08

3.2K 82 15
                                    

***

Yumi's Pov


Naglalakad lakad lang kami habang palubog yung araw, 'tong katabi ko naman akala mo mawawala sa sobrang higpit ng hawak, hindi na nga ata hawak to, yakap na ata 'tong ginagawa niya sakin.

"Ano Bianca naging linta kana jan, kapit na kapit ah" sarkastikong sabi ni ashtine, tinignan ko naman si bianca at nag roll eyes lang siya.

"San tayo kakain dito na ba ulit or sa serin nalang?" tanong ni cassy, tumigil naman sila sa paglalakad at nagtinginan. "Hindi! Ah... nagpareserve ako sa isang place, tara"

Nagpareserve ako dun sa The Purple Owl kanina lang, dapat nga hindi pa tatanggapin reservation ko kasi dapat daw two days before yung reservation tapos sinabi ko lang surname ko, nag agree na agad sila. Tinatanong din nila ako kung pano daw design, pero hindi kona nasagot basta ang sinabi ko sila na bahala.

"Here na tayo guys, baba na kayo" sabi ko sakanila. Habang papasok kami napansin ko na onti lang yung tao, medyo may kamahalan din kasi dito or baka wala na masyadong tao kasi paclose narin.

"Wow naman yumi, baka naman para sainyo lang ni bianca to, alis nalang kami" sarkastikong sabi ni fat, "Ang romantic naman dito" sunod na sabi ni ashtine, "Ang gandaaa" sabi naman ni alex sabay akap kay cassy.

"Tara na guys gutom na talaga ako" madaling sabi ni bianca at hinila na ako papunta sa table namin.



-



Patapos na kami kumain, kwentuhan nalang. "Its Sunday tomorrow, any plans?" tanong ni heart. "Simba tayo sa Caleruega, medyo lalayo nga lang kasi Batangas na yon" sagot ko, napatingin naman silang lahat sakin. "Why? Ayaw niyo sige sa iba nalang" tumawa naman sila. Weird.

"Grabe planadong planado mo to ah" natatawang sabi ni cassy, napakamot nalang ako sa batok ko kahit hindi makati.

Well, matagal kona talaga naplano to incase nga na pumunta kami dito sa Tagaytay, para hindi kami nakatunganga lang or nag aantayan ng disesyon kung san pupunta. Mas maganda na yung may plano tayo kahit papano diba.

"Crosswinds tayo, pahangin ganon tutal gabi narin, malamig" biglang sabi ni bianca, nagtayuan naman lahat at naglakad na palabas.

Nasa van na kami Otw sa crosswinds, "HALA!" sigaw ni alex, napalingon naman kaming lahat sakanya, "baket?" tanong ni fat, "HINDI TAYO NAKAPAG BAYAD!!" dagdag pa ni alex. Natawa naman ako and said "Ako nagbayad guys don't worry" lumipat lahat ng tingin nila sakin and nagthank you.

"Shet anlamig" pagkabukas ng van yan lang nasabi namin. Wala naman kami magagawa dahil nandito narin kami.

"Okay ka lang, eto oh baka nilalamig ka" sabi ni bianca sabay abot ng jacket niya, "No okay lang ako, ikaw na magsuot niyan" pagtanggi ko, pero deep inside nanginginig na talaga ako, pati ata organs ko kailangan na ng jacket.

Nagkanya kanya kaming lakad and malalayo yung pagitan namin sa isa't isa, si ashtine naman hawak yung phone tapos naka airpods, kausap ata bebe niya.

"Thank you" sabi ni bianca sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko, "Baket ka nagt-thank you?" tanong ko, "Because you made this day extra special, sobrang saya ko" sagot naman niya habang nakayakap sa braso ko. "Masaya ka lang ata kasi kiniss kita eh" pabiro kong sabi.

"Grabe ka naman sakin, well yeah yun talaga dahilan kung bakit sobrang saya ko, pero bukod don, sobra mo kaming asikasuhin, kaya thank you" then she gave me her most genuine smile. "Aww... always welcome" then I kissed her forehead.

