21

3.7K 64 2
                                    

***

Bianca's Pov


"Love CR lang ako" paalam ko sakanya, naiihi na ako eh, "sama ko" sagot niya sakin bago umalis sa ibabaw ko, tumayo na ako and said, "sure" then nag lahad ako ng kamay tapos binawi ko din and said, "next time" katatapos lang namin tapos iisa nanaman siya, aba sumosobra.

Hawak kona yung door knob ng tawagin niya ko, "Bianca?" "Wait po" hindi kona siya nilingon dahil ihing ihi na talaga ako. Then lumabas na ako ng bathroom at lumapit sakanya.

Pinatalikod niya ako at tinignan yung letter Y na nasa likod ko. "Ikaw?" mangha niyang tanong sakin.










Flashback...

Katatawag lang ni Fatima sakin, sinabi niya na maga- audition daw sila ni Yumi sa isang girl group sa viva. Kaya nag ayos na agad ako ng mga kailangan dahil bukas na daw yung audition, jusko magsasabi kung kailan kinabukasan na yung ganap.

Well, yes, magkakilala kami ni Fatima, after ballet school nag punta kami ng family ko sa U.S para dun ako mag aral, and dun ko nakilala si Fatima, nakwento ko rin sakanya kung sino si yumi at kung sino siya sa buhay ko. Turns out friend niya pala si yumi dito sa pilipinas. Basta mahabang kwento si fat na bahala magsabi.





-





"Ms. Bianca, gising na po, ngayon po yung audition niyo di po ba?" gising ni nanay sakin, ang kulit ni nanay sabi ko sakanya na bianca nalang itawag sakin, ang tagal na niyang nagseserve sa family namin pero Ms. Bianca parin tawag niya.

"Opo nay, gising na po" sigaw ko pabalik, dahil hindi titigil kakasigaw at kakakatok yan si nanay hangga't hindi ako nasagot. Nag unat lang ako saglit at kinuha yung phone ko, nagpunta agad ako sa Instagram to check kung may story si Yumi, and tama ako nag story siya ng boomerang ng shoes niya. Since updated nako sakanya kahit papano, bumangon at nag ayos na agad ako.

I'm wearing my black crop top, then naka ripped jeans ako and air force 1 na shoes tapos bitbit ko yung windbreaker kona violet and blue, isusuot ko din to mamaya sa auditions. Bumaba na ako to eat breakfast with mom and dad.

"Oh anak, ngayon ang auditions mo no?" tanong ni mom sakin habang nainom siya ng coffee, tumango lang ako in response, "Excited kana ba?" tanong naman ni dad habang nag babasa sa ipad niya, "Syempre naman dad, ngayon lang ako mag aaudition e" sagot ko.

"Sa audition ba excited o excited na makita si yumi, ulit" pang aasar ni mom, then tumingin si dad sakin sabay ngiti ng nakakaloko. Ghaaad my parents. Of course, alam nila kung sino si yumi sa buhay ko, they are my parents and support sila kung sino ako, i mean everyone knows kung pano at ano kami ni yumi nung mga bata pa kami, ewan koba kung bakit si yumi lang yung hindi nakaka alala sakin. siguro sobra yung galit niya nung umalis ako kaya nakalimutan na niya ako.

"Syempre po mas excited ako makita si yumi, hehe" sagot ko habang naka ngiti, "Galingan mo anak ha, were proud of you" sabi ni dad. Then nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Nandito na ako ngayon sa building ng viva, and since ang aga ko nga A28 yung number ko. Dumadami na yung tao asan naba sila. Itetext kona sana si fat ng makita ko yung babae na naglalakad, that's my girl.

She's wearing a black tube na may napakanipis na strap, then ripped jeans with black belt at denim jacket terno ng jeans niya. Simple lang pero ang lakas ng dating. Iba talaga, galing ko pumili.

Ano ba ako lang to guys. Akin yan. Nagkatinginan kami ni fat pero umiwas agad kami ng tingin sa isa't isa dahil baka mahalata kami ni yumi.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon