74

3K 148 124
                                    

***

Bianca's Pov


"Musta? Natutunan mona ba kung paano mahalin ang sarili mo?"

Bahagya naman akong napangiiti at nilingon na sila, "Still in the process, well you know hindi siya madali" sagot ko at tumayo na para lapitan sila, "I know, kasi sa pagkakatanda ko, bago pumasok sa isang relasyon, dapat mahal mo muna yung sarili mo, ewan koba sainyo kung baket nahuli" sagot ni fat at natawa pa.

I hugged heart at nakipagbeso narin, "Dami mong sinasabi fat" sagot ko kay fat at naglakad na papuntang swing, at sabay sabay na kaming naupo. Second week na ng October and I must say medyo mabilis yung process ko, and pansin din ni fat na maganda yung progress ko.

Hindi madali nung una dahil, ang hirap kumilos ng wala si Yumi dito, ang hirap kasi parang kulang ako. Pero palagi kong inaalala na, ginagawa namin to para sa ikabubuti din namin, para samin din naman to eh. kaya kahit mahirap, kinaya ko, kinakaya kong mag isa, at patuloy kong inaaral kung paano mahalin ang sarili ko at kung paano ako magiging better person.

Inuuna ko naman yung sarili ko ngayon.

"Lalim niyan ah" pag putol ni fat kaya agad ko siyang nilingon pero nakatingin lang siya sa swimming pool, "Oo gusto mo lunurin kita" sagot ko at agad naman siyang lumingon sakin at tinaasan ako ng kilay, "Seriously Bianca" seryoso niyang sagot at kinuha yung beer na nasa tabi ko, at inabutan niya rin si heart. 

"Sorry, iniisip ko lang yung mga pinag daanan ko" sagot ko at tumingin nalang sa buwan, "Sa araw araw namin na pag punta dito, I can honestly say na you're doing good" sagot ni heart at tinapik pa yung balikat ko, so I smiled at her.

"How about you Fat? Any thoughts?" tanong ko at binalik ang tingin sa buwan, "yeah I'm proud of you, kasi nakikita ko yung changes and that smile never left your face" sagot ni fat na ikinangiti ko naman, masaya ako dahil, nagbubunga naman lahat ng pinag hihirapan ko. It's all worth it.

A minute of silence passed at mag sasalita na sana ako ng...

"This will be hard Bianca pero, kailangan mong tanggapin na hindi sa lahat ng oras nanjan si Yumi... lalo na pag tuluyan niyang tinanggap yung offer as the president ng company niyo" panimula ni fat kaya agad na nabura yung ngiti sa labi ko.

"I'm sure sinasabi ni Charlize kay Yumi na, i- prioritize ka, and I'm sure kayang matutunan ni Yumi yon, but you need to prepare yourself dahil being the president is not easy, hindi mawawala ang sandamakmak na business trip niyan, meetings, overtime, dinner with the board at kung ano ano pang bagay na hindi ka kasama" pagpapatuloy ni fat, yan ang bagay na hindi ko alam kung kaya kong matutunan.

"Yan ay kung tatanggapin ni Yumi yung position" pag singit ni heart kaya agad ko siyang nilingon, "Hindi niyo pa naman napag uusapan yang matter na yan diba? What if... just what if hindi tanggapin ni Yumi yung position, instead she chooses you" dagdag ni heart,

"Babalik siya in handling the malls which is a little easier keysa sa company, but at leaset, less business meetings, less overtimes diba? and she's here with you" tumango naman ako at bahagya ng ngumiti, I'm sure may 'but' pa yan.

"But I'm not saying na wag mo gawin yung sinasabi ni fat" sabi na nga ba, binalik ko nalang yung tingin ko sa buwan at huminga ng malalim, there's always a 'but' "Syempre less business trips lang yon hindi totally wala, so you still need to accept the fact na ganon na yung magiging buhay niyo, unless maghanap ng ibang trabaho ang isang Yumi" pagtatapos ni heart.

"Parang hindi rin naman nakatulong yung sinabi mo heart eh, it's like both of you are saying na, wala akong choice kundi tanggapin yung fact na habang buhay na akong may kahati sa oras ni Yumi, at yung trabaho niya yon" sagot ko at inubos na yung beer na hawak ko.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon