26

3.2K 82 6
                                    

***

Yumi's Pov


"GOO YUMI!!!"

"WE LOVE YOU BIANCA!!"

"LET'S GO CALEX!!!"

"ASHTIIINE!!"

"GO FATIMAA!!!"

"GO PUSO!!!!!"

"MAHAL NAMIN KAYO!!!"


Sabay sabay na sigaw ng fans namin sa labas, "Okay guys this is it, ang araw na pinaka pinaghirapan natin, pinaka pinagpaguran, pinaka iniyakan! Lahat lahat na, kaya girls do your best okay!! Kaya niyo to" sabi ni mamitois samin habang nakabilog kami backstage.

Fuck sobrang excited kona, ang tagal namin hinintay tong araw na to, after 3 years of rehearsals at gym, worth it lahat. Lahat ng pawis at dugo na inalay namin. "Girls? In 3... 2... 1..."

"LET'S GOOOO PPOP GENERATION!!!" "WE LOVE YOU!!!!" ANG GAGANDA NIYO!!!" "BIANCA AKIN KA NALANG!!!" hoy kuya akin yan. "YUMII!!! JOWAIN MOKO!!!" sorry guys taken.  "HEART!!! ANG GANDA MO!!!!" jusko lalabas na ata mga bituka nila kakasigaw.


-


"Thank you so much sa support guys! Mahal din namin kayo, lahat kayo, and please wag kayo magsasawa na suportahan kami-" "HINDI KAMI MAGSASAWA!!!!" "Thank you!!! Again, we are the ppop generation" "Bianca" "Yumi" "Fatima" "Heart" "Cassy" "Alex" "Ashtine" "Bye guys!!!"

"Balik tayo sa viva may celebration tayo!!" sigaw ni mamitois backstage. Hinanap ng mga mata ko si bianca pero nawawala siya, wtf. "Bianca!!" sigaw ko, "Tara na meng" pag yayakag ni fat, "wait si bianca hahanapin ko lang, una na kayo, I'll use my car nalang" sagot ko at umalis na.

"BIANCA!!!" sigaw ko ulit habang paikot ikot na dito backstage, where the hell is she.

"Lo-love andito ko" sinundan ko kung san nanggaling, fuck. "Love! Inhale... Exhale... come on kalma ka lang, inhale... exhale..." kalmado kong sabi kay bianca habang hinahagod yung likod niya at nagpapaypay hindi pwede na mataranta ako dahil matatakot siya lalo, eto yung pinaka kinakatakutan ko pag nag peperform na kami eh, pag inaatake na siya.

Nakaupo kami dito sa sahig tapos pawis na pawis at hinihingal si bianca. "Love kaya mo tumayo?" tanong ko, hinang hina siya eh, sobrang taas kasi ng energy niya kanina habang nasayaw kami. Lead singer siya at lead dancer din, kaya ang hirap iwasan na hindi siya atakihin.

Mahina kasi yung puso ni bianca. Ewan koba sa management kung bakit siya parin yung ginawang lead, pero kasi sabi naman niya kaya niya. "Hindi ko kaya love" mahinang sabi ni bianca, binuhat kona siya agad at naglakad na kami papunta sa kotse ko, yung gift sakin ni papa.

"Kaya mopa ba pumunta sa celebration natin?" Tanong ko sakanya habang nagd- drive, "Kaya pa naman love, nakakahiya kung wala tayo don" sagot niya, hindi ko maalis yung tingin ko sakanya dahil alalang alala ako, "Magpakita nalang tayo love tapos alis narin tayo agad, you need to rest"

Akala ko naman kami kami lang yung mag cecelebrate pero kung sino sinong tao pa pala yung nandito. Akay akay ko si bianca habang hinahanap namin si boss para magpaalam narin agad. Ayoko na muna makipag salamuha sakanila mahirap na, lalo sa sitwasyon ni bianca.

"Boss!" sigaw ko ng makita ko si boss na nainom sa isang table.

"Oh yumi, bianca, why? Kumain naba kayo? This is your celebration." Sabi ni boss habang naka ngiti ng malawak, "Opo, ah, boss una na kami ha inaatake na po kasi si bianca eh, mahirap na po" paalam ko, "Nako! Ganun ba? o sige, mag ingat kayo, tumawag narin pala ang dad niyo na wala kayo for one week, pahinga kayo ha, sinabihan ko din yung ibang girls na magpahinga din muna" mahabang litanya niya, "thank you po boss, enjoy po kayo" sagot ko at inakay na ulit si bianca paalis.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang