love after rehearsals hahatid kita sa condo then aalis din ako kasi may pupuntahan daw kami ni cha tapos hahatid kona siya sa airport" paalam ko while driving papunta sa building ng viva.

"Nagpapaalam kaba o sinasabi mo?" tanong niya not looking at me, "Love sinasabi ko po, kasi nag yes na ako kay cha" marahan kong sagot, "Okay, I'll invite fat and heart nalang sa condo para may kasama ako" sagot niya, "I already did love, nasabihan kona sila kanina" sagot ko at nilingon siya para ngitian, she smiled back at nag ayos na ulit ng sarili.

"Malalate kaba ng uwi?" tanong niya ulit habang naglalakad kami papuntang studio, "Siguro love kasi feeling ko hindi lang isa yung dadaanan namin mamaya" sagot ko at tumawa nalang, this is crazy hindi ako magaling mag sinungaling.

"Okay. Yumi, I don't want your messages, call me" seryoso niyang sabi nakakatakot si bianca, shet parang gusto kona magpalamon sa lupa, lupa kainin moko. "You don't have to call me by my name love, I'll call you" paninigurado ko at hinila na siya palapit sakin, then I kissed her.

"EHEM!!! EHEM!!!" hindi ko alam kung ubo ba yon o sigaw na eh, pumagitna si fat habang hawak pa yung ulo namin, napairap nalang ako dahil hindi pa ako tapos eh! "mamaya niyo na ituloy yan jusko! May rehearsals tayo dun oh! sayaw tayo don tara lalandi niyo eh" sermon niya at sabay na kaming hinila papasok ng studio.

"patimabenis baka naman lasingin mo si bianca ng sobra ha! Sinasabi ko sayo" bulong ko kay fat habang pababa kami ng parking, "ayaw mo non para pag uwi mo..." "shut up fat dumi ng utak mo" pag putol ko, jusko naman, sana wag niya lasingin balak kopa naman kausapin si bianca mamaya.

"Tara na Yumi! I'll drive" nanlaki naman ang mata ko at kunot noo ko siyang nilingon, ano daw? Yumi? "anong sabi mo?" tanong ko at naglakad na palapit sakanya, "sabi ko tara na yu-" "sige ituloy mo!" pag putol ko, kanina pa niya ako tinatawag na yumi. Freaking annoying.

"Yumi" napabagsak nalang ako ng balikat at binigay na yung susi ng kotse sakanya, bahala ka jan bianca hindi kita kikibuin.

"Yumi anong oras ka aalis" tanong niya habang nagmamaneho, panigurado ako tuwang tuwa na yan habang pinagtitripan ako ngayon, alam niya na ayaw kong tinatawag niya ako na yumi, "di ko alam" tipid kong sagot.

"sa bahay kaba mag didinner Yumi?" tanong niya ulit, saya niya oh, "isa nalang love, hindi na kita kikibuin" pagbabanta ko pero mukang walang talab dahil tumawa lang siya, kainis, "hindi mo kaya... Yumi" bahala ka jan.

"Yumi?" tawag niya pero hindi kona kinibo, "Yumi I love you" wag ka ngingiti yumi! Pigilan mo, "Yumi I love you sobra" pag ulit niya, shet, tapangan mo yumi wag ka ngingiti!! "Yumi, I want to marry you" nanlaki ang mga mata ko agad ko siyang nilingon, tumingin siya saglit sakin at binalik na sa daan ang tingin.

Natameme na ako, hindi ko alam sasabihin ko, napaka random naman kasi, parang tanga eh kung ano ano sinasabi. "Yumi, I love you" pag ulit niya then she held my hand, "I love you" sagot ko at hinalikan na yung kamay niya.

"Yumi..." "love stop calling me yumi na please" pag mamakaawa ko at nag pout pa kahit hindi naman siya nakatingin sakin, "yumi" pag ulit niya napatungo nalang ako at sumandal na sa kinauupuan ko.

"Do you know the meaning behind your name?" nilingon ko naman siya at tahimik na inantay kung ano susunod niyang sasabihin, "Yumi means, reason or cause..." "and I love saying or hearing your name kasi you always remind me kung ano ako, you are the reason kung bakit ako... ako, kung bakit ako masaya, kuntento, pursigido, lahat na, ikaw ang dahilan ng lahat ng yon Yumi"

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon