03

2.8K 77 2
                                    

***

Yumi's Pov


Monday ngayon and may meeting kami with the head ng Viva artists agency, kasama sa meeting yung ibang members syempre. Excited ako kasi makikilala kona yung iba ko pang makakasama, pero syempre mas excited ako malaman kung sino ba yung Bianca Santos na yon, sana siya yung Bianca na nakilala ko sa Auditions.

OTW nako sa location, and chill lang ako kasi maaga pa and hindi naman traffic. Sa buong buhay ko ngayon lang ata ako hindi malalate, nag set kasi ako ng alarm and incase na hindi ako magising sa mga alarm na yon ay may back up plan ako at yun ay magpagising kay manang. Syempre dahil walang epekto yung alarm, si manang ang gumising sakin.

Nasa parking na ako ng building ng Viva artists agency, well may time pa ako mag muni-muni dahil ang aga pa talaga. 8am yung meeting and 7:40am palang. Ayoko na mag muni-muni baka malate pa ako kaya lumabas na ako ng kotse and sumakay na ng elevator.

Nasa loob nako ng meeting room nag aanntay nalang kung sino ang dadating. "Shet! Totoo ba to? Baka naman panaginip lang to?" Gulat na sabi ni fat tapos kinurot yung sarili nya, inirapan ko naman siya at sinabing "Ang OA mo! Tara dito tabihan mona ko, kanina pako mag isa dito" At umupo naman siya sa tabi ko.

"Anong nakain mo at ang aga mo ata ngayon? Hmm.... Excited ka no" Sabi ni fat habang nagtataas baba yung kilay niya, nang asar pa jusko. "Ano ba! nakakahiya kasi kung malalate ako, kaya inagahan ko, tsk! Saka anong excited, saan naman" Pag dedeny ko sabay irap ulit.

"Deny pa, kilala kita yumi, gusto mo lang makita kung sino yung Bianca eh" Sabi ni Fat at mahinang hinampas ang braso ko. "Shut up Fatima" Masungit na sagot ko pero may ngiti sa labi.

Pagkasabi ko non, bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko ang babae na naka stripes na dress tapos ang color ay black, gray and white, may jacket din siya na black pero hindi totally na suot niya, then naka white shoes and LV na bag. Si Bianca.

Tulad ng nangyare noon nung una ko siyang nakita, napahabol nanaman ako ng tingin sakanya hanggang sa maka upo siya sa harap ko. Nabalik lang sa realidad ang utak ko nung nag snap ng finger si fat sa muka ko. "Hoy! Ano tititigan mo lang yan?" Bulong ni fat sakin.

"H-hi Bianca" Nauutal kong sabi. Shit ano ba yumi! Hi lang eh. "OH NAUUTAL PA!" Sabi ni Fatima sabay tawa ng malakas. Minsan ayoko na din talaga maging kaibigan tong si Fatima, napapahiya ako ng di oras. Natawa naman si bianca ng bahagya. Sht ang cute niya tumawa!

"Hi din yumi, nice to see you again" Sabi ni Bianca habang nakatingin ng deretso sa mata ko. "Nice to see you din, sa tingin ko araw araw na kitang makikita" Sabi ko naman at tinitigan lang siya. "EHEM!! May tao pa dito oh" Pang basag naman ni fat. Bago pako makapag salita pumasok na yung ibang members pati yung boss, ang may ari ng Viva artists agency.

"Nice to finally meet you all, my beautiful artists, well mamaya na kayo magpakilala sa isa't isa, this meeting will be short, and after this you may go" Sabi naman ni boss.

Nag discuss lang siya about sa rules, and yung schedule ng trainings, pinakilala din yung choreographer namin, which is "mamitois" he's gay so mukang magiging masaya to. Sinabi lang din yung mga future projects and stuffs.

9:30am ay natapos narin ang meeting namin, nag goodbye narin si boss and umalis na. Kaya naiwan nalang kaming pito (7) dito. Nakakabingi yung sobrang katahimikan, nagkakahiyaan pa ata sila kaya nagsalita na ako.