Sobrang genuine. Sobrang pure. Sobrang sincere. I hope it last.

Nakita ko si alex na nakayakap din sa braso ni cassy, si Heart kaholding hands si Fatima. Si ashtine naman ngiting ngiti habang may kausap sa phone.

Sobrang saya naming lahat, sana ganto lang kami lagi. Sana walang masama na mangyare.

And kung dumating man yung panahon na may mag away samin, sana palagi nila piliin na ayusin lahat at wag na mag pataasan ng pride, dahil kung pride lang din ang paiiralin parang pinili narin nila na sirain yung pagkakaibigan. Pero, what could possibly go wrong diba? Wala naman siguro.

Tumigil kami ni bianca sa paglalakad, "Hey, okay ka lang ba talaga?" tanong niya, nabalik naman ako sa sarili ko, "Opo, medyo nilalamig na hehe" sagot ko sabay smile.

"Cassy! Fat! Ash!" sigaw ni bianca, lumapit naman silang lima samin "Ano meron B?" tanong ni ashtine, "Tara na? late narin eh mamaya sobrang lamig na dito" Nag agree naman silang lahat and naglakad na papunta sa van.

"Thank you" sabi ko kay bianca pagkaupo namin sa sasakyan, nginitian niya ko and said "Welcome"

Nandito na kami sa bahay naka upo lang lahat sa living room "11am yung mass bukas, siguro alis tayo dito ng 9:30am para incase na may traffic"

"Grabe yumi, ikaw ba talaga yan? Nakakapanibago ka naman, ano ba nakain mo ha?" sarkastikong pagtatanong ni Fat, "Ano ba guys minsan lang to kaya hayaan niyo nako" natatawa kong sagot, kaya nagtawanan din sila.

"Una na kami sa room mga bhie, Goodnight" sabi ni alex sabay tayo at umakyat na sumunod din naman si cassy sakanya, "Kami din ni heart una na ha Goodnight" umalis narin sina fat at heart. "Ikaw ash dito ka muna?" tanong ko. "Oo may kakausapin pa ako eh" sagot naman niya sabay ngiti ng nakakaloko.


"Ikaw ha di ka nak-kwento" pabirong sabi naman ni bianca, "Sige na una na kami, wag kana magpuyat ha aalis tayo bukas" sabi ko naman kay ash at naglakad na papunta sa room.




-





"Sino muna maliligo?" tanong ko kay bianca pagkapasok namin ng room, "Bakit may mauuna pa kung pwede naman magsabay" sagot niya sabay nag smirk. Ghaad hindi pa ba pagod to. Hindi ako nakasagot kaya nagsalita na ulit siya "Joke lang, una kana"

Pumasok na ako ng bathroom and naligo na, buti nalang wala akong nakalimutan na kahit ano, kung hindi baka ituloy na talaga niya. Nagbihis na ako ng pyjamas and oversized shirt pantulog, then lumabas na ako ng bathroom at naglakad papunta sa bed.

"Hey ligo ka muna bago magsleep" gising ko sakanya, pero imbis na idilat niya ang mga mata niya nagpout siya na parang humihingi ng kiss. Mukang masasanay to na kinikiss ko siya lagi.

Naglean forward ako to give her a smack pero ang bilis ng mga kamay niya, nakahawak na agad siya sa nape ko and kissed me aggressively. Fck. Bago pa lumalim ang mga halik niya, bumitaw na agad ako at tumayo ng deretso.

"Nope, take a bath na" sabi ko at tinuro yung bathroom, "tsk" padabog naman siyang tumayo at nag derederetso sa bathroom, "Hey, hey, hey, your clothes! And your towel! Ano kakalimutan mona lahat ngayon?" masungit kong sabi.

Padabog ulit siyang bumalik para kunin yung clothes and towel niya, tinignan niya ako tapos nag roll ng eyes.

After ten minutes nakarinig ako ng kalabog galing sa bathroom, kaya agad ako bumangon at kumatok.













"HEY ANONG NANGYARE?! OKAY KA LANG BA!!?"















——————————————— 🌙

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now