Tumayo ako at saka sila niyakag "Tara mall tayo, maaga pa naman, para din makilala natin yung isa't isa" Tinignan lang nila ako and tbh ang awkward. "Onga tara na guys, bonding tayo bago mag bugbugan sa training bukas." Pagkasabi ni Fatima non, nag agree naman sila at tumayo na.

Nasa parking na kaming lahat "Sa moa na tayo magkita kita guys" Sabi ko at um-oo naman sila, Nakita ko si alex na sumakay sa kotse ni cassy. Tapos si ashtine may sariling kotse, si heart naman may sarili ding kotse. At si Fatima nauna na. Hinanap ko si bianca and nakita ko nag aabang siya ng taxi.

Lumapit ako at sinabi na "Bianca halika sabay na kita, sayang pamasahe noh" Ngumiti naman siya at sumunod na sakin, pinag buksanko siya ng pinto dahil mabait tayo men.

Tahimik lang siya habang nag ddrive ako, dahil nabibingi ako sa katahimikan namin naisipan ko nalang magpatugtog.



Nangangamba, nangangamba ang 'yong puso
Hindi ka sigurado
Nalilito, nalilito ang 'yong utak
Kung tunay bang pag-ibig 'to

Ano ba ang problema mo?
Sabihin na ang totoo


Wow. Just wow. Perfect timing ka Zack Tabudlo. Napangiti naman ako nung narinig kong sumabay sa kanta si Bianca. Her voice, sobrang angelic.


Sabihin mo na, nilalaman ng puso mo
At nararamdaman nito
Kung 'di pa aminin ang gusto
Baka kasi mawala na ako


Sasabihin kona agad? Nah it's too early.

Walang nagsasalita saming dalawa kaya "So, how old are you, Bianca?" Fck. Ang lame ng question. Sa dinami rami ng pwede itanong bat yan pa yumi, what are you 12 years old? Natawa naman siya kaya medyo natawa din ako. Nakakahiya.

"Yan talaga tanong mo yumi? Let me ask you a question, are you straight?" Diretsang tanong naman niya, Hindi ako nakasagot dahil sobrang direct to the point niya, kaya nagsalita na ulit siya. "Is it too hard to answer? By the way I'm 18 years old, and to answer my question, I'm BI" Napangiti naman ako ng bahagya.

"Me too" Yan lang ang nasagot ko. "Anong me too, san don? Sa 18 years old o sa BI?" Medyo mataray na tanong niya. Natawa naman ako at sinabing "I'm 17 and me too I'm BI" Tinignan ko naman siya, at nahuli ko nakatingin din siya sakin. "Why?" Tanong ko.

"Nothing, just admiring the view." Napa ngiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya, direct to the point talaga siya, hindi na nagpapaligoy ligoy.

"Maganda ba?" Malokong tanong ko naman dahil alam kong saakin siya nakatingin kanina. "Hmm... pwede na" Sabi niya kaya napasimangot ako, natawa naman siya. "Just joking, Oo maganda, sobra" Sagot naman niya kaya napatingin ulit ako sakanya at nakatingin parin siya sakin. Fck.

"Stop staring at me Bianca" Sabi ko. "Bakit takot ma-fall?" Diretsang tanong nanaman niya. "Your face is blushing" Agad ko naman kinapa ang pisngi ko at nag iinit nga ito. "No, it's not" Pag mamaang maangan na sagot ko. What the hell are you doing bianca! You're teasing me.

Bago pa niya ulit ako pag tripan nagsalita na ulit ako, "We're here" Nasa parking na kami ng moa and lumabas agad ako ng kotse para pag buksan siya ng pinto habang nag aayos pa siya ng sarli.

"Wow gentleman naman pala" saad niya, "Let's go na kanina pa nagtext si Fatima, nasa loob na daw sila" sagot ko naman at naglakadna kami sa entrance.

"Good Morning po Ms. Garcia" Bati nung guard habang nakangiti at sabay sabay silang nag-bow sa harap ko. "Good Morning" Sagot ko naman at nginitian sila.











——————————————— 🌙

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon